Chapter 19

28 6 0
                                    

CHAPTER 19

Basang-basa ng pawis at luha ang pisngi ko. Hindi ko man lang mapunasan dahil nakatali ako. Lumabas ang tatlong halang ang kaluluwa kaya naiwan kami at lahat nagpipigil ng hininga dahil sa mabahong amoy ng silid.

"Akala ko ba pinatay mo na dati pa?" Walang emosyong tanong ni Kuya Fred kay Kuya Mattias. Kanina pa kami nakikinig sa usapan nila at hindi ako makapaniwala na ang mga 'tulad nila ay kayang gawin ang ganung bagay.

"I did. Pero hindi ko alam kung papaanong buhay pa ang babaeng 'yon." Binigyan ng masamang tingin ni Kuya Mattias si Kuya Ax na tahimik lang at walang emosyon ang mukha.

"Hindi ba't ikaw ang inutusan kong maglibing sa babaeng 'yon?" May halong pait ang boses ni Kuya Mattias. Kung hindi lang siya nakatali, siguro kanina niya pa sinaktan si Kuya Ax.

Tiningnan siya nito ng nakangisi kaya mas lalong nag-igting ang panga niya.

"Gagasahin mo ang sarili mong girlfriend tapos sa akin mo isisisi ang katangahan mo?" Umawang ang bibig ko. Hindi makapaniwala sa narinig.

"Hindi ko gagahasain si Stella kung hindi niyo ako hinuthutan na gumamit ng droga. 'Di ba kayo rin ang nagsabi na niloko ako ng babaeng mahal ko?" May umalpas na luha sa pisngi niya. Tumawa ng pagak si Kuya Ax.

"Tingin mo ba talaga magagawa sa'yo ni Stella 'yon? Gusto ko si Stella una pa lang, Matt, pero ikaw ang pinili niya kaya kung hindi siya mapupunta sa 'kin, mas mabuting mamatay na lang siya sa kamay mo!"

"Putangina mo ka Axon!" Mariin akong pumikit habang pinapakinggan ang pagsisisihan nila. Kahit yung apat ay tahimik lang at walang magawa dahil sa pambubugbog sa amin kanina.

"Mas putangina ka, Matt! Ikaw ang nagloko tapos nung sinabi kong niloloko ka ni Stella, ikaw pa ang may lakas ng loob na magalit. Hayop ka!" Nagpumiglas si kuya sa pwesto niya, galit na galit at gustong saktan si Kuya Ax.

"Pinagkatiwala ko rin sa 'yo ang kapatid ko pero anong ginawa mo? ;akit may mga namatay?!" Gigil na tanong ni kuya kaya doon na ako napadilat. Ang panggagahasa nila kay Professor Stella ang dahilan ng paghihiganti niya. 'Yon ang buhay na nawala sa kaniya. Ang tanging kalinisan ng isang babae na nawala dahil sa pambababoy.

Ang dami kong gustong itanong pero mas pinili kong itikom ang bibig ko.

Barumbadong ngumisi si Kuya Axon saka ako tiningnan ng masama. Napakagat ako sa ibabang labi ko nang alisin niya ang tali sa kamay niya nang walang kahirap hirap. Tumayo siya at lumapit sa 'kin.

"Dahil gusto kong maghiganti sa ginawa mo sa pinakamamahal ko." Marahan niyang hinagod ang buhok ko hanggang sa sabunutan niya ako ng marahas kaya napadaing ako. Tumingin siya kay Magnus kaya umiwas ito ng tingin.

"Ang sabi ko, ligawan mo, pasagutin mo at durugin mo ang puso, gahasain mo at pagsawaan mo, pero anong ginawa mo? Minahal mo!" Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil nasa likuran ko siya. Nakita ko na lang na lumipat ang tingin ni Maisie kay Magnus at lumipat kay Rage na hindi rin makatingin sa kaniya.

"A-Anong ibig sabihin nito?" Garagal ang boses na tanong niya sa dalawa na halos itago na ang mga sarili sa pag-iwas ng tingin. Kunot-noo akong naghintay ng sagot sa kanila, pero wala silang sinabi kahit isang salita. Narinig kong tumawa ng pagak si Kuya Ax.

"Step bro, bakit hindi mo aminin sa pinakamamahal mo ang totoo?" Hindi ko alam kung sino ang kinakausap niya, pero halos hindi ako makahinga sa sobrang kabang nararamdaman ko.

"Hayop ka Ax, dinamay mo ang kapatid ko!" Humahagulgol na sambit ni kuya kaya maluha-luha akong tumingin sa kaniya. Halos magmakaawa siya sa pwesto niya.

The Unseen (School Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon