KABANATA 1

56 13 11
                                    

"DJ Ella!"

Narinig kong sigaw nung mga audience. Kinawayan ko sila at ipinag patuloy ang pag D-Dj, mas nilakasan ko pa ang volume at mas inayos ko pa ang mix ng dalawang kanta.
Nakakatuwa lang kasi dito ako nag e-enjoy. Patuloy ang pag sayaw ng mga tao sa dance floor kaya hindi ko rin mapigilan ang mapa indak sa sobrang saya ng tugtog ko. Nakita ko ang mga kaibigan ko na panay ang sayaw sa harap ng stage, nginitian ko sila at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Halos mag dadalawang oras nadin ako dito at medyo nangangalay narin ang mga kamay ko, bago ko sinimulan to ay uminom muna ako ng limang baso ng hard liquor, pawis na pawis nadin ako pero hindi ako tumitigil.

Lumipas ang tatlong oras at nag change Dj na kami, narinig ko ang pagtikhim ng mga tao dahil medyo nag slow na yung kanta. Pawis na pawis akong nagtungo sa backstage para makapag bihis na din at makipag usap sa mga kaibigan ko.

"Babe, pawis mo!"

Nilingon ko ang sumigaw mula sa aking likuran. Agad-agad syang tumungo sakin at pinunasan ang mukha ko na puno ng pawis, i wonder kung anong ang hitsura ko ngayon. Pawis na pawis ako at halos basang-basa na ang suot kung tube, yung pawis ko ay umaagos na papunta sa collarbone ko.

"Mag bibihis narin naman ako babe." sabi ko kay Taylor dahil nakakahiya naman baka mabaho na ako dahil sa pawis. Pinunasan nya ang leeg ko pati ang dibdib ko.

"Babe I told you to bring a towel on stage, para naman mapunasan mo yung pawis mo." Naiirita nyang sabi.

"Okay, next time." Sabi ko sabay kuha ng dala kong crop top at tube na black. "Mag papalit lang ako, hintayin mo nalang ako sa labas, okay?" At tinungo ko na ang comfort room sa backstage.

Nasa kalagitnaan ako nang pagbibihis ng tumunog ang cellphone ko. Nakita kong si Daddy iyon kaya agad kong sinagot.

"Ella, where are you?"

"Nasa Luxurious Club ako dad, kakatapos ko lang mag Dj, why?"

"I need you here now, umuwi kana."

"What dad? I'm not done partying." Napa ngiwi ako dahil hindi ko pa nga nakakausap ang mga kaibigan ko ay papauwiin na agad ako, ngayon nya lang ako binitin sa pag-sasaya ko sa bar after how many years.

"Please... I need you to stop your mother from leaving."

"What? I don't understand you dad, but okay I'm coming. Bye."

Agad kong pinatay at nag patuloy sa pag bibihis. What? Aalis si mommy, at saan naman sya pupunta. Naguguluhan ako.
Pagkatapos kong magbihis ay tumungo na ako sa labas at nakita ko kaagad si Taylor na nakaupo kasama ang mga pinsan at kaibigan ko, may hawak na baso ng alak sa kaliwa nyang kamay, ang isa nya namang kamay ay nakalagay sa kanyang bulsa. Naka plain black tee-shirt na V-neck sya at brown short na hanggang tuhod at naka black nike sneakers, ang buhok nya na naka wax at sobrang hot nyang tingna. Napangiti nalang ako dahil sakin sya napunta, ang swerte ko naman. Naamoy ko ang mamahalin nyang perfume na nagpatindig ng mga balahibo ko. Nakita ko rin ang mga kaibigan ko na tudo ngiti sakin.

"Ella!" Sigaw ni Ezabelle na hawak ang kamay ng boyfriend nyang si Justine Cliford, pinsan ko.
Naka upo sila sa round table at mukhang marami na silang na inom na alak. Nakita ko si Anna na inaalalayan na ng pinsan kong si Jake.

"Babe, you're so hot." Bulong sakin ni Taylor pagkaupo ko sa tabi nya. Oh shit babe you're hot too. Ngumiti nalang ako sa kanya at hinalikan sya kanyang labi, saglit lang naman iyon pero humiyaw kaagad ang mga pinsan ko sa harap namin.

"Naku! Ayan nanaman kayo, hindi pa kayo nagkasawaan dyan!"
sigaw ni Dried na pinsan ko.

Tiningnan ko lang sya at tinaasan ng kilay, palibhasa wala syang kasamang babae ngayon dahil sa pagiging playboy. Nagsawa nadin sa kanya yung mga babae nya.

The Heart Knows (On-going) Место, где живут истории. Откройте их для себя