His Smile

34 0 0
                                    

Even after all these years, naaalala ko parin yung unang beses na nakita ko ang ngiti niya....

Hindi naman sa nagmamayabang pero kahit saan ako magpunta palagi akong tinititigan. Sabi ni mama huwag ko nalang daw pansinin pero panong hindi? Eh simula ng kakatapak ko sa classroom kanina pa nagbubulungan yung mga classmates ko. Transfer lang ako sa high school, so naturally curious sila sakin. Yung iba sa kanila naglakas loob na lapitan ako. And so it begins..... anopangalanmo?nagtatagalogkaba?galingsaankanagtransfer? Wow, parang machine gun lang? Just then, pumasok na yung adviser namin, si Ms. Flores. Saved by the bell.

"Good morning class. I hope everyone enjoyed their break. I'm happy to see everyone again but it looks like we have a new face with us this year. Ms. Evangeline Hart, would you like to say a few words?" I shake my head and smile. Ms. Flores smiles as well, "Okay class. Here's the schedule.........." Hindi na ako nakikinig. Nakatitig lang ako sa bintana, may garden pala dito. Pwede kaya akong pumasok dun during lunch? Magandang hiding place sana yun para hindi ako mahanap ng machine gun girls. 

As soon as nirelease na kami, dumiretcho ako agad sa school garden bago ako maabutan ng mga interviewers. Pagkadating ko sa garden, napangiti ako. Ang daming orchids. I wonder, meron kaya silang Vanda orchids? Dun sa may bintana, "There you are beautiful. Sayang lang kasi mag-isa ka." Nilabas ko ang journal ko at dinrawing ko yung orchid--delicate, poised, and one of a kind. I smile, parang si Ate Marley. Sana ako din ganun.

Pagtingala ko napansin kong nasa harap pala ng garden yung buong quadrangle. Merong grupo ng mga lalaki nagtatawanan. Parang pinagkakaguluhan ng mga babae. Hmm. Baka sila yung popular boys dito. Gwapo, matangkad, mayabang. So boring. Pare-pareho lang.... Wait, may isa pa? Sino kaya yun? Bakit parang napagiwanan ata to? Kulang sa tangkad tas kulang pa sa dating. "Haha. Sino ka mascot nila?" Inaasar ata ng mga pretty boys. Biglang ngumiti si Mr. Mascot.... napangiti din ako. Bakit kaya? "I see. Well Mr. mascot can be charming too."

The Trouble With Love Is..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon