"Pwede ko bang malaman kung anong sakit niya?"

Inakbayan niya ako at naglakad-lakad kami kaya nadumihan na ang binti niya ng putik dahil sa pagbagsak ko ng mga paa habang naglalakad. Hinayaan niya naman ako eh.

"Ang alam ko bawal mangialam ang mga bata saming matatanda."

Napahinto ako at hinawakan ang abot kong baba niya. Tinitigan kung meron ba siyang balbas o bigote man lang.

"Matanda ka naba? Wala ka namang bigote o balbas ah." Ginulo pa nito ang buhok kong magulo na.

"Porke ba walang bigote o balbas ay hindi na matanda?" Oops, siguro mas matanda pa 'to kay Dad.

"42 years old kana 'no?" Napailing-iling ito habang nakangiti. Anong---

"17 years old palang ako. Anyway, yung sakit ni Mama? Hindi ko rin alam."

17, matanda na? Oh eh sige.

May sakit si Mommy ayon kay Dad kaya umuwi kami dito sa pilipinas ng mas maaga, take note hindi hapon at mas lalong hindi gabi. U-M-A-G-A umaga.

"Bakit hindi mo alam?" Tanong ko pa. "Kasi hindi ko alam. Don't worry, princess.. aalagaan ko ang Mommy kapag nasa malayo kayo."

Sumandal ako sa dibdib niya habang nakatayo nang dalawin ako ng antok.

Gusto ko tuloy na siya ang magbasa ng kwento sakin tuwing gabi kapag matutulog na ako. Parang nakakagaan ng loob ang boses niya.

"Pero.." nakikinig pa rin ako sakanya habang nakahawak sa bewang niya.

"May narinig ako, aksidente ko lang narinig 'yon. Bawal kasi mageavesdropping, keep that in your mind."

Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakikinig pa rin sakanya. Baka matagal-tagal pa ang pagkukuwento niya, patigil-tigil eh.

"Ito na nga. Ang narinig ko kasi ay nangako si Dad kay Mama.." Saglitan lang yata ang pagpikit ko nang imulat ko ang mata ko at napatayo ng maayos.

"Anong pangako 'yon?" Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at tinitigan sa mata. Luh, bakit may paganyan?

"Ewan ko atsaka sa future pa daw natin 'yon.. ewan ko kung may sinabing hiling, basta!" Maaayos ba kung susundin ko yon? Hindi ko naman kasi alam ang hiling na 'yon eh.

Huminga ako ng malalim at nilagay ang dulo ng hintuturo sa pisngi ko habang nakapameywang.

Nag-iisip pa ako kung ano ba ang posibleng hiling ni Mom nang may kumiliti sakin na nakapagpawala ng antok ko.

"Dad! Haha s-stop it.. Kuya, Dad!" Tawa ako nang tawa sa kiliti sakin ni Dad at tumulong na din si kuya.

"Bakit ang seryoso mo kanina ha?" Hindi pa rin sila tumitigil sa pagkiliti sakin kahit nakikita na kami ni Mommy.

"Paano k-ko po--- wait, s-stop it--- sasabihin k-kung--- kuya! Hahaha! Mom!"

Hindi ko matuloy-tuloy ang sasabihin ko dahil sa ginagawa nila kaya tinawag ko na si Mommy pero hindi niya pa rin pinatigil ang mga ito at nakatingin lang samin.

"If what?" Tanong ni Dad. Saglit lang kasi. Tigil muna.

"K-Kung kini--- oh ayan hahaha n-nanaman po--- kinikiliti n-niyo 'ko--- Dad! Haha nasabi k-ko haha na po, tigil!" Napaupo ako nang tumigil na sila sa pagkikiliti sakin.

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now