Gem's POV
"PUTANG INA!!" isang malakas at malutong na mura ang lumabas sa bibig ni Gem pagkagising na pagkagising palang nya pagkatapos nyang tingnang ang kaniyang cellphone.
8 am na pala, ang klase nya ay 7:30 am. Nagmamadali siyang mag-asikaso at napansin nyang wala na din sa kwarto ang mga kadorm nya.
"PUTANG INA NYO GUYS! DI NYO MAN LANG AKO GINISING" chat nya sa group chat nilang magkakadorm.
"Gaga! ginigising ka namin kanina pang 6 am kaso sabi mo mamaya na lang. Paano ba naman kasi puyat nang puyat kakapanuod ng mga BL series na yan" reply ni Jolina
"Hayaan nyo na nga puta, unang araw ng klase late ako. Pero muka namang wala pang prof kasi adjustment period palang" chat ni Gem.
"Oo mamsh wala pa! Hahaha nandito na ako sa room natin" reply ni Louie.
"Ay puta ka Louie! Magkaklase nga pala tayo. Sige papunta na ako jan" chat ni Gem.
2nd Year Financial Management student si Gem pati mga kadorm nya 2nd year students pero magkakaiba sila ng Course na kinuha.
Isang normal year nanaman ba ito para sa isang Kpop Fan, BL Fan, at single na si Gem?
Ronnie's POV
Dahil isang dormee din si Ronnie maaga palang ay nagreready na itong pumasok, wala sa vocabulary nya ang malate. 5 am palang ay nag-aasikaso na para makarating ng kanilang classroom bago mag 7:30 am.
Pagkadating sa classroom ay nagsisimula na syang magpractice ng mga plates. Architecture student sya,kaya naman nasanay na siya simula palang noong 1st year habang naghihintay ng klase na magpractice ng paggawa ng plates.
"Bro, ang aga-aga yan nanaman ang ginagawa mo" pang-aasar ni Paolo
"Oo nga Bro, tigil mo muna yan. Magsasawa ka din nyan pag puro plates na ipagawa satin" - John
"Hayaan nyo na ako Bro, alam nyo naman na nasanay na ako ganitong routine ko araw-araw"
-Ronnie
"HAHAHA sige Bro, magML muna ako may 30mins pa naman bago mag start ang klase"
-Paolo
"Tara, Duo tayo Bro. Buhatin kita"- John
"HAHAHA lakas magjoke, tara open mo na ML mo" - Paolo
Tapos na ang unang araw ng klase, umuwi na ang mga students na walang ginawa buong araw kundi ang mag-ingay at gawin ang kanilang mga gustong gawin dahil wala pang prof na dumating dahil adjustment period pa lang.
Kahit alam ng mga estudyante at sanay na sila sa ganitong eksena. Ay nagbabakasali pa rin sila na may dumating na prof. Ganito na ang eksena sa Manila Polytechnic University noong 1st year palang sila.
Hanggang ganito na lang ba lagi ang routine ng buhay ni Arki boy Ronnie?
YOU ARE READING
It's U
RomanceHi! This is my first ever attempt to make a story. Please bear with me :)
