Chapter 1

35K 602 165
                                    

Hi cutiieesss :*

---

JEREMIAH GARCIA

When I dream about you
That's when everything's all right
You're in my arms
Here next to me, forever

"When I dream about you. Boy you never go away..Just close my... WHAT THE?" gulat kong tanong sa talipandas na biglang humila ng earphone sa tainga ko. Sakit ampotek.

"Ang panget ng boses mo. Tama na. Hindi ko masabi kung nagbabasa ka lang ba o tumutula."

Napamaang ako. Aba't ang kapal ng pagmumukha nitong kaibigan kong ito. Anong pangit ang boses ko?

"Hoy Laurena! Para sabihin ko sayo maganda ang boses ko. Anong pangit ka dyan? Ee naturingang mas pangit ka pa nga kaysa sa boses ko. Inam ka!" irap ko sakanya

Hindi ba niya alam na ito ang aking tinatawag na asset? Tas sasabihin niyang pangit. Bwisit siya.

"Anong mas pangit ako? Hoy para sabihin ko sayo, ako ang pinaka maganda sa lahat ng maganda. Iyang boses mo? tunog utot ko lang 'yan! Hmp."

Tunog utot? Putapepe! Anong tunog utot! Napapikit ako ng mariin. Napatanong sa sarili. Bakit ba ko nagkaroon ng ganitong kaibigan.

Lord. Pakiusap. Nakikiusap po ako. Matinding pakiusapan. Lagi niyo pong ipapaalala sakin na matalik kong kaibigan ang talipandas na bruhang ito. Bigyan niyo po ako ng mas mahabang pasensya lord. Pero kung hindi naman po, bigyan niyo po ko ng lakas ng loob para ingudngod 'to. Lord nakikiu-...

"Hala siya! Nabaliw na. Hoy Jeremiah Graciana!"

Patience Jeremiah.. Patience. Hindi mo magagawang pumatay ng isang kaibigan. Relax Miah. Re-...

"HOY JEREMIAH GRACIANA!"

"HOY KA DIN! FYI Laurena, Jeremiah Garcia ang pangalan ko. GARCIA! G-A-R-C-I-A. Hindi Graciana. Kaloka ka."

"Wala kang paki. Gusto ko Graciana ee. Ba't ba." nakaismid na sagot niya.

Napailing na lang ako. Hindi ko na papatulan at baka humaba pa. Knowing Lauren. Hindi nagpapatalo kala mo naman katalo-talo. HAHA.

Nilibot ko ang paningin ko sa classroom. Nahiya naman ako ng marealize na kami lang pala nitong si Laurena ang nagpapaingay sa classroom. Ee ano naman? Minsan lang naman mag-ingay ee. Pagbigyan na.

Napatingin ako dito sa kasama kong busy sa pagsusulat. Himala ata at nagsusulat 'to. Sa loob na apat na taong pagsasama namin sa high school at mahigit isang taon at kalahati na pagsasama namin ngayong college hindi nagsusulat itong bruhildang 'to. Anong hangin ang pumasok sa kokote nito?

"Ano na naman 'yang ginagawa mo?" kunot noong tanong ko

"Nagsusulat" simpleng sagot niya

"Alam kong nagsusulat ka. Ang ibig kong sabihin ano 'yang sinusulat mo?"

"Argh! Can't you see Graciana? I'm busy!" iritableng sagot sakin

Napaismid ako.

Oh edi ikaw nang busy. Ako nang hindi. Hay nako buhay. May pag-English-english pang nalalaman. Kaloka.

Craving You Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt