"Because you're not my type." Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Humugot ng malalim na paghinga at muling nahiga. Damn him. Lalo lang siyang hindi makakatulog ngayon.

Si Romano sa office ni Nathaniel ay nakataas ang mga binti sa mesa at nag-iisip habang tinititigan ang telepono.

"Playing hard to get, sweetheart, huh," wika nito sa sarili. "Then let's play your game."

BAGAMAN hindi gaanong nakatulog ay maaga pa ring nagising si Bobbie. Wala pang gaanong tao at nasa beach na siya. Naka-tight black denims at hanging blouse. Nakatali sa baywang ang sweater. Napakalamig ng hanging pang-umaga pero kaya niyang tagalan dahil knitted ang blusa niya na hanggang siko ang manggas.

Bitbit ang sneakers sa isang kamay at naglakad-lakad sa puting baybayin. Gustuhin man niyang maligo ay nag-aatubili siya. She's alone and it's kind of lonely kung mag-isa siyang lulusong sa dagat. Hindi niya gustong maging focus ng attention ng mga lalaking nangha-hunting ng kasama.

Mula pa kahapon ay wala siyang nakitang naliligong mag-isa. Some are with their families and friends, kung hindi man magkasintahan. At kahit sa umagang iyong may iilang parehas nang nasa dagat. Natanaw niya ang ilan sa Esmeralda Port at pasakay sa speed boat, pawang mga naka-scuba diving gear.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at ibinaba sa buhanginan ang sneakers at inupuan iyon. Niyakap ang mga binti at tinanaw ang Kristine by the Sea. Sino kaya ang naroong mga guest sa sandaling ito upang doon mag-almusal? Maybe she'll go there again this lunch.

Bigla'y pumasok uli sa isip niya si Derick...kasunod ang eksenang nakita niya sa office desk nito. Tumiim ang mukha niya. Ang sekretarya ba nito ang katalik? Hindi niya nakita ang mukha ng babae. Pero alam niyang may boyfriend si Myleen.

Hindi niya mapigilan ang pagguhit ng hapdi sa dibdib. She was really taken by him. Thoughtful, a real gentleman, hindi nagsasalita ng mga bagay na nakakasama ng loob o nakakairita man.

And it really hurt na gawin nito sa kanya ang ganoong kataksilan. At sa mismong panahong formally engaged sila at nagpaplanong kakausapin ang mama niya upang magpakasal.

Nasa ganoon siyang pag-iisip nang mapalingon sa tunog ng makina ng sasakyan mula sa pinanggalingan niya. Isang malaking motorbike ang parating. Mabilis ang takbo at tinutumbok siya. Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Sa kabiglaanan ay hindi niya magawang kumilos at tumayo. Alin na lang sa dalawa, mamamatay siya o buhay nga pero lasog-lasog naman ang mga buto niya.

She closed her eyes and stop breathing literally. Subalit huminto ang motorsiklo isang yarda mula sa kinauupuan niya. Umaalimbukay ang buhangin sanhi ng gulong nito.

Nagmulat siya ng mga mata at tumingala. Nag-alis ng helmet ang driver nito and again, she was looking up into a pair of mocking brown eyes.

"Oh, no!" ungol niya.

"Hi, sweetheart," nakangising bati ni Romano as his eyes surveyed her with insolent approval.

"Muntik mo na akong mapatay!" galit niyang singhal, sabay tayo. Nanlilisik ang mga matang sinulyapan ang itim at malaking Harley Davidson.

Romano grinned unrepentantly. "Magagawa ko ba naman sa iyo iyon..." Itinukod nito ang mga braso sa manibela ng motor.

She shook her head in frustration. "At tinakot mo lang ako, ganoon?"

"Natakot ba talaga kita?" he asked in mocked innocent. "I'm sorry, then..."

Sa isip ay nagbilang mula isa hanggang sampu si Bobbie. Gusto niyang ikalma ang sarili. She couldn't lose her composure at bibigyan lang niya ng kasiyahan ang impertinenteng lalaki. Why, he didn't sound a bit sorry.

Kristine 13 - Romano (UNEDITED) (COMPLETED)Where stories live. Discover now