KABANATA 9

13 2 1
                                    

Truth or dare?

Naimulat ko ang mga mata ko sa malamig na kamay na humawak sa pisngi ko.

"You're not okay." Hindi iyon tanong. Pagkumpirma iyon base sa nakikita nya.

"Babe." sabi ko at bumangon. Kinusot ko ang mga mata ko.

"Hindi ka pa kumain ng dinner. Nauna na sila. Hinihintay kitang magising."

"I'm sorry babe I'm just exhausted."

"Tell me your problem please."

Napabuntong hininga ako at yumuko. I don't think if I'm ready to tell him the truth. Pero kailangan kong itago iyon para sa ikakabuti namin.

"Hiwalay na si dad and mom..." sabi ko kasabay nang pagpatak ng mga luha ko. Tama ito naman talaga ang porblema ko. Hiwalay na si daddy and mommy. We're not complete family now and I'm broken, much broken today.

Hindi sya nagsalita bagkos ay niyakap nya lamang ako. Umiyak ako sa balikat nya, bakit ko nga'ba to nararanasan.

"Hush babe! I'm here..." sabi nya habang hinahagod ang likod ko. "I'm always here for you." Mas lalo akong napaiyak sa sobrang lambing na boses nya.

"What should I do to make you happy babe? I know I'm selfish but can you be happy now? Just... tonight?" marahan nyang bigkas. Bigla akong nakonsensya sa pagiging malungkot ko sa araw mismo ng kaarawan nya. Kumalas ako sa pagkakayakap nya at pinunasan ang mga mata ko. Hinawakan nya ang mga kamay ko.

"Look babe, I don't know the reason why. Akala ko masaya ka kanina but now I know you're just trying to be happy in front of me. Please, I don't want you to be sad."

Nabasag ako sa sinabi nya, naiiyak ako at ang sakit sakit talaga. Sobrang nakonsensya ako, kung bakit pa kasi nasa maling pagkakataon ako ngayon. Hinawakan ko nadin ang kamay nyang nakahawak sa kamay ko. Tiningnan ko sya mata sa mata. I know that there's another reason kung bakit ako ganito kalungkot ngayon. Pero ayokong isipin yun habang kasama ko sya. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko sya kahit hindi naman talaga. I am just guilty.

"Sorry hindi ko lang talaga mapigilan ang maging malungkot. Hinihintay ko ang text o tawag ni mommy to check on me pero wala," malungkot na saad ko "I hate her, she doesn't love me by the way ," matabang kong sinabi.

"Hey babe, stop saying that. Tita's love you, you are her daughter of course."

"Then why she left us?" matigas kong tanong sa kanya.

"Look, maybe you just dont understand now. Bago palang yan e kaya nandyan pa din ang sakit. But please babe, I dont want you to be sad."

"Im sorry babe, tama ka. Sariwa pa yung sugat na idinulot sakin ni mom, masyado pa akong nasasaktan. Hindi ko maiiwasang maramdaman to."

Ngumiti sya kaya ngumiti din ako kahit na may lungkot sa mga mata. Napabuntong hininga sya bago nagsalita.

"I know Im selfish but... can you be happy just for tonight?" nahihiya nyang tugon habang nilalaro ang mga daliri ko. "Its my birthday..." dugtong nya pa.

The Heart Knows (On-going) Where stories live. Discover now