"Buong akala rin noon ni mama iiwan na siya ni papa pero hindi niya ginawa 'yon. He choose to marry my mother and leave the life he used to be." mariin akong napapikit.








"He truly love her, pero hindi pa rin talaga maiiwasan ang galit sa loob niya. Kaya simula ng mag ka isip ako lagi niya akong pinapahirapan pero never ako nagalit or nag reklamo, tapos 'yong mga panahon na 'yon hindi ko pa rin alam na hindi niya talaga ako tunay na anak." suminghot ako.






"What the...so kailan mo lang rin nalaman?" gulat na tanong niya. "Nitong isang linggo lang." sabi ko. Rinig ko ang kanyang pag singhap.







"H-hanggang ngayon ba pinapahirapan ka niya? Kaya ka nagpunta rito sa Manila?" nagulat ako sa kanyang tanong. Ang dami talagang teorya na pumapasok agad sa isip nito.






"Hindi! Hindi! Sa katunayan niyan...ako lang talaga ang may gusto nito. Gusto ko lang talagang makita ang tunay na ama ko saka isa pa si papa, nag bago na siya. Nag sorry na siya agad sa mga nagawa niya noon." nakangiting sabi ko.







She sighed deeply. "That's good then." napatingin ako sa kanya ng bigla siyang tumayo.






"Come with me ate." sabi niya habang diretsong nakatingin sa mga mata ko. Tumayo rin ako at tiningnan siya ng kunot noo.








"Saan?" tanong ko. "Sa mall, I'll treat you." sabi niya. Napangiti ako. "Huwag na Penelope, ayos na ako na tinatawag mo akong ate." nahihiyang sabi ko.







"No ate, I insist. Pambawi ko na rin ito sa nangyari kahapon." tiningnan niya ako na may pag tatanong sa mukha.






"Hindi talaga kasi ako sanay sa mga ganoon, pasensiya-" humalukipkip siya habang inaayos ang kanyang salamin.






"Sige na ate. I just want you to experience this. Actually first time ko lang din mag shopping ng hindi si Star ang kasama. Wala akong confidence, kaya ngayong meron na please ate pumayag ka na." she said and gave me a small smile.







"Sige na Zy, sama ka na. Ako na ang bahala sa trabaho mo." nagulat ako sa biglaang pag singit ni Kiara.







Seryoso siyang nakangiti sa akin. Isa pa nga 'yon. Ang trabaho ko, paano ako kikita nito? "Nakakahiya na Kia, baka kung ano ang isipin ng mga kasama ko. Hindi porket pinsan mo ako ay papayag-payagan mo na akong gumanito." sabi ko sa kanya.







"It's okay. I'll paid for your time ate." gulat rin akong napalingon kay Penelope. "Naku! Hindi na. Sobrang kahihiyan na 'yon!" sabi ko pero umiling siya.








"Oh babayaran naman pala e! Pabayaan mo na Zy!" napangiwi ako sa sinabi ni Kia. She just wink at me at tumingin sa babaeng nasa likod ko.







"Sige na ate." napabuntong hininga ako at dahan dahang tumango. Lagot sakin mamaya ang Kiara na 'to.








"S-sige. Mag aayos lang ako." she smiled at me and nodded happily. Woah, hindi ako sanay. Buong akala ko ay tuluyan na siyang nagalit sa akin simula kahapon.







Nakakapanibago na naman.








Mabilis lang ang naging pag ligo ko. Ayokong paghintayin si Penelope, baka mamaya hindi pala sanay 'yon.







Nagsuot lamang ako ng pantalon at simpleng off shoulder na kulay dilaw. Hindi niyo naitatanong, mahilig talaga ako sa dilaw.







Taming the Wild Waves  Rivera Series#2Where stories live. Discover now