Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.

KABANATA 1

49 6 2
                                        

“Pasok ka, Tina.”

Sabi ni Aleng Flor ng makababa kami ng tricycle. Bumiyahe pa ako from Davao to Manila dahil naghahanap daw nang bagong katulong ang amo niya. Nag asawa na kasi daw yong pinalitan kung katulong kaya agad silang naghanap nang kapalit sa kaniya. Hindi sana ako papayag kasi nag-aaral pa ako pero nag offer yung amo niya na pag-aaralin nila ako basta pumayag lang ako. Kaya ayon, choosy pa ba ako? Syempre grab the opportunity libre na eh tapos Manila pa. Pak!

Halos maluwa naman ang mata ko nang bumukas ang napakalaking gate sa harapan ko. My gaaaaad! First time kong makakita ng gate na sobrang laki at bongga pa yung pa entrance. Hindi ko inakala na hindi lang pala mayaman ang amo ni Aleng Flor kundi sobrang yaman. Instant billionaire ang lola niyoooo!

“Tina? Halika na. Kanina pa nakabukas ang gate.” sabi ni Aleng Flor.

Napabalik naman ako sa katinuan ng magsalita si Aleng Flor. Sobra yata akong na ignorante sa malaking gate. Paano nalang kaya ang loob ng bahay. Naku baka maluwa ko na talaga ang mga mata ko pag nakita ko na yung loob ng bahay. Siguro hindi ito bahay, MANSIYON.

Bago pa ako magulantang sa mga nakikita ko hinila at pinagbibitbit ko yung mga gamit ko at sumunod kay Aleng Flor.

Ang laki talaga ng bahay este ng Mansiyon na to. Sa pagkaka ala ko base sa kwento ni Aleng Flor. May lahing Amerikano daw ang may-ari nito. Tanging anak lang nila ang andito, nasa states kasi daw ang mag asawa dahil nandun ang business nila.  Hindi ko alam kung babae o lalaki ang anak nila nakalimutan ko nang itanong kay Aleng Flor dahil na excite ako ng sabihin niyang libre ang pag-aaral ko.

Napansin ko lang? Bat antahimik ata dito?

“Iyan naba ang kapalit ni Nida?”

Napatigil naman kaming dalawa ni Aleng Flor ng makasalubong namin ang isang babae. Medyo may katandaan na rin ito. Nasa kwarenta anyos na siguro base sa itsura at postura.

Yumuko naman si Aleng Flor na kinakunot ng noo ko. Siya ba yong anak? Bat ang tanda hehe.

Sinenyasan naman ako ni Aleng Flor na yumuko, kaya yumuko narin ako. Bat parang reyna ang dating ng babaeng ito, medyo may kakaiba din akong aura na nararamdaman. I feel like parang---

“Opo madam, siya po si Tina kababayan ko po sa Davao City. Siya po yung sinasabi ko sa inyo na kapalit ni Nida.” sabi ni Aleng Flor. Bigla namang tumaas ang dalawang kilay nito dahilan para mapahawak ako nang mahigpit sa dala kong gamit.

“Mabuti, ihatid mo na siya sa kanyang silid. At pagkatapos ay papuntahin mo siya sa opisina ko. Doon ko sasabihin ang mga dapat at hindi dapat niya gawin.”- sabi ng babae na madam. Yumuko naman ulit si Aleng Flor habang ako naman parang maiistatwa sa lamig nag katawan ko.

Nagpaalam na kami at tumungo sa silid kung saan ako matutulog. Bawat katulong dito may kaniya kaniyang silid. Infairness alam ang salitang “privacy” mas mabuti nang ganon, ang ingay ko pa naman matulog.

Narating na namin ang silid na tutuluyan ko katabi ng mga silid nila Aleng Flor at iba pang katulong. Hindi ito kasali sa parte ng bahay naka separate ito sa mansyon. Medyo ilang metro din ang layo sa mansyon mula dito.

Binigay naman ni Aleng Flor ang susi ng silid ko. Sa tanang buhay ko first time kong magkaroon ng sariling kwarto, kasi sa bahay siksikan kami ng mga kapatid ko sa isang kwarto. Halos magrambulan din ang mga gamit namin sa loob dahil kaunti lang ang space.

Nang matapos ko nang mapasok ang mga dala kong gamit doon ko palang napansin na medyo malaki pala ang silid na ito. May isang lamesa kung saan pwede mong lagyan ng mga libro o mga gamit na hindi mo dapat makalimutan tuwing gigising ka.
May sarili din itong closet, may isang kama at may ceiling fan.

UNTOUCHABLEStories to obsess over. Discover now