Mariin lang siyang nakatingin sakin na tila binabasa ang buong pagkatao ko. Napaiwas naman ako ng tingin at agad na kumain na lang. Napapikit pa ko ng malasahan ang pakbet at langka.

Ang sarap.

Sabi na nga ba. Mapapakain ako ng madami nito.

"One time, Jazmine brought me that when I was in the Hospital." panimula niya. Mabilis naman ako napatingin sa kanya. "Masarap siya. No wonder, that's your favorite."

Napangiti ako. Hindi ko lang akalain na ang kagaya niyang tao ay kakain ng ganito. Ibang klase talaga siyang babae.

Masayang kumain na lang kaming dalawa. Paminsan-minsan magkakatinginan kami at sabay na ngingiti.

Sa totoo lang, para kaming tanga. HAHA

Nang matapos kami sa masarap na pagkain, napagpasyahan kong ako na lang ang magligpit ng pinagkainan namin ngayon. Tutal siya naman nagluto. Natuwa na lang ako ng pumayag siya.

Napailing na lang ako ng makitang naubos namin ang ulam at kanin. Talagang nagutom kami. At talagang masarap ang kain namin ngayon. Busog na busog nga ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pagliligpit ng maramdaman ko ang pagpulupot ng braso niya sa baywang ko. Napangiti ako.

Yiiee. Kinikilig ako.

"Stupid."

"Hmm?"

"I'm sorry." she whispered

Natigilan ako. "I'm sorry. Tama ka, it's all my fault. Hindi ako nag-ingat." her voice broke

Mabilis akong humarap sa kanya at maingat na hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Pakiramdam ko tinusok ng libo-libong karayom ang puso ko ng makitang umiiyak ang taong mahal ko.

"Our baby Jeremiah." she sobb

Pinunasan ko ang luha niya gamit ang thumb ko. Nasasaktan ako. Nasasaktan akong nakikita siyang nasasaktan. "Ssshh. Wala kang kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo." mahinahong tugon ko.

"But-.."

I just give a peck in her lips. "Don't blame yourself. Wala kang kasalanan. Aksidente ang lahat ng nangyari."

She shook her head. "Still, I'm sorry." She looked away.

"Hey, look at me. I'm not mad at you. Just be careful next time. Okay?" I kissed her forehead and I hugged her tight.

"Do you still loved me?" mahinang tanong niya

I pinched her cheeks. Ang ganda talaga kahit bagong iyak. "Baligtarin mo nga ang YEHEY." nakangiting tugon ko

Gusto kong matawa ng makitang nagsalubong na naman ang kilay niya. Hindi talaga mabubuo ang araw nito kung hindi siya makakapag sungit sa'kin. Hmp

"What the hell Jeremiah?" naiiritang tanong niya

Mahinang tumawa ako. "Sagutin mo na lang kasi."

"Tssk. Fine." inirapan niya ko bago saglit na nagisip. "Yehey parin" kunot noong sagot niya

Napangiti ako. Cute talaga. "Diba, walang pinagbago. Ikaw parin mahal ko." I winked at her

Kitang kita ko kung mabilis na mamula ang mukha niya. Mas lalong lumaki ang pagkakangiti ko.

Nakatanggap naman ako ng mahinang hampas sa braso ko at mahinang kurot. Ngumiti na lang ako sa kanya. Nako! Kinikilig lang ang isang 'to. HAHA

"Tapusin mo na 'yang ligpitin mo. Ang landi mo."

Craving You Where stories live. Discover now