Chapter 11

10.9K 440 27
                                    


JEREMIAH GARCIA



They say... the small things in life occupy the most significant room in your heart. I will treasure this moment.


Basa ko sa librong hawak ko. Pinahiram sakin 'to ni Abi kahapon nung time na naglilinis kami ng dorm. Nakita ko kasing ilalagay na niya siya sa basurahan, kaya agad ko na siyang pinigilan. Sulit naman kasi maganda 'yung flow ng story. Magaling 'yung author ah.


Hindi ko nga akalain na mahilig pala magbasa ng ganito si Abingot. Langyang babaeng 'yun. May pagka hopeless romantic pala ang bruha.


Nandito ako ngayon sa room. Tambay lang. Tapos na kasi unang subject ko at hinihintay na lang si prof. na dumating, ang kaso mo hindi kami sinipot, tapos pag nagpakita magugulat na lang kami quiz na pala ang sunod. Ewan ko ba dun sa taong 'yun.



"Ang boring." biglang sabi ni Lau


Napatingin naman ako sa kanya na nakahalumbaba sa desk niya. Habang si Jaz, busy sa kakalikot sa cellphone niya. Naglalaro ata ang babaita ng Mobile Legends. Wala siyang kasawaan diyan. Kahit lagi namang defeat.


"Hoy kayong dalawa! Mukhang hindi naman tayo sisiputin nung hilaw na prof. natin. Tara na lang sa canteen at kumain. Nagugutom ako." pag-aaya ni Lau


Napailing na lang ako at pinagpatuloy ang pagbabasa ko. Bahala siya diyan. Hindi naman ako ang nagugutom ee.


Nagulat na lang ako ng biglang agawin ni Lau ang librong binabasa ko. Napatingin ako sa librong hawak niya at sa isang kamay naman ay nandun ang cellphone ni Jaz. Agad akong napatingin kay Jazmine. Napangiwi pa ko ng makitang maiiyak na ang bruha.


"Bwisit ka talaga Lau! Akin na 'yang cellphone ko!" Jaz yelled


"Tara sa canteen."


"Oo na! Tara na kung tara! Basta akin na 'yang cellphone ko!"


Agad namang binigay ni Lau ang cellphone ni Jaz. Napailing na lang ako. Ang gugulo nila.


Akbay-akbay ko si Jaz habang naglalakad kami sa Hallway. Mahirap na baka mapatid pa ang isang 'to. Masyadong tutok na tutok sa cellphone niya. Natatawa na lang ako ng paminsan-minsan ay pinanggigilan niya ang cellphone niya. Bahala siya diyan. Ginusto niya 'yang laro na 'yan ee.


Hindi naman gaanong punuan sa loob ng canteen, sakto lang. Siguro dahil may mga klase pa 'yung ibang department. Agad naman kaming naghanap ng mauupuan ni Jaz habang si Lau dere-deretso lang para makabili na siya.

Napailing na lang ako sa loob loob ko. Gutom nga siguro ang bruha.


Tinuon ko na lang ang pansin ko sa librong binabasa ko. Hindi na naglalaro si Jaz, talo siguro, pangit ang hilatsa ng pagmumukha ee.


Nasa ganong posisyon ako ng bigla akong kalbitin ni Jaz. Nagtatakang napatingin naman ako sa kanya.


Ngumuso lang siya na lalong ikinapagtaka ko. Ha? Ano?


Napairap naman siya. "Tingnan mo kako 'yun. Slow Miah ah."


Inirapan ko na lang din siya, bago tiningnan 'yung kanina pa niya ningunguso.


Napanganga ako ng makita kung sino ba 'yung kanina pa niya tinutukoy.


Holy--Cow!



Craving You Where stories live. Discover now