KABANATA 11

6 2 0
                                    

Halos inabot ako ng isang oras sa pag dadrive pauwi kahit na labing limang minuto lamang papunta sa bahay.

Sobrang bagal nang pagmamaneho ko, nanginginig ang kamay ko. Patuloy sa pag patak ang mga luha sa mata ko.

I can't believe na apektado ako dahil nasaktan ko si Bryan. Hindi ako makapaniwala sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay sobrang sakit at nawasak ako ngayong araw.

Ginawa ko lang kung ano ang tama pero bakit ako nasasaktan ng ganito. Ayaw kong maging magulo ang lahat, kaya nga mas pinili ko ang saktan si Bryan kahit na mas nasaktan ako dahil nasaktan ko siya.

Pasado alas diyes na nang gabi ako nakauwi sa bahay. Tulog na yata si daddy kaya dumiretso na ako sa kwarto ko. Hinayaan kong bumagsak ang katawan ko sa malambot kong kama. Pagod na pagod na ako. Hindi ko na namalayan at nakatulog na ako kaagad.

Kinaumagahan ay nagising ako sa alarm nang cellphone ko. Naka auto alarm kasi ito tuwing alas sais ng umaga dahil maaga ang klase ko. Martes ngayon at pakiramdam ko ay mahaba haba pa ang araw bago ang week end. Pinatay ko na lamang ang alarm at hindi na kinalikot pa ang mga mensaheng naroroon.

Pagkatapos ko maligo at magbihis ng uniform ay dali dali akong bumaba sa dining room. Naabutan ko si daddy na nasa harap ng kanyang laptop habang nag kakape. Tinapunan nya ako ng tingin at nginitian. Pumunta ako sa gawi nya at hinalikan sya sa pisnge.

"Good morning dad!"

"Good morning dear. Breakfast ka na."

Umupo ako sa harap nya, at nag simulang kumain ng inihandang almusal ni manang,yung katulong namin.

"How's school?" tanong ni daddy.

"Okay naman po daddy." sagot ko.

"Birthday na nang mommy mo sa linggo." dadag nya, napahinto ako sa pagsubo.

I almost forgot her birthday.

"What do you think dad, invited kaya tayo?" tanong ko at bahagyang natawa.

"Of course. Lalo na ikaw." sagot ni dad at ngumiti ng matamis.

Napa buntong hininga nalang ako.

"I hope so..."

Birthday na pala ni mommy. Naisip ko yung sinabi niya sa akin noong isang buwan, sabi niya sa birthday nya daw sasabihin sa lahat na ako ang tagapagmana ng CU. Sana nga, sana hanggang ngayon ganoon parin. Sana walang nagbago.

Kahit papaano, alam ko sa sarili ko na sa akin parin ipapamana ni mommy ang CU. She promised me that and she assure me. Kaya kahit naman talaga may bago na siyang pamilya ngayon, nakasisiguro akong ako parin ang taga pagmana.

I am her true daughter by the way!

Nagmadali na ako sa pagkain at pumasok na sa eskwela. Nasa di palang ako kalayuan sa gate ay natanaw ko na ang mga nagkukumpulang mga estudyante. Tila ba may pinag usapan sila at may tinitingnan sa bulletin board. Sa di kalayuan natanaw ko naman ang mga pinsan kong sina Alyzza at ate Venice , nagtatalon sila at kumaway pa si Alyzza sa akin. Wala ang mga boys ah, where are they?

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kanila.

"Ella! You know the news?" excited na tugon ni Alyzza.

"No. Kararating ko lang hindi ba?" sagot ko. Nagtaas siya ng kilay at bumaling kay ate Venice na naka ngiti rin.

"I thought you know! You're the daughter pero hindi mo alam?" natatawang dagdag nya.

"How would I know? Ano ba ang news?" naiirita kong sagot. Bumaling ako sa mga estudyante sa di kalayuang sa kinatatayuan namin. Nakikita ko ang excited nilang mga mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 03, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Heart Knows (On-going) Where stories live. Discover now