KABANATA 10

16 2 0
                                    

Selfish decision

Monday ngayon at nandito parin ako sa bahay. Maaga pa naman at 8:00 am pa naman ang klase ko.

Napatakip ako ng unan sa mukha ko. Naiisip ko nanaman ang lahat. Nakakainis! Ang dami kong problema ngayon. Bago kami nakauwi kahapon ay sinabi sa akin ng mga pinsan kong alam na daw nila na si Zion ang anak ng kabit ni mommy, at hindi nila sakin sinabi dahil ayaw nilang sa kanila mang galing yun.

Pinaglalaruan yata ako ng tadhana. Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko.
Mas lalo kong naidiin ang nakatakip na unan sa mukha ko, nang maiisip kong may reporting nga pala kami at partner ko si Bryan.

"Fuck!" mangiyak-ngiyak kong sinabi.

Tinanggal ko ang unan sa nakatakip kong mukha at muling natulala sa ceiling ng kwarto ko. Parang ayoko muna pumasok,parang ayoko muna makipag usap sa mga tao. Muling lumandas ang luha sa mga mata ko.

Napabangon ako nung mag ring ang cellphone ko. Tiningnan ko ito at nakita kong tumatawag si mommy.  Kinuha ko kaagad at sinagot.

"What?" malamig kong tanong.

"Duchess , you okay?" alalang tanong nya sa kabilang linya.

"Seriously mom? Iniwan mo kami tapos tatanungin mo ako kung okay lang ba ako? That's bullshit!"

"I'm sorry sana maintindihan mo ako baby."

"No mommy! Hindi kita maintindihan! Hinding-hindi kita maiiintindihan!" sigaw ko at pinatay ang call.

You making me feel so much pain mom.

---

Naglalakad ako sa Campus nang mag isa. Pinatay ko ang cellphone ko pagkatapos ng tawag ni mommy kanina. Ayoko na muna mag cellphone. Ayoko narin syang kausapin.

Pumasok ako sa classroom namin. Masyado akong maaga. 7:30 palang pala.
Nakita kong nandoon na ang mga kaibigan ko, nag aasaran sila kaya hindi nila ako namalayang pumasok, wala si Bryan sa upuan nya, mabuti naman kung ganon. Nagulat nalang sila nung umupo ako sa upuan ko.

"Uy Ella, nandyan kana pala." awkward na saad ni Clyde na katabi ko. Dati papasok palang ako ay sinasalubong na ako nito ng mga kaabnuyan nya pero ngayon parang takot syang bumitaw ng mga salita.

"Hmmm." tanging nasagot ko. Tahimik lang sina Kenneth. Alam ko kung bakit,dahil may alam din sya dahil pinsan sya ni Zion. Nawalan ako ng gana makipag usap sa kanila.

Maya maya ay di ko namalayan at biglang may umupo sa tabi ko. Napapikit ako nung maamoy ko ang pabango nya. It's Bryan. Pumasok nya ngayon , hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin.

"Pre, bakit ka nga pala umuwi kaagad nung sabado?" panimula naman ni Clyde.

"May inasikaso lang." matigas na sagot ni Bryan. Hindi na sya tinanong pa nino man dahil dumating na ang professor namin.

"Good morning class. We are having a faculty meeting today. All you have to do is tapusin yung pinapagawa ko sa inyo na marketing plan. Good bye." iyon lamang ang sinabi nya pagkatapos ay lumabas kaagad para sa meeting.

Nagkagulo ang mga kaklase ko dahil wala kaming teacher, yung iba ay nag usap usap na about sa kanilang marketing plan. Itong sina Kenneth at Christofee din ay nag usap-usap na habang si Clyde naman ay umalis para pumunta sa kanyang partner slash kalandian. Napailing nalang ako at narealize na kami nga pala ni Bryan ang partner. Ayoko syang tingnan at ayoko syang kausapin.

"Tapos ko na yung sa atin." sabi nya na ikinagulat ko kaya napabaling ako sa gawi nya.

"Bakit mo ginawa mag isa?" I asked.

The Heart Knows (On-going) Onde as histórias ganham vida. Descobre agora