Tinitignan ko pa ang park na yun habang papalayo na kami nang nagreply na si Ella. Malamang hindi 'to matutulog, baka nga nasa trabaho na 'to ngayon eh.

From: Sleella Heaxita

Nayeon is that you?

From: Sleella Heaxita

But i'm still in Davao, sorry about that. I'll call you before 7 pm, gotta go. Take care!

Ngumuso ako nang mabasa yon. Ang bilis naman, wala pa yatang limang minuto ang pagtetext namin. Pero bakit nandon pa 'to? Ang tagal naman..

To: Sleella Heaxita

You should send me a voice mail, girl. Akala ko pa naman mag-uusap pa tayo ng matagal. Send voice mail, i miss you already.

Sayang, ang bilis pa naman mag-reply atsaka ang gastos sa load. Text/chatmate lang eh, ang damot.

Napatingin ako sa labas nang huminto na ang sinasakyan kong taxi. Nandito na pala ako.

Lumabas na ako pagkatapos kong magbayad at pumasok sa loob ng resto. Medyo maraming tao kaya dahil ayokong makakuha ng atensyon nila ay umupo kaagad ako sa pang-isahang tao na lamesa sa gilid.

Hindi naman na ganon kainit kaya tinanggal ko na ang denim jacket ko kaya ang nasa itaas ko nalang ay spaghetti strap.

Tinitignan ko palang ang menu na nandito sa lamesa nang may biglang sumulpot sa gilid ko.

"Miss!"

"Ay multo!" Napahawak ako dibdib ko nang bumulong 'to sakin. Anak ng! Siraulong lalaki 'to.

"Miss, ayos ka lang? Nagulat ba kita? Want some water?" Hindi, hindi. Halata ba? Pwede naman akong tawagin nang hindi bumubulong ah. Isang dangkal ang layo namin kanina at nakaputi pa ito, sulpot ng sulpot kaya takte akala ko multo.

Hindi pa ako nakakaorder e, jusko. "Yes. See? I'm obviously okay." With a sarcastic voice.

"Nah. Do i know you?" Nanlaki ang mata niya sa tinawag ko sakanya. Ghost na lang kaya? Ang ganda.

"Oh, you don't know me.. i see." Nagkibit balikat ako at tinignan uli ang menu. Hmm..

Sa gilid ng mata ko ay nakita ko pa ang sumulpot kanina sa gilid ko na naki-usap sa kabilang table at kinuha ang isang upuan na nandon at inilagay sa harapan ko at umupo kasabay nang paglapit ng waiter sakin.

"May i have your order, Maam?" Aniya.

Sinabi ko ang gusto kong pagkain habang palingon-lingon sa kanya.

Lumingon ako sa lalaking sumulpot bigla nang narinig na tinatapik-tapik niya ang dalawang kamay sa table. Nakakairita sa pandinig, seryoso.

"Give me 5 minutes, Maam."

Tumango ako nang hindi tinitignan ang waiter na umalis.

"Seriously? Ang kaunti naman ng inorder mo, ang payat payat mo na nga dapat niramihan mo."

Ewan ko ba kung saan 'to nanggaling at feeling artista ang dating. With his simple outfit can define him as a handsome man, seriously.

"What do you need?"

Napahawak siya sa dibdib niya at umaktong nasasaktan. Problema nito?

"Grabe ka naman, kailangan kaagad? Aray ha." Pag-aacting pa niya.

Walang hiya-hiyang nararamdaman kahit nakatingin na sakanya ang mga taong nasa paligid lang namin at bumalik din sa kani-kanilang ginagawa nang tignan din niya ang mga ito at kinindatan.

Strangers Got MarriedWhere stories live. Discover now