Chapter 11

2.2K 68 3
                                    

Blythe's POV

Pagkauwi ko sa bahay nadatnan ko si kuya nakahilata sa sopa. Tsk, kala ko susunduin niya ako tagal ko pang nag antay dun.

Hindi niya ako, pinansin galit parin siya sakin T_T.

Kumain nalang ako at Pumasok na ako sa kwarto.dahil wala akong magawa naglinis ako.

Daming Basurang nagkalat. Paglabas ko itatapon ko sana yung basura nang biglang magsalita si kuya.

"San ka pupunta?"Tanong niya pero hindi siya nakatingin sakin.

"Magtatapos ng basura sama ka? "Asar ko pero nasa tv parin paningin niya.

"Dalian mo mag usap tayo? "hindi na ako nag salita lumabas nalang ako para magtapon ng basura.

Pag pasok ko sa loob pinaupo ako ni Kuya sa sopa.

"K-kuya"utal na tawag ko sa kanya.

"Bakit?Bakit hindi mo sinabi sakin yung nangyari sayo"Tanong niya batid kong nakatingin siya sakin pero nakayuko lang ako.

"Natakot ako kuya saka di ko alam kung pano ko sasabihin sayo"Malaungkot na sagot ko.

"Fck! Blythe"nagulat ako sa pagmura ni kuya at ito ang kauna-unahang tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Sorry na kuya please,natakot lang talaga ako"naiiyak na sabi ko.

"Sasabihin ko kila mama to"Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.

"Wag kuya, ayokong malaman nila mama, Please kuya"pakiusap ko.

"Badtrip naman, blythe, Wag ka na ulit lalabas ah, except kung kasama ako"

"Sorry na kuya"

"Oo na, wag lang mauulit yun"Omyghaddd.

"Yieee bati na tayo"

Para akong tanga iiyak tapos tatawa. Niyakao naman ako ni kuya. Sorry kuya kung pinagalala kita.

"Oh, sige na linisin mo naman kwarto ko hehe"pagkasabi niya nun binatukan ko siya.

Sabi na e.

"Kaya ka naki pag bati no? "tanong ko.

"Ayaw mo sige"sabi ni kuya at tumingin sa tv.

"Joke lang, eto na nga oh"sabi ko.

Saka ako umakyat sa kwarto niya. Damn! Mas maraming kalat sa kwarto niya amporkchop.

Sinimulan ko na agad mag linis para maagang matapos inuna ko muna sa ilalim ng kama niya, sumunod naman sa may computer at kung saan saan pa.

Pagtapos ko maglinis nahiga ako saglit sa kama niya. Kapagod. Lumabas ulit ako para itapon ulit yung basura niya.

At pumunta na kong kwarto, para magpahinga saglit at makaligo na.

After 4 hours.shet medyo napahaba tulog ko alas syete na agad. Naligo muna ako bago bumaba.

Naabutan ko si kuya nagluluto.

"Oh, gising kana? Ginigising kita kanina para mag snack kaso mukang masarap tulog mo"bungad ni kuya.

"Dami ba naman ng kalat mo tss"angal ko.

"Ngayon ka pa umangal kung kailan tapos na"Banat niya pa. "Maupo ka na dyan matatapos na niluluto ko"dagdag niya pa.

Pagkatapos mag luto ni kuya, hinain niya na. Yieeee yung favorite ko niluto niya.

"Nice yiee"excited na sabi ko. Habang sinasandukan ni kuya yung tasa ng sinigang.

Ako naman naglagay ng kanin sa pinggan, at nagsimula na kami kumain.

Pagtapos namin kumain si kuya narin nag hugas hehehe. Ang bait talaga ni kuya.

Naupo muna ako sa kama ko at nagcellphone ng makapasok ako sa kwarto.

Then, biglang nag vibrate phone ko.

1 new message received

From:0939*****

Blythe, good evening, bati na kayo ng kuya mo?

I guess it's ethan, saang lupalop naman niya nakuha phone number ko.

Nagpalit na ako ng sim card dahil dun sa mystery guy na nagtetext sakin nuon.

To:0939****

Yup, Ako pa pinaglinis ng kwarto niya kaya nakipag bati.

Pinatay ko na phone ko. At nahiga na ako ulit, para matulog.

Matakaw ako sa tulog..

























....

My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon