Chapter 14 "Heart Beat"

518 21 2
                                    

Napamulat ng mata si Jeremy, sa wakas nagising na ito ng halos 12 hours na pagkakatulog simula kanina. Nasa hospital ito ngayon. Tatayo sana siya upang umupo ng makita ang isa babae nakatingin lamang sa kanya na wala emosyon. Muntik pa mapatalon sa sobra gulat at takot ang binata ng makita si Molly sa harapan ng higaan nito, akala niya kung sino na. Napatingin sa sa likod ni Molly, tinignan niya nag orasan at alas tres na ng madali araw. Nagtaka siya kung akit gising pa ang dalaga.

“Bakit gising ka pa?” pagtataka tanong nito.

“Hindi ako makatulog” wala kabuhay buhay na sabi nito na hanggang ngayon nanatili nakatingin sa kanya. Napangiti naman si Jeremy sa nalaman.

“Bakit hindi ka makatulog?” nakangiti tanong nito.

“Hinihintay ka magising” mas lalo lumapad ang ngiti ng binata. Lumapit si Molly sa kanya at umupo sa tabi ng binata.

“Bakit hinihintay mo ako magising?” muli tanong ni Jeremy na mas lalo lamang siya natutuwa sa nakikita sa dalaga. Kahit wala emosyon ang mukha nito ay hindi maitatago sa kinikilos niya ang katutuhanan nagaalala siya para sa binata.

“hindi ko rin alam kung bakit hinihintay kita magising ang gusto ko lang malaman kung okay ka na” Nanatili nakatingin si Jeremy sa mga mata ni Molly na walang buhay. Balak niya sana haplusin ang mukha nito ng maramdaman niya ang sakit sa kamay nito.

“Aray” sambit ng binata ng dahil sa paggalaw nito sa kamay na maysugat. Hinawakan naman ito ni Molly na kinabigla ni Jeremy.

“Huwag mo igalaw ang kamay mo” dahan dahan niya ito ibinaba sa kama. Nakatingin lamang si Jeremy sa ginagawa ng dalaga na wari nagtataka siya sa mga kinikilos nito.

“Hindi ko akalain na maalaga pala ang mahal ko at higit sa lahat maalalahanin” Tumingin sa kanya si Molly.

“Hindi ko maintindihan ang ibig mo sabihin” lumapit si Jeremy sa mukha ni Molly.

“Ipapaintindi ko sayo” dahan dahan inankin ni Jeremy ang labi ni Molly at hinalikan ito.Matapos niya gawin iyon ay tinitigan niya lamang ang mga mata nito at mukha na wala pa rin emosyon.

“Nag aalala ka sa akin Molly, kaya hindi ka makatulog, Kaya nandito ka ngayon. Iyan ang kilos at ginagawa ng mga tao nag aalala sa mga mahal nila” Masaya pagpapaliwanag ng binata.

“Paano mo nasabi iyan?”-Molly

“Dahil iyon ang nakikita ko pinapakita mo, Molly, sabi nga nila ” ngumiti ulet ang binata sa naiisip

“Action speak louder than words”

“Kaya naman Molly kahit hindi mo man maamin o sadya hindi mo lang talaga alam ang mga nararamdaman mo, gusto ko malaman mo na nag aalala ka sa akin dahil alam ko at nararamdaman ko na maha-“ natigilan ang binata na ipagpatuloy ang sasabihin. Nais niya sabihin na mahal siya ni Molly. Kung kanina ay napakasaya niya sa nalaman nag aalala sa kanya ang dalaga ngayon ay nakaramdam siya ng lungkot.

“Labas muna ako” pagpaalam ni Molly sa binata. Nakatingin lamang si Jeremy sa babae pinaka mamahal habang palabas ng pinto. Noon ay gusto gusto niya malaman mahal siya ng dalaga pero ngayon ang salita mahal ay ayaw na niya madinig pa. Hihilingan niya na mas mabuti siya na lang ang magmahal dito huwag na ang dalaga dahil kahit kailan hindi na niya matatakasan pa ang kapalaran nila. Na darating ang araw ay hindi na rin niya mararamdaman pa ito.

Pagkalabas ni Molly sa kwarto ni Jeremy ay napasandal ito sa gilid ng pader. Dahan dahan niya hinawakan ang kanya labi at inalala ang nangyari kanina ng halikan siya ng binata. Hindi hindi niya makakalimutan ang naramdaman habang hinahalikan siya nito.

Napahawak siya sa kanya dibdib at wari nangungusap hanggang ngayon at nagtatanong.

“Bakit napakalakas ng tibok ng puso ko?” Ano ibig sabihin nito? Kahit siya ay hindi niya alam ang nagyayari sa sarili kinikilos ng kanya katawan.

Emotionless [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon