Chapter 2

63 13 0
                                    

CHAPTER 2

"Mag-iingat ka do'n anak, ha?" Pinunasan ni mama ang mga luha niya saka ako muling niyakap.

"Si mama naman, hindi pa nga ako nakakaalis nagpapamiss ka na." Yumakap din sa akin si kuya at papa.

"Mag-iingat ka do'n, kapag may loko-loko isumbong mo sa'kin, lulusob ako do'n." Natawa ako sa sinabi ni kuya.

"Kapag tumawag ang papa mo sabihin mo sa'kin 'nak ha? 'Wag kang papauto do'n." Mas lalo akong humalakhak sa sinabi ni papa.

"Opo, tatandaan ko lahat ng bilin n'yo." Humiwalay sila sa akin.

"O sige na, ihatid mo na itong kapatid mo," utos ni mama kay kuya kaya mabilis na lumabas si kuya para ihanda ang sasakyan dala-dala ang maleta kong nilagay niya sa compartment.

"Ingat 'nak." Magkayakap silang dalawa nang tumalikod ako. Tiningnan ko ulit sila sa huling pagkakataon bago ako pumasok sa sasakyan at isinara ni kuya ang pinto. Kumaway ako bago kami umandar paalis.

"Matulog ka muna, mahaba ang biyahe." Umiling ako.

"Mamaya na kuya kwentuhan muna tayo." Narinig ko ang mahinang tawa niya.

"Anong gusto mong pagkwentuhan?" Ngumuso ako at umaktong nag-iisip kaya nakatanggap ako ng pitik sa noo.

"Akala mo talaga nag iisip eh." Sabay kaming tumawa saka ako tumingin sa labas.

"Nag-aral ka rin doon kuya 'di ba?" Mabilis siyang tumingin sa akin bago ibinalik sa daan ang tingin.

"Yup, kaming tatlo."

"Ilang taon na ba ang school na 'yon?" Hindi ko alam kung bakit tinatanong ko kay kuya, pakiramdam ko lang ay dapat kong itanong dahil doon naman ako mag-aaral.

"Mmm ang alam ko ay nakatayo na ang school na 'yon nung nabubuhay pa ang lolo ni Ax. Tapos namana ng daddy niya tapos siya naman ngayon ang naghahandle." Tumango ako. Ang tagal na. Sana naman walang multo o kaya ligaw na kaluluwa. Ganoon kasi ang nababasa ko at napapanood, kapag luma na ang school at may history na ay marami na ang nagpaparamdam.

Speaking of nararamdaman, nakaramdam ako ng antok kaya nagpaalam ako kay kuya na matutulog muna ako kaya hinanap ko ang pwestong maayos sa pakiramdam bago nagpagupo sa antok ko.

Nagising ako sa malakas na tunog ng preno ng gulong. Mabilis kong tiningnan si kuya na nakayuko na sa manibela at puno ng dugo ang ulo.

"K-Kuya." Inalog ko ang braso niya para gisingin siya pero hindi siya gumagalaw kahit konti. Napupuno na ng luha ang pisngi ko at nanlalabo na rin ang paningin ko. Punong-puno ng takot ang dibdib ko.

"Kuya gising." Napatalon ako mula sa pagkakaupo ko nang may biglang humampas sa bintana sa harap namin. Isang babaeng nakaitim at may hawak ng palakol at pilit binabasag ang salamin ng sasakyan.

Takot akong sumiksik sa kinauupuan ko habang walang tigil sa pagsigaw. Niyakap ko ang dalawa kong binti at pilit tinatakpan ang dalawa kong tenga.

"Layne, gising!" Marahas kong naidilat ang mata ko nang maramdaman kong may yumuyugyog sa akin. Takot na takot kong tiningnan ang nag-aalalang si kuya kaya mabilis ko siyang niyakap habang hingal na hingal.

"Shhh, you're just dreaming." Tumango ako kahit hindi pa nawawala ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nang naging maayos na ang pakiramdam ko ay humiwalay na ako at inabot ang tubig na inaalok ni kuya. Tiningnan ko ang labas at nakahinto kami sa tapat ng naglalakihang gusali.

"Anong napanaginipan mo?" Seryoso ang boses niya pero hindi ko siya magawang tingnan dahil naaalala ko ang itsura niya sa panaginip ko. Sa halip ay iling ang isinagot ko sa kanya.

The Unseen (School Trilogy #1)Where stories live. Discover now