Chapter 17

1.2K 61 4
                                    

Blythe's POV

"Class dismissed"sabi ni mam.

Agad naman nag tayuan yung mga kaklase ko para umuwi, ako inayos ko pa yung gamit ko.

"hayys, Uuwi ulit tayo na parang walang ginagawa!!!"Sabi ni Yana habang nag uunat.

Pagkatapos namin mag ayos ng gamit kinalabit niya ako at may tinuro sa bandang pinto kaya naman napatingin ako.

At nakita ko si Ethan nakatayo nag aabang sa pag labas namin, nakikita ko pa yung ibang babae na nagpapapicture sa kanya.

Inayos lang namin ni yana yung pinag upuan namin at saka tuluyan nang lumabas.

"Anong ginawa mo dito? "bungad na tanong ko sa kanya pagkalapit niya sakin.

"Syempre, Ihahatid kita pauwi hehe"Sabi niya pa.

"Eh, Sabay kami ni yana"sabi ko sabay tingin kay yana, Pinandilatan ko pa siya ng mata para pumayag.

"Ah, Mag kaiba naman tayo ng way pa uwi, So sabay na kayo ni ethan eheheh, Bye bestfriend!!!" Sigaw ni Yana habang tumatakbo palayo.

Aba talaga to. Iniwan ba naman ako kay ethan.

"So, Sabay tayo?"tanong ni ethan.

"Nvm, tara na"sabi ko kay ethan at naunang maglakad sumunod naman siya sakin.

Habang naglalakad kami tinitignan kami nung mga estudyante, aba wala ba silang balak umuwi?

"OMG, Are they together naba? "

"Maybe, Bagay naman sila"

"If sila na nga, I'm broken na"

"I still hate her"

Ay jusq, ewan ko sa inyo. Napatingin naman ako kay ethan parang tanga na nakangiti habang naglalakad. Pero napansin ko, Gwapo siya, Matangkad, Mapula labi, Makinis, Maputi. Napaka ideal nga niya, No worries kung bakit campus crush siya. Tsk.

Habang nakatingin ako sa kanya lumingon naman siya bigla kaya napaiwas ako.

"Diretso tingin pag naglalakad baka mamaya mauntog o mahulog ka--sakin"natatawang saad niya kaya napalo ko siya sa braso.

"Masakit ah, Pag ako nangigil ikikiss kita"Pang-asar niya pa.

Kaya sinipa ko naman siya.

"Kiss your face!"asar na sabi ko at naunang nang maglakad.

"Love!!! Wait for me!"rinig ko pang sabi niya.

Huh? Ano daw? Love? Love my ass.

"Uy, Hindi ka naman mabiro, joke lang naman yun"sabi niga na parang bata.

"Hakdog ka ethan"nasabi ko nalang narinig ko naman siyang tumawa.

Pagkalabas namin ng school sabi ko kay ethan maglakad nalang kami dahil malapit lang bahay namin dito sa school.

"May pupuntahan pa tayo"sabi niya kaya nag tanong ako kung saan.

"Saan naman tayo pupunta? "curious na tanong ko.

"Itatanan na kita"natatawang sabi niya kaya pinaghahampas at kurot ko siya.

"aray!aray!joke lang naman e"Natatawang sabi niya pa.

Adik talaga to, puro kalokohan alam.

"Puro ka joke joke dyan, joke-jokin ko muka mo e"Banta ko pa sa kanya at inambahan.

Napaiwas naman siya hahaha.

"Okay lang, Seryoso naman ako sayo hahaha"Ayy abaaa. "Joke lang yung tanan next time na yun, Baka masakal ako nang kuya mo ng wala sa oras at baka hindi pumayag yun na hindi kita ligawan since hindi niya pa alam"dagdag niya pa.

Takot naman pala kay kuya hahahaha.

"If hindi man pumayag si kuya, keri lang payag naman ako e"Sagot ko at tumingin sa kanya. Nakita ko naman pamumula ng pisngi niya.

Wews, cute hahaha.

"Oh, bakit namumula ka? "natatawang tanong ko.

Tumingin siya sakin at agad din nag iwas.

"Hindi ah, Maiinit lang saka alam mo na maputi ako kaya ganyan"mayabang na sagot niya.

"Yabang mo,Tara na yan na yung bus diba may pupuntahan pa tayo? "aya ko at hinala ko na siya pasakay ng bus.

Pagkasakay namin at na naningil yung kondoktor.

"Kuya, Dalawa po dyan lang sa SM"sabi ni ethan at nagbayad siya kaya inabutan siya ng dalawang tickets.

"Kala ko naman saan tayo pupunta ayaw pang sabihin"sabi ko at naglabas nang cellphone at earphones para makinig ng music.

Pagkaayos ko ng earphones inabot ko yung isang pares kay ethan. Baliw na ata to kanina pa nakangiti.

NP: IT'S YOU BY: HENRY

Habang nasa byahre kami naririnig kong kumakanta si ethan, infairness ganda ng boses hahaha.

Ilang minuto ang nakalipas nakarating na kamj sa SM kala mo napakalayo neto sa school, Tumagal lang dahil sa traffic.

Pagkababa namin pumasok na kami sa mall.

"Anong gagawin natin dito? "tanong ko.

"Baka sasayaw"Pang asar niya.

Akmang papaluin ko siya agad naman siyang umiwas.

"Tara kain muna tayo"sabi niya sabay hila sa kamay ko.

At nakarating kami sa tapat ng Mcdo.

"Mcdo muna tayo next time na restaurant hahaha"Natatawang saad niya.

"Go lang kahit saan okay lang"sabi ko naman.

"Basta kasama ako? "dagdag niya.

Natawa lang ako at naghanap nang pwedeng uupuan.

"Dyan kalang ah, Oorder lang ako"paalam niya.

Malamang dito lang ako kasama mo ko e agik kaba? Tsk.

Habang nasa pila si ethan nag chat ako kay kuya na kasama ko si ethan sa  mall.

Ilang minuto ang lumipas at dumating na si ethan. Nays, Gutom na ako.

"Oh eto sayo"sabi niha sabay abot ng---Rice with fish fillet, Mcfloat, Burger at fries.

Hala ang dami.

"Huy, ang dami mo naman inorder"angil ko.

"Okay lang yan, Kain lang haha"natatawang sambit niya.

Hindi na ako nagsalita at nagsimula na kumain.

A/N: MWEHEHEHEH, SINIPAG AKO MAG UPDATE. HAPPY 16K READS LOVE Y'ALL, THANKS FOR THE SUPPORT.

ANY THOUGHTS ABOUT THIS CHAPTER? JUST COMMENT. HOPE YOU'LL LIKE IT.

My Boyfriend Is a Campus Crush(Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon