Kabanata 28

Mulai dari awal
                                    

"Oo naman. May tv nga kami tapos may wifi yung kapitbahay namin. Sa may paanan lang naman ng bundok walang signal. Doon sa tinitirhan niyo. Taong bundok kasi kayo." Pang-aasar ng bata.

Napangiwi ako pero hindi ko na pinansin pa ang pang-aasar niya sa amin. Kasalanan ba namin na sa may paanan kami ng bundok napapunta? Wala naman kaming choice!

"Si nanay at tatay may cellphone din pero hindi dinadala sa bundok. Wala kasing kwenta dahil wala namang signal." pagpapatuloy niyang sabi.

Bakit nga ba hindi ako nagtanong sa kanila kung may cellphone sila? Nag-conclude kasi ako na wala sila noon dahil hindi ko sila nakikitang gumagamit ng cellphone. Sina Aling Kami kasi wala talagang cellphone.

"Nasaan ang ate mo? Gusto ko sanang makausap." sabi ko.

"Nagbibihis." tipid na sagot niya sa akin.

"Puwede mo bang tawagin? Kakausapin ko lang." pakiusap ko sa bata.

Marahan siyang tumango at tumalikod. "Sige. Saglit lang tatawagin ko." Sabi niya habang tumatakbo papunta sa bahay nila.

"Why do you want to talk to her?" may kuryosidad na tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Makikitawag ako." sagot ko habang nakangiti.

Makakauwi na kami sa amin. Makikitawag ako para makaon kami dito sa probinsya. Hindi kakayanin ng pera namin ang umuwi. Mahal ang pamasahe kaya naman matatagalan kami sa pag-uwi kung saka-sakali. Kailangan na naming humingi ng tulong sa kakilala namin sa Maynila.

"Do you want to go home now?" tanong niya sa akin. Halata sa boses niya ang panghihinayang.

Noong una ay siya ang may ayaw dito na manirahan pero ngayon ay parang gusto niyang mag-stay dito. Ayaw pa yatang umalis.

"Ayoko pa pero kailangan." sabi ko.

Marami pa kaming responsibilidad na kailangang balikan sa Manila. Nandoon din ang mga pamilya namin. Baka nag-aalala na sila sa amin. Hindi naman pwedeng manatili na lang kami dito.

"Are you sure?" paninigurado niya kaya tumango ako.

"Yes. We should go home now. Alam mo ba ang number ng mga kaibigan mo? Call them." mahinang utos ko sa kaniya.

"I don't know their number." sabi niya kaya napangiwi ako.

"Hindi mo memorize ang number nila?" tanong ko.

Kahit isa ay wala siyang saulo?

"I don't want to waste my time just to memorize their cellphone numbers." maangas niyang sabi kaya hinampas ko siya sa braso. Mahina lang naman iyon kaya hindi siya nasaktan.

"Wala kang kwenta sa akin ngayon. Paano tayo makakahingi ng tulong?" sambit ko.

"Call your father, then?" suhestiyon niya.

"Bago ang number niya kaya hindi ko pa nasasaulo." sagot ko.

Kada-buwan kasi ay nagpapalit si Daddy ng number dahil maraming nagbabanta sa kaniya. Marami kasi siyang napahuli na sindikato kaya may ilang tao na nagbabanta sa kaniya.

"Your friends?" tipid niyang tanong.

"Alam ko ang number ni Anthonette." sabi ko at pagkatapos ay bumuntong hininga.

Pwede ko siyang tawagan pero hindi ko alam kung bakit ako nababahala.

"Call her." Utos niya sa akin.

"Pero—" Pagtanggi ko na agad niyang pinigilan.

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Bumuntong hininga ulit ako.

"Bakit nag-aalinlangan ka?" Tanong niya.

The Billionaire's Gorgeous KeeperTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang