Prologue

46 3 0
                                    

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga matapos ilapag ang huling basket ng gulay na aking binuhat.

Nagpagpag ako ng kamay at damit matapos ay ngumiti sa sarili.

This is good for today.

"Salamat, manang nelia." Nagpasalamat ako matapos iabot sa akin ang aking sahod.

"Walang anuman. Salamat rin, hija. Ngunit hindi ko na ito mapapayagan sa susunod at hindi tama para sa babaeng gaya mo ang magbuhat ng ganyan kabibigat." Tumango ako at ngumiti. Nagpasalamat akong muli bago nagpaalam at bumili ng makakain.

Napatingin ako sa langit nang marinig ang pagkulog.

Mukhang uulan pa ata. Tiyak na tutulo na naman ang butas na bubong ng aking inuupahan.

Binilisan ko ang lakad upang hindi maabutan ng ulan. Soot ko pa ang damit ko kanina sa klase hanggang ngayon.

Napatingin ako sa aking perang nakuha. Hindi ito sasapat para sa buong linggo. Sa kwenta ko, ilang araw lang aabutin nito.

Ano naman kaya ang pwede kong pasukan bukas? Bumuntong hininga ako at nagpatuloy sa paglakad habang iniisip ang maaaring makuhang raket bukas.

Kung ganon lang sana kadali ang makakuha ng trabaho.

Mas lalo pang mahirap ito para sa  akin dahil estudyante pa ako. Walang gustong kumuha sa akin lalo pa't hindi parin sapat para sa mga employer ang karanasan ko.

Napabuntong hininga ako. Paano ako magkakaron ng karanasan kung ni isa sa inyo ay walang nais tumanggap sa akin?

***

Pumasok ako sa loob ng apartment at inilapag ang gamit. Inasikaso ko ang pagkain at nagsimula. Napabuntong hininga ako nang marinig ang pagbagsak ng napakalas na ulan.

Salamat nalang at hindi ako inabutan sa labas, pero dahil sa lakas ng tulo ng ulan sa bubungan ko ay parang umuulan narin tuloy dito sa loob ng inuupahan ko.

Tumayo ako at kinuha ang balde sa aking CR upang itapat sa may butas na bubong ng aking apartment.

Mabuti nalang at nagawan ko na ng paraan ang ibang butas dito kung kaya mabawasan kahit paano ang mga tumutulo.

Bumuntong hininga ako matapos itapat ang pang huling timba sa huling butas. Pahirapan na naman ako matulog nito, lalo pa't malapit sa butas ang higaan ko.

In-adjust ko ito at nilagay sa nag-iisang couch na pagmamay ari ko.

Sa lakas ng ulan ngayon, mukhang sa upuan talaga ang bagsak ko nito.

Umayos ako ng tayo at pumamewang, minasdan ko ang apartment at bumuntong hininga. Kinalkula ko ang mga tatapalan kong butas at kung magkano ang magagastos ko dito.

Mabuti nalang at mabait ang may ari nito kung kaya mura lang ang upa ko. Hindi nga lang niya magawang ipaayos ang mga sirang parte ng apartment dahil maging sila ay kapos din sa budget. 

Bumalik ako sa mesa at itinuloy ang pagkain. Natulala ako sa gaserang nakalagay sa aking tapat. Noong nakaraang buwan pa ako walang kuryente.

Hindi naman iyon bago sa akin dahil madalas akong napuputulan ng kuryente ngunit minsan hindi ko mapigilang malungkot sa kalagayan.

Inisip ko muli ang perang kinita ngayong araw, at ang iilang ipon. Kung uunahin ko ang pagbayad ng kuryente ay tiyak na mauubos iyon at ilang buwan ko na naman kailangang pag paguran para mapalitan.

Umiling ako sa sarili. Huwag nalang. Kaya ko pa namang mag tiis.

Kinuha ko nalang ang notebook at nireview ang mga kailangan sa gaganaping exam namin sa susunod na linggo. Scholar ako sa amin at kinakailangan kong panatilihin ang mataas na grades upang magpatuloy ang pagiging scholar ko.

Kung kaya naman kahit madilim, kahit mahirap at kahit magkanda duling duling na ako sa kakabasa kung minsan sa aking mga notes ay pinagpalatuloy ko parin ito. Wala naman akong choice. Lalo at hindi ako ipinanganak na natural na matalino, kung kaya naman sipag at tiyaga lang ang pinang lalaban ko.

Sipag mag aral, at matuto, maging sipag sa pagtatrabaho.

Mahirap ang magbasa at magsulat kapag madilim ang kapaligiran mo, ngunit wala naman akong nagawa lalo pa at tuwing gabi lang ang libre kong oras para magbasa at mag aral. Dahil tuwing araw, madalas ay abala ako sa paghahanap ng raket at pwedeng pagkakitaan.

Pinagsabay ko na nga ang pagkain at pagrereview. Matapos niyon ay nakaramdam na ako ng antok. Naghikab ako at napaayos ng upo. Iniligpit ko ang gamit at hinugasan ang pinagkainan.

Naligo ako at inihanda ang tutulugan. Napapamewang ako matapos itong ayusin at titigan. Nailing ako sabay ng pag uunat dahil tiyak na pahirapan na naman ako nito sa pagbaluktot upang hindi lang mahulog sa upuan.

Naghikab ako muli at humiga. Natulala ako sa madilim na kisame at napaisip. Bakit kaya ganito ang kapalaran ko? Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang mundo ko.

Mahirap. Magulo, at madilim. Madilim literal.

Nabubuhay nalang ata ako dahil wala akong ibang choice. Hindi ko naman kayang kitilin ang sarili ko lalo pa't alam kong labag iyon sa utos ng Diyos.

Napanguso ako.

Ayokong isipin na ang papel ko nalang sa mundong ito ay mag hirap habang buhay, at gusto kong umasang may darating ding biyaya sa akin, na hindi magtatagal ay magiging magaan din para sa akin ang lahat. Pero sa dalawapu't isang taon kong nabubuhay dito sa mundo, parang napapagod narin akong umasa.

Umasa sa isang bagay na walang katiyakan at tila kay hirap abutin.

Hanggang ngayon ay wala parin akong nakikitang pagbabago sa buhay ko kahit pa ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko.

Malungkot akong bumuntong hininga. Napapaisip. Marahil kung mayroon akong pamilyang matatawag, baka hindi ganito kabigat ang lahat.

Ngumuso ako para pigilan ang nagbabadyang luha at umiling. Kailangan ko nang nagpahinga dahil mahaba pa ang araw bukas. Kailangan ko ng lakas.

Kinusot ko ang mata at ipinikit ito. Inayos ko ang kumot at tumagilid. Nararamdaman ko na ang unti unting pagkahimbing nang biglang may kumalabog sa aking likuran.

Narinig ko ang tunog ng baldeng natumba. Napaupo ako sa gulat at mabilis na kinuha ang gasera upang muling sindihan.

Tumayo ako at nilapitan ang balde ngunit napatigil ako sa gulat nang may makitang lalaki sa aking harapan.

Nakahandusay ito at tila walang malay.

WHAT THE FUCK?!

Kumabog ang dibdib ko sa kaba. Napaatras ako at sandali itong pinakiramdaman. Hinihintay kung magigising o kikilos ba siya.

"S-Sino ka?" Nanginig ang boses ko nang magsalita. Napalunok ako sa kaba.

Anong gagawin ko?!

Itinapat ko sa kaniyang mukha ang gasera. Napalunok ako ng matanto ang kaakit-akit nitong hitsura.

Ibinaba ko ang gasera patungo sa kaniyang dibdib at tiyan. Nanlaki ang mata ko nang matantong wala siyang soot na damit. Itinuloy ko ito pababa ngunit nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay.

Nilingon ko ito at nakita ang kaniyang unti-unting pagmulat. Mabilis kong inalis ang pagkakahawak niya at umatras.

Inangat niya ang ulo at nagsalita.

"Ikaw ba si Eli?" Nangunot ang noo ko. Paano niya ako nakilala?

"S-Sino ka?" Nalilitong tanong ko.

"Your wish is my command!" Mahinang bulong niya.

"H-Ha?"

Ngumiti lang siya sa akin bago unti-unting napapikit. Muntik nang bumagsak ang ulo niya sa sahig kung kaya mabilis ko itong sinalo.

Napapikit pikit ako habang hindi makapaniwalang napatitig sa kaniya.

What the hell?!

Devils are angels in disguise Where stories live. Discover now