"Ano ang magiging silbi kung ihatid ka man niya ng tingin?" ani Aidan na naunang pumanhik sa hagdan patungo sa eroplano.

"Yeah," pabuntong-hiningang sang-ayon ni Romano. "Guess you're right."

Nasa puno na siya ng hagdan nang marinig ang pangalan niya.

"Romano!"

Lumingon ang binata at napangiti nang makita sa labas ng kotse niya si Bobbie. Nasa tagilirang bahagi ng departure building at kumakaway. Ibinaba ang bagahe at patakbong bumalik.

Si Aidan ay muling bumaba at dinampot ang bagahe niya at iniabot kay Lenny na bumaba rin. Hinintay ang pinsan sa ibaba ng hagdan.

"He could be in trouble kung inihatid tayo ng mga old," naiiling na wika nito.

"What took you so long?" si Romano kay Bobbie. The urge to take her in his arms is overpowering.

"Traffic," sagot ng dalaga. Sadness in her eyes.

A gentle smile crossed his face. "The usual," wika nito at may dinukot ito sa bulsa ng jacket at inilagay sa palad niya at isinara iyon nang mahigpit. "I thought I will have to send that to you. Congratulations uli." He touched her lips and hesitantly released her hand and moved backward upang bumalik sa naghihintay na eroplano.

"Romano!" muling tawag ni Bobbie. Lumingon ang binata.

"I love you," marahang sabi niya.

Tumango si Romano at ngumiti. "I thought I'd never hear you say that. And I love you, too. At alisin mo ang lungkot sa mga mata mo, magkikita tayong muli. I promise..."

"I am sad and I want to feel sad so please don't take the feeling away from me," sabi niya at sinikap na huwag mabasag ang tinig.

Banayad na tumango si Romano. "Go home now, don't see me off..."Tumango siya at halos magkasabay silang tumalikod.

NASA kotse na siya nang marinig ang ugong ng eroplano sa itaas. Ni hindi niya matiyak kung iyon nga ang eroplanong magdadala sa magpipinsan patungong Texas. Still, she wanted to see it above her. Binuksan ang bintana ng kotse at tumingala.

"Good-bye, my darling," she whispered brokenly. "We'll meet again."

Inilabas niya sa NAIA ang sasakyan. Isinalang ang tape na ibinigay ni Romano. Pumailanlang ang awitin. Sinabayan niya iyon.

It's now or never. Come hold me tightKiss me, my darling. Be mine tonight.Tomorrow will be too lateIt's now or never, my love won't wait...When I first saw you, with your smile so tender...

Ngumiti siya sa bahaging iyon. "Oh, you didn't smile. But nevertheless, I was bewitched."

"Never is not that long, Romano. And my love can wait," she promised, smiling and crying and sniffing at the same time. Tinitigan ang daliri sa kaliwang kamay. Kumikislap ang maliliit na brilyantitos na nakapaligid sa emerald.

Suminghot siya, brushed away the solitary tear from her face at muli'y sinabayan ang kanta, off-key.

"BAKIT ka ngumingiting mag-isa?" si Lenny na siniko si Romano.

"Love makes people go crazy," matabang na sabi ni Aidan.

Umikot ang mga mata ni Leonard at muling sinulyapan si Romano na nakahilig sa upuan nito at nakapikit pero mahinang kumakanta.

"Just like the willow, we would cry an ocean...when love was lost and sweet devotion... but who knows when we'll meet again this way..."



WAKAS


Note from the author:

Sana'y nagustuhan ninyo ang unang kasaysayan ng ikatlong henerasyon. Abangan ang isa pang kasaysayan ng pag-ibig ng isa sa mga batang tauhan ng Kristine Series, 3rd Generation. And of course, you'd want to meet Romano and Bobbie again when they're a little bit older. from first page

Their love interest will be revealed in each series. And I may write another Nathaniel-Jasmin love story and also Nick Gascon's in the middle of the third generation.

At alam kong natatagalan lagi ang paglabas ng Kristine Series. Pero sana'y maunawaan ninyong hindi madali ang gumawa ng serye. Lalo na kung ang nasa isipan ng may-akda habang ginagawa ang kuwento ay kayo. I want you to enjoy each and every series tulad din ng paanong iyon ang nararamdaman ko tuwing sumusulat kayo ng mga papuri sa akin.

It's been almost four years since I started writing. A lot of you are still there, writing incessantly. And there are new friends, too. At lalong nadagdagan ang mga sulat at nawalan ako ng panahong saguting lahat, to my regret. At sana'y maunawaan ninyo.

And thank you so much, friends, for waiting Kristine 20 patiently.

Hello to Mrs. Angie Magpalo, who wrote that the last time she cried over a novel was when she read Danielle Steel's Fine Things. But she said it's nothing compared to Endlessly.

My! Nakakataba ng puso though exaggeration iyon. At wala akong balak magkaroon ng heart failure, ha. Anyway, maraming salamat. Kapitbayan mo lang ako, Angie.

And hello, Paula!




*************Maraming salamat mga beshie at pasensya na natatagalan na ako sa pag-uupdate since back to work na ako sa office kaya nahihirapan akong mag-update, if ever na may pumalit sa akin as admin don't worry mga beshie kasi sasabihin ko naman sa inyo if ever. At tsaka sana patuloy lang kayo sa pagsuporta. Masyadong maraming ganap sa mga nagdaang araw kaya di ko na kayo nakakamusta. Kumusta na nga pala kayo? Sana okay lang kayo at nasa mabuting kalagayan. Stay safe and God bless mga beshie. -Admin A *******

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon