CHAPTER EIGHT

Magsimula sa umpisa
                                    

“Eto ba ang apartment?” tanong niya kay Drix. She was looking at something na mas maliit pa yata sa dirty kitchen nila. Paano sila gagalaw sa loob?

Gusto na niyang sabihin kay Drix na hindi naman sila manika para tumira sa doll house- pero nakababa na ang lalake mula sa sasakyan at bitbit na uli ang bag niya. Nasa may gate na ito at kasalukuyang binubuksan iyun. Samantalang siya ay halos hindi makahakbang mula sa kinatatayuan- na nasa may mismong pinto ng Land Cruiser- passenger's side.

“Pumasok ka na sa loob, mainit diyan o,” narinig niyang wika ni Drix. Wala siyang magawa kundi sumunod. Sa totoo lang ay natatakot siya dahil baka isang ihip lang ng hangin ay bumigay ang titirhan nila.

“Saan tayo uupo?” tanong niya nang makitang walang kalaman-laman ang loob ng apartment. Sasakyan na lang ang kulang- garahe na!

“Dito ka umupo.” Binigyan siya ni Drix ng isang plastic chair. “May mesa naman kaya makakakain ka ng maayos.”

“Pero plastic table siya!” E kung bumigay? sa loob-loob niya.

“E sa yan lang ang nakayanan ng budget ko. Inuna ko lang ang mga talagang kailangan dito- tulad nitong upuan, mesa, mga baso, ilang kutsara't mga pinggan. Eto lang muna ang gamitin natin.”

Lahat plastic? Muntik na niyang sabihin kay Drix yun. Anong akala ng lalake, nagpi-picnic lang sila? Nagbabahay-bahayan? Naglalaro lang? Gusto niyang sabihin kay Drix na hindi kiddie party ang buhay nila! She was horrified.

“Magpakuha nalang tayo ng mga gamit sa bahay ng tito ko. Maraming upuan at mesa doon,” wika niya na sadyang pinigilan ang sarili. Kailangan niyang habaan ang pasensiya at baka kung ano pa ang masabi niya!

Agad na nagdilim ang expression ng mukha ng lalake sa sinabi niya.

“No. Kung anong meron dito, tanggapin mo. Ako ang pinakasalan mo, right? Eto lang ang kaya kong ibigay kaya pagtiyagaan mo.”

“Bakit tayo magtitiyaga kung meron namang paraan?” Totoo naman ang sinasabi niya. Buti sana kung talagang hikahos sila at walang mapagkukunan- maiintindihan niya iyun.

But obviously ay ma-pride lang si Drix at gustong panindigan ang sariling paniniwala. Ni hindi tinanggap ang alok ng tito niya- e di sana nakatipid pa sila at mas maayos ang tirahan nila!

“Ginusto mong mag-asawa na di ba? This is reality, Via. We live in a real world, hindi sa fairy tale!”

Binuksan ni Drix ang unang pinto na halos kasunod lang ng maliit na space na duda niya ay sala. Alanganin siyang sumunod sa lalake.

“Eto ang gagamitin mong kuwarto. May kama na at foam. May bedsheet na rin at unan. Puwede nang tulugan.”

Sinilip niya ang sinasabing kuwarto. It was smaller than her bathroom in Manila. Gusto na niyang umiyak, pero sabi nga ni Drix, ginusto niya ito. Kaya kahit labag sa loob niya, paninindigan din niya.

The Cavaliers: DRIXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon