15

18.4K 588 22
                                    


"ANO ang gusto mo, Bobbie?" tudyo ni Romano at pinakawalan siya. "A wedding ring?"Ipinagkrus niya ang mga braso sa dibdib dahil may palagay siyang biglang lumamig nang pakawalan siya nito.

"May masama ba roon?" Itinaas niya ang mukha. "I don't go for casual affair, Romano. Sinabi ko na sa iyo iyan, 'di ba?"

"Hindi rin ako ang lalaking nakahandang magpakasal sa kahit na kaninong babae, sweetheart." he twisted one corner of his lips in a dry smile. "But I want you."

"Oh, I want you too." she raised her face with dignity. "At alam kong alam mo iyan. And you can seduce and command my body to sleep with you. Pero katawan ko lang, Romano, and I will be hating myself afterwards. Kaya hanggang kaya kong iwasan ka'y gagawin ko."

"And what about Derick? He was your lover, wasn't he? At kaya okay lang sa iyo dahil sinabi niyang pakakasalan—"

"He wasn't my lover!" singhal niya rito. Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay nang makitang matiim na nakatitig sa kamay niya ang binata.

Lumapit ito at mabalasik na itinaas ang kaliwang kamay niya. "Ano ito? Ito ba iyong engagement ring niya sa iyo?"

Bigla siyang kinabahan sa tono nito. Nagdilim ang mga mata. "Y-yes."

"You took him back?" mapanganib nitong tanong.

"H-humingi siya ng tawad sa akin at—"

"Pinatawad mo?"

"I–I was thinking of... giving him a chance..."

"Why?"

"What do you mean why?" naguguluhang tanong niya.

"You don't love him."

Naningkit ang mga mata niya. "At ano ang alam mo sa salitang iyan? Ikaw na laruan lang ang gusto sa relasyon?"

"At si Derick?" hamon nito.

"He will marry me."

"Iyon ba ang sinabi niya sa iyo?"

"Yes!" she hissed.

Nawala ang galit sa mukha ng binata. Pero naroon pa rin ang matiim na pagkakatitig sa kanya. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago muli itong nagsalita.

"You don't know him, sweetheart."

"Lalo kitang hindi kilala, Romano," ganti niya. "Mahigit na sa anim na buwan kaming magkakilala ni Derick. Hindi niya itinatangging gusto niyang magtalik kami bago dumating ang araw na pakakasal kami. Pero iginalang niya ang kagustuhan kong ibigay ang sarili ko sa araw ng aming kasal. He never seduced me—"

"Knowing Derick, he did," agap nito sa nanunuyang tono. "And knowing you too, kaya mo siyang tanggihan... kaya mong pigilin ang mga overture niya. Because his kisses meant nothing to you, sweetheart. You never melt in his arms as you did in mine."

She was stunned. Nanlalaki ang mga matang nakatingala sa binata, as realization dawned. Totoo ang sinasabi nito. Ilang beses na ba siyang hinagkan ni Derick... niyakap. At kapag 

dumarating sa puntong gusto nitong lumampas ng higit pa sa halik ay tumatanggi siya. Derick would insist as Romano had. Pero hindi siya kahit kailan nakalimot. Hindi siya kahit kailan natangay. Oh, naroon iyong bahagyang kasiyahang dulot ng halik at yakap at pagdama pero hanggang doon lang.

"He will marry you alright," patuloy ni Romano na nagpabalik sa isip niya rito. "Ngunit hindi dahil mahal ka niya. Hindi mo kilala ang uri ng pagkatao ni Derick, Bobbie. Isa siyang—"

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ