Chapter-50

458 24 0
                                    

Ghino's POV

Nagdaan ang ilang araw ng naging successfull ang Operation ni Mama sa puso. Ngayong araw na ito ang itinakdang panahon na magkita ang dalawang taong nagamamahalan na ipinaglayo ng tadhana, tumungo kami sa lugar nakung saan napaka importante sakanilang dalawa ang tinatawag nilang place of piece.

Tumungo kami sa burol kasama si mama , habang tinulak ko ang wheelchair ni mama patungo sa lugar nakung saan naghihintay ang taong pinakamamahal niya ng natanaw namin ni mama ang lalaking iyon pinahinto niya ang wheelchair saakin nagulat nalang ako ng dahan-dahang tumayo si mama at naglakad patungo sa kinakatayuan ng lalaki.


Dahil don inalalayana ko si mama dahil may pagkakataong natutumba parin siya , nakalipas ng ilang sandali dahan-dahang humarap ang lalaki saamin.

"Gregorio?"

"Leonorra?"(sabay lapit kay mama)"ang tagal kong hinintay na mangyari ito , na muli kitang makita at mahawak ang iyong pisngi"(sabay hawak sa piski ni mama)

"Mahal kong Gregorio hindi mo ako binigo bumalik ka tinupad mo ang iyong pangako saakin "(umiiyak habang nakahawak sa kamay ni lolo na nakahawak sa pisngi ni mama)

Inilapit ni mama ang noo niya sa noo ni lolo. Dahil don naisipan konang umalis at hayaan muna silang dalawa , sa aking paglakad nagulat nalang ako ng bigla nalang akong tinawag ni mama pati ang anak ko.


"Ghino wag kang umalis , Apo lumapit kayo ng iyong ama."(ika ni Mama)

Lumapit kami ng aking anak kay Mama.

"Gregorio may maganda akong ibabalita saiyo gusto kong ipakilala ang ating anak si Ghino"


Nagulat kaming dalawa ng aking anak saaming narinig.

"Si-siya ang tunay kong Ama?"(pautal-utal kong banggit)

"Siya ang Ama mo anak, Gregorio nagbunga ang ating pagmamahalan"

Dahan-dahang akong lumapit kay Papa at niyakap ko siya ng mahigpit.

"Papa"

Dahan-dahan kong inialis ang aking pagkakayakap, pagkatapos non hinawakan ko sa balikat ang aking anak.

"Anak I just want to introduce your Grand Father, Glen ang lolo mo , pa ang apo mo si Glen"

Dahan-dahang lumapit ang aking anak sa kanyang lolo pagkatapos non nagyakapan silang dalawa sumama naman kaming dalawa ni mama.

Pagkatapos non napagdisisyonan namin ng aking anak na bigyan muna sila ng oras na magusap kaya umalis muna kami at tumungo sa lugar nakung nasaan sina Franco.




Gregorio's POV.


Naglakad-lakad kami sa damihan hanggang makarating kami sa lugar nakung saan inalok ko siya ng kasal .


"Aking Mahal naaalala mo ba ang lugar na ito?(habang tinutulak ang kanyang Wheelchair.)


"Kahit kelan hindi ko makakalimutan ang lugar na 'to mahal , dahil napakahalaga saakin ang lugar na 'to, parati akong nandito noon nagbabakasaling makita kita(naghahabol ng hininga)


Banuhat ko siya at umupo kami sa upuan.


"Mahal na mahal kita aking sinta "(habang hawak ang kanyang kamay)


"Mahal gusto ko ng matulog"(naghahabol ng hininga)



"Mahal"(dahan-dahan kong hinawakan ang kanyang ulo at hinilig saaking balikat)


"Mahal na mahal kita"(bulong saakin habang naghahabol ng hininga)


"Mahal na mahal kita din kita Leonorra"(sabay hawak sa kanyang pisngi)

"Mahal pagod na 'ko gusto ko ng matulog"(naghahabol ng hininga)


"Sige mahal magpahinga kana" (maluha-luha kong banggit sakanya. Tinakpan ko ang kanyang mata at hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit)

Pagkatapos non naramdaman ko nalang na unti-unting bumabasak ang kanayng kamay dahil sa pangyayaring iyon niyakap ko siya ng mahigpit habang umiiyak maraming salamat mahal sa muli nating pagkikita, Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mata at dahan-dahan kong ipinatong ang aking ulo sa kanyang ulo.


PEASE DON'T FORGET TO VOTE,COMMENT, AND FOLLOW ! Thank you ..... >.~

Accidentally Inlove With a Campus Heartthrob [COMPLETED]Where stories live. Discover now