"Bakit anong nangyari?"- Dad ask her

"S-Si George po."- hindi gaano makapag-salita si Garnett, kaya tinuro nalang niya ang restroom.

Agad namang napatayo si Daddy at pati narin ako sumundo na.

Pagpunta namin doon .. nakita naming nakahiga na si George sa sahig at walang malay.

"George!"- agad na lumapit si Daddy.

W-What happened to him?!

"Raven call the ambulance bilis."- utos ni Dad, agad ko namang sinunod ang utos ni Dad then after that binigyan muna ng first aid si George. Mabuti nalang at may gamit ang restaurant na 'to para sa mga ganitong sitwasyon.

"Raven i think let's go na."- Sarrah said, tumingin ako sa kanya.

"Mauna kana."

"What?"

"Mauna kana, dont worry tuloy ang date natin mamaya."- i said

Napangiti naman si Sarrah at sumunod na sa utos ko. Tss!

Napatingin ako kay Garnett, iyak parin siya ng iyak sa sulok. Medyo nakakaramdam ako ng sakit dahil kitang-kita sa kanya kung paano siya nag-aalala ngayon kay George. Kitang-kita sa kanya na mahalaga sa kanya si George.

Marahan akong naglakad palapit sa kanya, napansin naman niya agad ako kaya tumingin siya sa akin.

Huminga ako ng malalim then tumabi ako sa kanya.

"A-Are you okay?"- i ask

"S-Sa palagay mo?"

Hindi ako sumagot .. tinignan ko lang siya habang pinupunasan niya ang mukha nya. Hindi niya alam na habang siya nag-aalala sa lalaking 'yon, ako nag-aalala sa kanya.

Tumayo siya at akmang aalis pero hinawakan ko ang kamay niya ..

"He is .. important to you?"- i ask, hindi ko alam kung bakit bigla ko 'yon naitanong.

Marahan naman niyang tinanggal ang kamay ko sa kamay niya.

"Importante sa akin si George."

"Eh ako? Importante paba ako sa'yo?"

Imbes na lumingon at sumagot siya sa tanong ko, naglakad siya palayo at pumasok sa private room.

Napapangise ako. Tss?

Ano pabang inaasahan mo, Raven? She's mad at you!

Napatingin ako kay Dad na busy sa kakaisakaso sa mga customer. Hindi ko alam pero napapatiklop na naman ang mga kamay, hindi ko mapigilan hindi makaramdam ng galit kapag naaalala ko ang kasalanan niya.

Fvck!





Forward!


(GARNETT POV)

Hindi na naidala si George sa hospital dahil umayos naman ang pakiramdam niya nang bigyan siya ng oxygen at gamot para sa allergie.

Hindi ko alam na may allergie pala siya sa seafood, tsk k-kung alam ko lang hindi ko na dapat siya pinakain ng alimasag kanina.

Napansin ko naman na marahan na dumidilat ang mga mata niya.

"George .."

Tumingin siya sa akin, agad naman siyang umupo.

"A-Anong .."

"Okay kana ba? Wala na bang masakit sa'yo?"- tanong ko

Umiling naman siya.

"O-Okay na ako."

"Talaga?"

Tumango naman siya at ngumiti sa akin.

"Oo, salamat sa pag-aalala."

Napahinga ako ng malalim.

"Sorry ha, h-hindi ko alam na allergie ka pala sa seafood."

"Garnett it's fine, k-kasalanan ko rin naman .. alam kong bawal sa akin pero kinain ko parin."

"Dahil lahat ng ginagawa at ibinibigay ko sa'yo tinatanggap mo."

Napatigil naman siya sa sinabi ko.

"Sana next time umayaw ka naman, para hindi ka napapahamak ng ganyan."

Ngumiti naman siya bigla.

"Nag-aalala kaba sa akin?"

Napalunok ako.

"S-Syempre naman, tinakot mo ko kanina."



(GEORGE POV)


"S-Syempre naman, tinakot mo ko kanina."

Halos hindi mawala ang mga ngiti sa labi ko.

"P-Pero hindi parin nakakatuwa, nag-alala na ako sa'yo so dapat talaga mag-iingat kana."- sabay iwas nya ng tingin mula sa akin.

Hindi ko alam pero hindi ako nagdalawang isip na hawakan ang chin nya at ilapit ang mukha ko sa mukha nya.

Pero napatigil ako bigla at nagdalawang isip kung itutuloy ko ba ang gagawin ko, ang gagawin kong pag-halik sa mga labi niya ..

Nananatili lang kaming nakatingin sa isat-isa, tinititigan ko ang buong mukha niya. Marahan kong hinawakan ang eyeglasses nya at marahan ko rin itong itinanggal.

Ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko sa tuwing natititigan ko ng ganito ang mukha niya, sa tuwing kausap at kasama ko siya.

"G-George .."- napaiwas siya sa mga tingin ko, agad naman akong napalayo.

Napalunok at napahinga ako ng malalim at binigay sa kanya ang eye glasses nya, tsk. Ang ackward tuloy! Umayos ka nga George, mahiya ka kay Garnett.

"Hmm, kumusta kana ngayon? Mag-gagabi na, uuwi kana ba? O didiretso ka sa trabaho mo?"- she ask

"Babalik muna ako sa trabaho then pupunta akong hospital."

"A-Ahm, gusto mo bang samahan kita?"

Napatingin ako sa kanya bigla.

"Sasamahan mo ko?"

Tumango siya at ngumiti.

"Gusto kong bisitahin si Joji."

Napangiti naman ako.

"Sige."








To be continued ...

A/N: Raven o George? Haha!

Love GeniusWhere stories live. Discover now