Contract 16- Themes, Bear and Greek God!

Start from the beginning
                                    

"Savannah! Baka nakakalimutan mong ako ang kasama mo. I dont want to read the morning paper tomorrow, with the headline : "The HGG Director being intimate with the Teddy Bear at the Teddy Bear Museum". Kaya tama na yan." at ano pa nga ba magagawa ko, eh di magpahila. Tapos bago pa niya ako mahila ng tuluyan pa exit. Hinila ko siya pabalik sakin..

"Excuse me sir, please take us photo." sabay abot ng Ipad dun sa isang tourist. Opo Ipad ginagamit ko sa pag pipicture kasi, diretso na sa facebook at instagram. May tatlong ninjas kasi na nag aabang sa updates ng celebrity couple..kami ni Heaven yun. Hahaha. Pero si Heaven yung DSLR niya yung gamit niya. Nasabi ko nabang mahilig din siya sa photography tulad ko? At itong Ipad ko, eh regalo ng ninjas sakin. :)


Pagkatapos nang stolen shot na yun with Heaven, nag exit na kami. At na facebook narin yung photos. ^_^

"Saan na tayo sa susunod?" excited much ako masyado noh! Hehehe.

"We'll go Udo Island." and silence. Siguro nainis na talaga to sakin kanina sa loob ng museum kaya countable na naman yung reply niya. :(

After 30minutes drive, dumating na kami sa ferry terminal. Yes people, ipeferry itong sasakyan namin papuntang Udo Island and yes, may sasakyan po kami. Baka nakakalimutan nyo sinong kasama ko. ^_^v

Yung biyahe ng ferry eh 10minutes lang naman. After 10 minutes andito na kami sa daungan. At....wala na patay na ako. TT__TT. Kasi naman dati nung nanonood ako ng kdrama, akala ko reincarnated na self ko lang ang makakapunta sa korean kdrama, lalo na yung location nila. Pero ngayon im HERE!!!

"UDO!!!! Saranghae!!!" baliw na kung baliw..ganyan ako ka excited eh. *O* Ikaw ba naman i welcome nang lighthouse na nakita mo lang sa tv dati..yung lighthouse sa "Fantasy Couple". Tingnan ko lang kung hindi karin mag mukhang baliw tulad ko. Hahaha.

Dahil sabi ni Heaven pupunta daw kami sa may horse riding place dito, medyo bumiyahe pa kami nang kunti...pero hindi na talaga kunti. Dahil sakin. Dahil lang naman sa nakita kung yellow flowers sa gilid ng daan! Opo yung pinag shootingan ng "BOF"! Sa wakas nakita ko na. Buhay paba ako? Kasi grabe lang..mabaliw baliw ako sa ganda ng view, promise!! Feeling ko nagsoshoot din kami ni Heaven ng scene dito. Ang ganda ng maliit na yellow flowers. Basta para akong baliw na hindi magkanda-ugaga sa gagawin, basta paghinto ni Heaven ng sasakyan, deretso lundag ako at nagtatakbo dun sa mga flowers! Promise..tapos hindi ko alam yung baba pala noon eh dagat!! *O* *\O_O/*

"Heaven!! Salamat talaga sa pag dala mo sakin dito ah" sabi ko kay Heaven sabay takbo palapit sa kanya at bigay ng super bear hug with matching peck sa lipsoree..oppppss *0* >//////////////<

The Bride Hiring Heir (Bride Series: Book 1) &gt;&gt;Completed&lt;&lt;Where stories live. Discover now