CHAPTER 7❤ Rank 3

103 33 6
                                    

( Patty )

Naglalakad ako sa hallway ng may marinig akong mga nag uusap about sa department namin di kalayuan sa Arts building. I don't know pero napahinto ako. Pinuntahan ko kung saan nanggagaling ang mga boses. Nasa gilid lamang sila ng entrance nitong building. Tatlo silang babae na nakasuot ng uniform katulad ng kay Lina. Fine Arts din ang course nila.

"Tina! What's her name again? The transferee in Zairin's department."

"I think her name is Patty Salvador? But I'm not sure." sabi ng babae na Tina ang pangalan.

Nagulat ako ng marinig ang pangalan ko. Natutop ko ang bibig para hindi makagawa ng ingay. Nagtago ako sa matataas na halaman malapit lamang sa kinaruroonan nila at sumilip. Bakit nila ako pinag uusapan?

"What about her address? Her parents name? Their business? Anything about her, tell me."

"I can't convinced the admin na ibigay sa'kin ang personal information ng transferee na iyon. She said that no one is allowed to see the information of that girl." maarteng sagot naman nito.

"And why not? Wala akong natatandaan na may rules about that."

"I don't know. Wala na siyang sinabi."

"Arggg! That old maid. I hate her." nanggagala-iting turan ng babaeng may brown at straight na lampas balikat na buhok. Hindi ko makita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa gawi ko.

"I have this feeling there something about that girl, and i will find out whatever it is."

"So what's the next plan?" tanong naman ng babaeng may cute na headband habang may lollipop na sinisipsip."

"Let's just go for now. I will think another plan." sabi nito na naka-cross arms. Pumasok na sila sa Arts building after that.

Ano kayang kailangan nila sa akin? Bakit nila gustong makita at makuha ang personal information ko.

"Okay class I have a good news." panimula ni Sir Agustin our Math professor na ngiting ngiti. Natauhan ako sa aking iniisip ng marinig ang prof. namin. Itatanong ko na lang kay Lina baka kilala niya ang mga babae na iyon.

"I already have the result of your quizzes yesterday."

"Oh crap!"

"I'm doom man."

"I'm sure kulelat na naman ako d'yan."

"Hindi ko napaghandaan 'to, Tama kaya mga sagot ko do'n?"

Sabay sabay na reklamo nila. Ako kaya, anong result? Sana kahit nakalahati ko man lang 'yung tamang sagot okay na ako do'n. Piping dasal ko habang nakapikit at pinagdaop ang dalawang palad.

"Sir I have a question."

"Yes, Mr. Martinez?"

"Did Ms. Salvador pass the quizzes?"

"Tss!" 'yun lang ang reaction ni Renz.

Napamulat ako sa itinanong niya kay Sir Agustin at napalingon sa kanya. Bakit 'yung sa'kin ang itinanong niya kay Sir? Nakita ko naman na nakangiti ito sa'kin. Hindi ko tuloy mahulaan kung nang aasar ba siya o normal na sa kanya yan. Nasa akin na naman tuloy ang lahat ng atensiyon nila.

"Vince are you ready to give me that ferrari of yours?" ani Kuya James na nakangisi kay Jimenez

"Don't be so sure Rogers. Your Lamborghini is mine now." maangas na sabi naman ni Vince dito.

Ayan na naman yang mga pustahan nila. Ang sasarap nilang tirisin talaga. Mga kulugong 'to. Napasimangot na lang ako.

"What was that? Did I missed something?" naguguluhan na tanong ni Renz kay Niko na nginisian lamang siya.

Her Name Is Monique ( Zairin Boys Series #1 ) (Completed)On viuen les histories. Descobreix ara