Chapter 9

27 9 0
                                    

CHAPTER 9

Alas kuwatro pa lang ng umaga ay gising na ako, nakatulugan ko kasi dito sa sofa ang ginagawa kong homeworks. Kahit si Magnus ay nakatulog din. Tiningnan ko ang kwarto ni Maisie para i-check kung nakauwi na ba sila pero walang tao kaya tinawagan ko sila. Nakailang ring pa lang ay agad niya nang sinagot.

"Nasaan kayo?" Parang nanay ang tono ko. Wala man lang kasing kahit isang text kung nasaan sila o kung bakit hindi sila uuwi.

"Nandito kami sa condo ni Rage, sa school na lang tayo magkita," garagal ang boses na sagot niya. Napailing ako nang bigla niyang ibaba ang tawag ng walang paalam kaya tumayo na lang ako para magtimpla ng kape. Kukuha pa lang ako ng tasa nang bumangon si Magnus at umupo sa dining table para doon umubob.

"Morning." Malalim at husky ang boses niya kaya napalunok ako.

"Morning." Hindi na siya sumagot kaya nagtimpla na lang ako. Ginawan ko na rin siya kaya pinatong ko sa harap niya ang tasa bago umupo sa harap niya.

"Inumin mo na ang kape mo habang mainit pa."

"Mmm," tugon niya kaya tumingin na lang ako sa kawalan. Nang lumipas ang ilang minuto ay tumayo din ako para magluto na ng almusal. Bacon, corned beef at itlog lang ang hinanda ko saka ako nagsangag. Nang matapos ako ay gising na rin si Magnus at nakangiti akong tiningnan habang paupo sa pwesto ko.

"Ang ganda ng gising mo, ah?" Bungad ko sa kaniya.

"Ikaw maganda." Inirapan ko siya kaya tinawanan niya ako bago kumuha ng kakainin niya. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang tumunog ang cellphone ko pero hinayaan ko muna 'yon dahil kumakain ako.

"Where are they?" Inikot niya ang paningin niya sa buong silid, hinahanap ang dalawa.

"Tinawagan ko kanina si Maisie, nasa condo daw sila ni Rage." Tumaas ang kaliwang kilay niya.

"I told him na maghinay-hinay. Baka mabuntis niya si Maisie." Pinaningkitan ko siya ng mata. Naalala ko ang sinabi niya sa cafeteria dati na it's all just a fling.

"Don't hesitate to tell Rage na lubayan si Maisie kung 'di niya pananagutan." Ngumisi siya sa 'kin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"I'm all serious here, Magnus." Tumikhim siya at uminom ng tubig.

"Wala pang dinadala si Rage na ka-fling niya sa condo niya." Tiningnan ko siya matapos kong uminom sa tasa ko.

"Your point is?"

"My point is, do you think this is all flirt to him?" Kumibit-balikat ako.

"Ewan, tanong mo sa kaniya pagdating." Tumawa siya ng mahina sa sinabi ko.

"I'm telling you, she is special to him kaya wala kang dapat ipag-alala. I know him well." Hindi ko na lang siya sinagot. Kahit naman sinabi niya 'yan, kung talagang mahal na nga ni Rage si Maisie ay hindi niya 'to iiwan.

Nang matapos kaming kumain ay si Magnus na ang nagligpit dahil binilisan ko nang tapusin ang gawain ko. Natapos niya kasi kagabi yung kanya, bago naman ako makatulog ay nag-insist siya na siya na ang tatapos ng akin pero hindi ako pumayag.

Nang matapos na ako ay nagpaalam na ako sa kaniya na mauuna nang maligo kaya pumasok na ako sa kwarto ko. Nagplantsa na rin ako ng uniform at sinabay ko na ang sa kaniya dahil male-late kami kung gagawin niya pa 'yon.

Nang matapos akong mag-ayos ay lumabas na ako at naghintay sa sofa na matapos si Magnus sa pagligo. Alas sais trenta pa lang kaya maaga pa. Kinuha ko muna ang cellphone ko para sana buksan ang account ko sa wattpad. Bumungad sa akin ang isang text message galing sa restricted number. Bumilis ang tibok ng puso ko saka ko tiningnan ang pinto ng kwarto ko para tingnan kung tapos na si Magnus. Napakunot ako ng noo nang bumungad sa akin ang mensahe.

The Unseen (School Trilogy #1)Место, где живут истории. Откройте их для себя