"Ang akala ko ba'y tahimik sa lugar na ito. A paradise where anyone could unwind along with nature. Pero bakit hindi yata iyon ang nararanasan ko?"

He chuckled. "Blame yourself..." wika nito na bumaba ng motorbike at ibinaba ang stand at itinayo.

Inis siyang lumingon dito. "What?"

Tinitigan ni Romano ang pagitan ng jeans at blouse niya na sa biglang pagtayo ay nahulog sa buhanginan ang nakapulupot na sweater.

"Tingnan mo nga iyang suot mo, ang aga-aga'y nanunukso ka ng tao... you could cause heart attack, sweetheart."

Wala sa loob na niyuko niya ang sarili. "Ano'ng..."

"Have you been kissed there?" mabilis na dugtong ng binata bago pa niya maintindihan ang sinasabi nito.

Iglap din ang pag-angat ng mga mata niya rito. Litong-lito. "Ano ba ang pinagsasabi mo?"Inginuso ng binata ang tiyan niya. "You're sexy, alam mo ba iyon? I wonder kung may mga labi nang dumantay sa tiyan mo..." he said provocatively.

Oh, my god! Nananayo ang mga balahibo niya sa sinasabi lang nito. Parang gusto niyang maupo uli sa buhangin dahil tila nanlalambot ang mga tuhod niya.

"Y-you're very rude, you know," aniya na hindi makatagal sa pagmamasid nito. Nilingon niya ang dagat.

"Not rude, only straightforward," pagtutuwid ni Romano sa nanunuksong tinig.

"Yeah," aniya sa marahan subalit sarkastikong tinig. "Straightforward. That's what you call it. Being ultra-rich gave you the license to say and do what you want." her voice cold and angry.

"That's unfair, sweetheart," ani Romano na hindi natitigatig sa akusasyon niya. "I've met a lot of bullies in my lifetime, kalahati sa mga iyon ay pangkaraniwan lang ang buhay. Some are really poor na nang madikit sa may sinasabi ay mayabang pa sa nadikitan. Ano ang tawag mo sa kanila?"

Wala siyang maisagot sa tanong na iyon. Somehow, totoo ang sinasabi nito.

"I'm—sorry," mahinang wika niya, in half-sincere tone.

"Apology accepted," kaswal na wika ni Romano. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Niyuko niya ang sneakers at isinuot. Sa sulok ng mga mata'y alam niyang pinagmamasdan siya nito.

"Anong lalaki ang type mo?" tanong nito makaraan. "Ang sabi mo kagabi'y hindi mo ako type kaya hindi mo gustong sumama sa akin sa buong isla."

Wala siyang balak sagutin ang tanong nito pero gusto niyang idiin ang sinabi kagabi. 

"Sophisticated, mature, a perfect gentleman, with finesse and—"

"My exact opposite, sa maikling salita," amused nitong agap. "Well, I'm sorry, sweetheart. What you see is what you get. I cannot pretend otherwise..."

"That is just fine. Wala akong balak na patulan ka," pairap niyang sabi.

He chuckled. "Iba ang sinasabi ng mga labi mo sa akin kahapon..."Nag-aapoy ang mga mata niya nang sulyapan ito bago humakbang pabalik sa hotel. Nahawakan siya ng binata sa braso.

"Join me for breakfast."

"Thanks but no thanks." marahas niyang binawi ang kamay. "And don't make me feel like a smelling garbage." Sinabayan niya iyon ng talikod at nagmamadaling lumayo rito. Narinig niya ang andar ng motorsiklo.

Tinapatan siya ni Romano. "At ano ang ibig mong sabihin doon?"

"Para kang langaw." Naiirita niyang sabi.

"Langaw!"

"No, I'm sorry, maliit iyon," she said ang gave a very sweet fake smile pero tuloy pa rin ang mabilis na paglakad. "Bangaw."

"Bang—" Nag-echo sa paligid ang halakhak ng binata na nakikipagkompetensiya sa tunog ng motorsiklo nito. "How could you be so unromantic, sweetheart..."

Hindi siya sumagot. Tuloy sa paglakad. Nang muling tumapat ang motorsiklo sa kanya ay hinapit siya nito kasabay ng paghinto ng motor. Sa kabiglaanan ay napasubsob siya sa dibdib nito.

"This bangaw didn't make you sleep last night, I can see it in your eyes." his voice husky at malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. She could smell his bath soap. A mixture of lemon and grass. Iyon lang at tila may kamandag na tila nagpapainit sa buong pagkatao niya.

She took a deep breath, gusto niyang alisin ang kamandag bago pa nito maapektuhan ang buong katawan niya. Tumaas ang mga kamay niya sa dibdib nito at malakas na itinulak ang binata. Nawalan ng panimbang si Romano at tumagilid ang motorsiklo at natumba kasama ito.

She didn't look back at mabilis na lumakad pabalik sa hotel.

Si Romano'y nanatiling nakahiga sa buhangin at ang isang binti'y napapailaliman ng malaking motorbike. Ni hindi nito tinangkang bumangon agad, bukod pa sa medyo nasaktan ang naipit niyang binti. Sinundan ng tingin si Bobbie.

"Need help?"

Tumingala siya sa pinanggalingan ng tinig. Una niyang nakita ang nakayukong mukha ni Wind Dancer at banayad na humahalinghing. Tila nakakalokong sinusuri siya ng tingin ng kabayo. Nasa likod ng malaking stallion si Lenny, grinning from ear to ear.

"Back off, Len!"

At mula sa likod ng mga puno ng niyog ay lumitaw ang dalawa pang stallion, sakay sina Aidan at Jessica.

"Ano ang nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Jessica na agad na tumalon mula sa stallion.

Aidan's lips twisted in dry amusement. Natanaw nito ang nagmamadaling pagpanhik ni Bobbie sa hagdanang bato pabalik sa hotel.

"Are you hurt?" tanong ng dalagita na sinikap iangat ang malaking motorsiklo.

"Don't worry about him, Jessie." si Aidan, in a bored tone. "I'm sure there's no broken leg. His pride took all the blow."

Hindi maipinta ang mukha ni Romano sa iritasyon sa dalawang lalaki. Bumangon mula sa pagkakahiga sa buhanginan. Pagkatapos ay niyuko ang motorsiklo at itinayo na rin at sumakay dito. Masuyong tinitigan si Jessica.

"Kailan ka dumating?"

"Madaling-araw na siguro," sagot ng dalagita at pinagpagan ang buhangin sa likod ng jacket ng pinsan. "Kasama ko si Anton. Bakit ka ba natumba sa motorsiklo mo? At ano ang sinasabi ng dalawang iyan?" Nilingon nito ang mga kapatid.

"Kung saan-saan kasi dumidikit ang bangaw. 'Ayan, napagpag tuloy." si Lenny, whose shoulders are shaking in controlled laughter.

Nanlaki ang mga mata ni Romano. "You eavesdropper!"

Itinaas ni Lenny ang dalawang kamay nang makitang akmang bababa ng motorsiklo si Romano.

"Uh... uh... magkakasunod lang kaming tatlo. Nauna ako at hindi ko kasalanang marinig ang sinabi ni Bobbie." His shoulders are still shaking at hinapit ang stallion at nagtatawang pumasok sa niyugan. Naiiling na sumunod si Aidan.

"What was that all about?" Nagtatakang sinundan ng tanaw ni Jessica ang mga kapatid.

"Nothing..." sagot niya na pinaandar ang motorsiklo. "I'll race you to the villa..."

Umangat ang kilay ng dalagita. "With that scrap of metal?" Patudyong niyuko ang malaking motorbike na ang halaga'y more than half-a-million.

"Do not underestimate us," hamon ni Romano na ikiniling ang ulo.

Ngumisi ang dalagita. "You're on," at nagmamadaling sumampa kay Fireball.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now