Chapter 20

1K 54 5
                                    

Blythe's POV

"Uy, LQ daw kayo ni ethan? "tanong ni yana?

Lah? Anong lq? Wala naman kami.

"San mo naman napulot yan? "taas kilay na tanong ko.

"Hindi mo daw siya pinapansin e"sagot niya naman.

Aba, Nagsumbong ba to si ethan kay yana?

"Sino nagsabi? "walang ganang tanong ko.

"Si ethan"

Sabi na e, Tsk tsk si yana pa talaga kinausap.

"Nanghihingi ng tulong kung paano mo daw siya mapapansin e"dagdag pa ni yana.

Hays jusq ethan, Kung gusto mong pansinin kita dapat may sarili kang paraan kung paano kita papansin.

"Dyan ka muna bili lang akong tubig"paalam ko kay yana at tumango naman siya.

Lumabas na akong room at dumiretso na sa canteen, as usual nakatingin na naman sakin yung mga babae.

"Pagbilan po, Tubig po"sabi ko sa nagtitinda agad naman akong inabutan ng tubig at nagbayad.

Pagkaharap ko nakita ko si ethan sa may kasamang babae. Ah, okay? Naglakad na ako papalabas ng canteen nang hawakan ni ethan yung kamay ko.

"Blythe? Galit ka parin ba? "tanong niya tinignan ko lang siya at umalis ako.

Magsama sila ng babae niya, tsk.

"Oh, bakit nakabusangot muka mo? "tanong ni yana.

"Wala"iritadong sabi ko.

"Mm, smell something fishy? Tungkol kay ethan yan at dun sa babae no? "sabi pa ni yana at napatingin ako sa kanya.

Lah? Bilis naman makarinig neto.

"Pano mo naman nalaman yan? "takang tanong ko.

"Sabi na e, about sa kanila hahaha"natatawang sabi niya pa.

"Hindi kaya, May nakabangga kase ako kaya ayun nabadtrip ako"palusot ko pa.

Sino kaya yung babae na kasama ni ethan? Tsk. Hindi pa kami ni ethan may babae agad.

"Sus, Wag ako Blythe, Nagseselos ka lang e"pang-asar ni yana.

Ha? Selos? Selos my ass. Tsk badtrip.

"Si ethan oh"biglang sabi ni yana, kaya napatingin ako sa pinto kung saan siya nakaturo.

Wala naman si ethan dun, kaya sinamaan ko ng tingin si yana habang siya may nakakalokang tingin at ngiti.

"May gusto kana kay ethan no? "biglang sabi ni yana.

"Ha? Anong gusto? Hindi ko siya gusto"sabi ko.

Hindi ko naman talaga siya gusto dahil----dahil wala lang.

"Bakit hindi mo siya gusto? Dahil mahal mo na? "biglaang sabi ni yana.

Wala bang preno bibig neto, maregaluhan nga sa birthday niya.

"Anong mahal? One week palang siyang nanliligaw mahal agad? "tanong ko.

Lol, One week palang mahal agad? Pwede ba yun.

"Oh, bakit bawal ba yun? Hindi naman nasusukat sa Weeks, Months, years or time ang pagmamahal? Alam mo kung bakit? "sabi ni yana.

"Bakit? "curious na tanong ko.

"Pwet mo may raket hahahahah"natatawang sagot niya agad ko siyang binatukan pero mahina lang.

Ang seryoso na ng usapan biglang magjojoke amp.

"Joke lang makabatok ka naman, so eto, Alam mo kung bakit? Kase ang pagmamahal kusa mong mararamdaman yan e, Tumagal o hindi man ang panliligaw sayo ng isang tao pwede mo agad maramdaman na mahal mo siya, okay? "Mahabang eksplanasyon ni Yana pero parang wala akong naintindihan sa sinabi niya.

Mahal ko ba si ethan? Ay mali, Mahal ko na ba si ethan? At nagseselos ako sa kanila nung babae niya.

At bakit naman? Haysss, napahawak nalang ako sa ulo sa dami ng iniisip ko.

Habang tahimik kaming nakaupo dito biglang umingay yung classroom.

"omg, si ethan nandito sa room"

"hala, hanap niya ba ako? "

"asa, si blythe kaba? "

"Oy, Si ethan nandito"kalabit sakin ni yana.

Napatingin naman ako kung saan nakaturo si yana. Tsk, ano ginagawa niyan dito?

Nakatingin lang sakin si ethan habang naglalakad kaya hiniga ko nalang ulo ko sa mesa, sign na ayaw ko siyang pansinin.

"Blythe, Can we talk? "shet bat ganto epekto pang eenglish siya?

"About what? "tanong ko ng tumingin ako sa kanya.

"Hindi mo ko pinapansin e"napakamot batok na sabi niya.

"Bakit? Wala naman akong sasabihin sayo ah? "Sabi ko pa.

Napatingin naman ako sa loob ng classroom halos lahat ng atensyon nila nasa saamin ni ethan.

Ay jusq.

"Ei? Sorry na, Sorry na kung natagalan ako nung time na nag mall tayo, May nakasalubong lang ako nakakilala kaya ayun"pag-uulit niya sa sinabi niya nung nakaraan.

"Sino ba yang nakasalubong mk at parang importante kaya hindi mo ko na isip?"takang tanong ko.

Huminga naman siya nang malalim bago sumagot.

"Si AC, yung ex ko"maikiling sagot niya.

Ah ex, kaya naman pala.

"Siya ba yung kasama mo kanina? "tanong ko at tumango naman siya.

"Ah, Edi dun kana"sabi ko sabay tulak sa kanya pero mahina lang.

Ex na pala e, bakit magkasama pa?

"Nagseselos kaba? "pang-asar na tanong niya.

Mana ba to kay yana?

Selos selos, ako magseselos? Pwede din, ay hindi.

THOUGHTS ABOUT THIS CHAPTER??

My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon