Chapter 20 "His Last Tears"

702 23 7
                                    

[Molly’s POV]

Takbo lang ako ng takbo. Nagmamadali ako pumasok kahit hingal na hingal na ako.Two days na ako absent. Gusto ko siya makita, gusto ko siya makausap. Hindi ako papayag na ganito ang mangyayari. Ayaw ko! hindi pwede,Jeremy. Hindi pwede na mapunta sayo ang sumpa. Nakarating ako sa classroom, huminga muna ako kase parang kakapusin na ako ng hangin sa kakatakbo. Agad ko siya hinanap at ng makita ko siya ay nagulat ako at naguluhan.

“Hahahaha loko loko ka talaga, Dan”  nakikita ko siya tumatawa ngayon habang nakikipag usap sa kaibigan nito. Dahan dahan siya gtumingin sa akin at lumapad ang ngiti nito habang kumakaway pa.

“Hi Molly” bumilis ang tibok ng puso ko. Naguguluhan na ako. Sabi nila papa na kay Jeremy na ang sumpa. Pero ano ito nakikita ko? Agad na lumapit sa akin si Jeremy at hinawakan ang kamay ko.

“Molly Molly magdate tayo mamaya please please!” Pagmamakaawa nito sabay luhod pa at nagpapa cute.

“Ano ba iyan ginagawa mo? Tumayo ka nga” pagsita ko sa kanya. Hindi ko na talaga malaman ang mga nangyayari.

“Basta date tayo ah!” napatango ako

“YES!”-Jeremy. napasuntok ito sa hangin na para sinasabi nagwagi siya sa akin. Mamaya pa nagulat ako ng akbayan ako ni Jeremy.

‘Molly napakaganda mo talaga, ayan mas lalo na tuloy ako nahuhulog sayo hahaha” sabay pisil ng ilong ko. Mas lalo siya ngumiti. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya. Wari sinusuri ko totoo kaya ang nadinig ko nung gabi iyon?

“Gwapo ko noh?” pagyayabang nito at pinorma naman nito na check ang daliri at idinikit sa baba niya. Totoo ba ito nakikita ko? Bumalik nab a ang dati Jeremy? Ang Jeremy masayahin? Maalaga? Walang iba gusto kung hindi ako? Siya nab a talaga ito? Pero ano iyon sinasabi nila papa?

“In love ka na talaga sa akin, Molly haha”Puna niya Molly nung hindi ko pa rin inaalis ang pagkakatitig sa mukha niya. Nakita ko na parang  kinikilig pa siya habang sinasabi iyon. Natawa na lamang ako sa itusra niya. Ang cute niya kase eh.

“Oo in love na nga ako sayo” kung kanina tumatawa siya. Nagulat ako ng bigla siya napahinto at tumingin sa akin sandali. Bigla ako nakaramdam ng kaba ng bigla makita ko sa mukha niya ang dati ako, emotionless, walang buhay ang mga mata. Pero sandali lang iyon at muli siya tumawa.

“Basta date tayo, Sunduin na lang kita mamaya hahaha” Nakahinga ako ng maluwag ng magkaron muli ng expression ang mukha niya. Molly, okay lang si Jeremy, hindi totoo ang nadinig ko kagabi baka nagkakamali lang sila. See, Ang dati Jeremy pa rin ang nakikita ko. Wala pagbabago. Pinipilit ko paniwalain ang sarili ko kahit nagdududa ako.

Natapos ang klase ko mga als kwatro at agad ako umuwi sa mansion.Naghanda para sa date namin ni Jeremy.  Nakakaramdam ako ng pagka excite. Kase makakasama ko siya. Mga  5 pm ay dumating na nga si Jeremy at sinundo ako.

“Excited na ako sa date natin, Molly sana magustuhan mo ang pupuntahan natin” nasa labas na kami at pinagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan na dala niya.

Emotionless [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon