"Huwag mong siraan si Derick, Romano, dahil lang sa pansariling motibo," babala niya rito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Romano. "Hintayin mo ako sandali at magpapaalam lang ako sa loob."

"Kaya kong umuwing mag-isa..."

Hindi siya sinagot ni Romano pero ang tinging ipinukol sa kanya'y sapat na upang manatili siyang nakatayo roon. Nagbalik ang binata sa loob at kinuha ang susi ng bike sa drawer sa may bar.

"What's wrong? Naririnig ko kayong nagsisigawan?" si Lenny. "Lost your touch, 'insan?" tukso nito.

"She wants diamond rings and wedding bells..." matabang niyang sagot.

"Argh!" Dramatikong hinawakan ni Lenny ang dibdib.

"Mapipikot ka nang wala sa oras, Romano," biro ni Anton.

"Oh, don't get her wrong." iwinasiwas niya ang kamay. "She didn't ask me to marry her. But she didn't want a casual affair either and has been rejecting me since I first met her."

"So what's the problem? Maraming babae, lover boy," malambing na sabi ni Georgie.

"Derick Bustamante's marrying her."

"What?" sabay na wika ni Aidan at Lenny. Nakamata lang si Anton na nagkibit ng balikat.

"I'm taking her to his apartment," ani Romano na lumakad palabas.

"What's wrong with him?" si Lenny kay Aidan.

"He's in love," kaswal na sagot nito.

"So what else is new? He's always in love!" bulalas ni Anton na itinaas sa ere ang mga kamay. At pagkatapos ay nagtatawang niyuko si Georgie. "Aren't we, honey?"

"WHERE are we going?" sigaw ni Bobbie sa tainga ni Romano dahil hindi siya maririnig mula sa likod nito.

"Wait and see," lingon ng binata sa kanya.

Hindi na siya kumibo at hinigpitan ang yakap sa baywang nito. They're flying. Higit na mabilis ang pagpapatakbo nito ngayon kaysa kanina.

Makalipas ang ilang sandali'y ipinasok ni Romano ang motorbike sa gate ng isang townhouse sa Greenhills na pamilyar kay Bobbie.

"D-dito nakatira si Derick," aniya.

"I know." Ipinarada nito ang motorbike sa mismong tapat ng townhouse nito. Naroon ang kotse ng binata at isang itim na Mercedes Benz. Nakaupo sa may gutter ang driver ng Mercedes Benz na tumayo nang makita si Romano.

"Magandang hapon po, sir..." bigay-galang nito. Sinulyapan si Bobbie at banayad na nginitian.

"Papasok kami sa loob, Mang Joaquin," abiso ng binata sa maawtoridad na tinig. Nakita ni Bobbie ang pag-aalinlangan at takot sa mukha ng matandang driver. "Huwag kayong mag-alala, Mang Joaquin, hindi kayo madadamay." Nilingon si Bobbie at hinawakan sa kamay. "Let's get inside."

"K-kaninong kotse iyon?" Nilingon niya ang Mercedes Benz. "At bakit tayo nagpunta rito?"

"Kay Vivian Delgado ang kotseng iyon at driver niya si Mang Joaquin. At malalaman mo mayamaya kung bakit tayo nagpunta dito."

Kinakabahan ang dalaga pero hindi makatutol. Tuloy-tuloy sila sa loob ng kabahayan. Walang tao. Tumingala sa itaas si Romano. At pagkatapos ay nilingon siya.

"Nasa itaas sila. Pumanhik ka kung gusto mo," wika nito sa kanya. "Hihintayin kita dito sa ibaba..."

She was about to say no. Bakit siya papanhik? Kung anuman ang naroon ay hindi niya gustong 

makita. Nang mula sa itaas ay makarinig siya ng tawa ng isang babaeng tila kinikiliti at hinahabol.

"Stop it, Derick!" tili nito kasabay ng tawa. Pareho sila ni Romano na nakatingin sa itaas. Mayamaya'y tumakbo sa barandilya ang babaeng nagtitili, walang suot kundi underwear. Kasunod si Derick na nakatapis lang ng tuwalya. Unang nakita ng babae si Romano. Nawala ang tawa nito at nanlaki ang mga mata.

"Don't worry, Mrs. Delgado. Your secret is safe with me," wika ng binata na tumingin kay Derick na tila natuka ng ahas pagkakita kay Bobbie. "Pumili na lang kayo ng ibang babaeng maaaring pakasalan ni Derick."

Hanggang sa makasakay sila sa motorbike at makaalis sa lugar na iyon ay walang salitang namutawi kay Bobbie. She was shock and angry. Bumitaw siya sa pagkakayakap sa baywang ni Romano at hinugot ang singsing sa daliri at ubod-lakas na itinapon sa kalye.

"Good," ani Romano at pinabilis ang takbo ng bike.

Inihatid siya ng binata sa bahay nila. Hindi siya pumasok sa kabahayan at nagtuloy sa swing. Sumunod si Romano.

"I'm sorry," anas ng binata.

"P-paano mong nalaman?"

Huminga ito nang malalim. "Derick is a socialite gigolo, Bobbie. Hindi lang si Vivian ang nahumaling dito. Maraming mayayamang matrona at biyuda. Kliyente ng daddy si Mrs. Delgado kaya kilala ko rin. Her husband is almost sixty. They used to come to the island with their three kids until she met Derick. Ibinigay niya kay Derick ang pamamahala sa Delgado Travel and Tours kaya nag-stick sa kanya ito. Vivian bought his townhouse, his car, and everything he owned..."

Napapikit siya roon. "I–inamin niya sa akin ang tungkol kay Mrs. Delgado pero sa ibang kuwento." she shook her head wearily. "B-but never mind that. He said he's going to... to marry me," naguguluhang wika niya.

"Siguro'y totoong pakakasalan ka niya. Hindi ako nakatitiyak. Pero may mga blind item sa society columns tungkol sa kanila at nakakahalata na si Mr. Delgado. It was probably Vivian who instructed Derick to marry you upang tuluyang mawala ang tsismis sa kanilang dalawa. Anuman ang katotohanan, hindi si Derick ang lalaking para sa iyo, Bobbie..."

Marahas siyang nag-angat ng mukha. "At sino, ikaw?" Nasasaktan siya at si Romano ang naroon para sa receiving end ng emosyon niya.

"Sa bibig mo nanggaling iyan."

"Wala akong balak tumalon sa apoy mula sa kawali, Romano," nagpupuyos niyang sabi. Masamang-masama ang loob. Gusto niyang maghisterya. Derick could have been deceived her for the second time.

Dumukwang si Romano at itinaas ang mukha niya. "Ang masasabi ko lang sa iyo, sweetheart, ay hindi ko kailanman itinago ang tunay kong intensiyon sa iyo. I have always been very frank with it. I want you. I still do. But sorry, no wedding bells."

"Go to hell, Romano!"

Tumayo ang binata. "Go upstairs and cry, Bobbie. Hindi masamang umiyak. It will help you feel better. Tatawagan kita bukas..."

"I won't be around!" pangako niya.

Hinawakan siya nito at itinaas sa pagpipiglas niya. "Don't think about, Derick," at saka siniil siya ng halik. Pagkatapos ay iglap ding binitiwan. "I maybe an inconsiderate and selfish brute dahil gusto kong ang halik ko ang pagtuunan mo ng pansin kaysa lalaking iyon." Muli siyang binitiwan at saka sumaludo. "Adios."

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now