Patuloy pa rin kami sa pagkain at napalingon naman ako sa harap ko at laking gulat ko ng nakatingin rin si Blake 'sakin kaya agad akong nagiwas ng tingin. Si Ramon naman ay kumakain din at maharot na nakikipag usap sa mga kasama ni Blake.

Nang hindi ko na maubos ang pagkain ay inabot ko ito kay Ramon.

"Ramon, ayoko na" madalas kasing hindi ko nauubos ang aking pagkain at si Ramon naman ang madalas na umubos nito. Hindi ko alam kung masyado lang ba talaga akong mabilis mabusog o wala lang talaga akong gana ngayon.

"Sinasabi ko na nga ba" maarte namang sabi ni Ramon pero tinanggap niya naman ang pagkaing binigay ko at kinain.

Ramdam ko pa rin ang titig ng mga ibang estudiyante na kumakain lalo na ang lalaking nasa harap ko kaya naman wala akong magawa kundi yumuko at nagkukunwaring wala lang 'iyon.

"Hindi mo ba gusto ang pagkain dito?" biglang tanong ni Blake na ikinagulat ko kaya napalingon kaming lahat sa 'kanya. Hindi ko alam kung sa'kin niya ba tinatanong pero dahil ang mata niya'y nakatuon sakin ay sumagot ako.

"Hindi naman." maikling sagot ko pero dinagdagan pa ito ni Ramon.

"Hindi naman Blake, madalas lang talagang ganyan yan si Chloe. Hindi niya lagi nauubos ang pagkain niya at laging ibinibigay sa'kin ang tira." tugon naman ni Ramon at natuon sa 'kanya ang pansin ni Blake. Nang matapos iyong' sabihin ni Ramon ay natuon nanaman 'sakin ang paningin ni Blake at tila may pagtataka.

"Nag da-diet ka ba?" tanong niya pa rin at agad naman akong umiling.

"Bakit hindi mo laging inuubos ang pagkain mo?" tanong niya pa rin kaya ang buong atensiyon ng lahat ay na 'sakanya.

"Uhm- ano mabilis lang siguro akong mabusog." maikling sagot ko naman sa'kanya ngunit ang ekspresiyon niya ay hindi pa rin nagbabago at tila'y marami pa ring gustong itanong.

"Lagi kang kumain ng marami para laging malakas ang resistensiya mo at hindi ka magkakasakit." Sagot niya at natigilan ako kaya siniko naman ako ni Alma at nag-ngising aso naman ang mga kaibigan niya at nanunuksong tingin naman ang iginawad 'sakin ni Ramon habang si Lili ay hindi masyadong maintindihan pero nakangiti 'sakin. Buti pa ang isang ito ay inosente at cute lang. Hays!

Hindi ko na siya sinagot at tinanguan lang. Si Ramon naman ay nang-aasar pa rin at medyo kinukulit naman si Blake at madaming sinasabi.

Habang patuloy pa'rin ang asaran ay may kumalabit sa'kin na hindi ko masyadong kilala at ng nilingon ko siya ay bigla siyang nag-abot ng Chocolate at flowers na ikinagulat ko.

"Uhmm miss pinapabigay po nung Kaibigan namin, nahihiya po kasing lumapit kaya ako ang napag-utusan hehe" nahihiya habang kumakamot pa sa batok ang nagbigay at tinuro naman niya ang isang mesa na nakatingin 'samin ang mga naka-upo doon at yung itinuro niyang nagpapabigay daw ay hindi magawang tingnan ako sa mata at tila hiyang hiya.

"Wow! Haba ng hair ni Coco. Uhm kuya pasabi sa nagpapabigay niyan ay sa susunod ay siya mismo ang lumapit dahil ang pinaka ayaw kamo netong si Chloe ay yung torpe!" singit naman ni Ramon kaya pinanlakihan ko siya ng mata at binalingan ulit ang lalaki.

"Ahm pakisabi salamat, hindi naman kailangan nito" nahihiya ko pang sabi at tumango naman siya.

"Ahh sige po sasabihin ko po sa kanya pati na rin po ang sinabi niya" aniya habang tinuro naman si Ramon. Nang maka-alis naman yung lalaki ay agad inusisa nila Alma,Lili at Ramon ang binigay na bulaklak at tsokolate. Napatingin naman ako sa aking harap at madilim ang mata naman ang sinalubong 'sakin ni Blake at nakita kong tiningnan niya din yung mesa kung saan nagtungo ang nagbigay. Iniwas ko naman agad ang mata ko 'sakanya at naki-usisa naman kila Ramon.

BituinWhere stories live. Discover now