Tiningnan ko si Von na nakamasid lang sa aking ginagawa. Tumikhim ako. "Ayos lang ba sa 'yo kung babalik tayo ng school?"

Hindi siya nagsalita, bagkus ay pinaandar na niya ang sasakyan pabalik. Nasa may Sangandaan lang naman kami, hindi nalalayo sa may General.

I put my hands around Von's arm when we entered the school. Nasa may tapat na kami ng mini chapel kaya naman tanaw ko na sila mula sa puwesto namin. Nasa ilalim sila ng talisay tree.

I looked at the gym when we passed there. Walang nagte-training ngayon dahil exams pa. Baka mamayang hapon ay mayroon.

"Lugi! May dalang bebe!" si Arianne nang makalapit na kami sa kaniya. Natawa lang nang mahina si Von na nasa gilid ko. Nakipag-apir naman siya sa mga kaibigan ko.

Nakasuot ng jersey shirt at varsity shorts si Aya. Nakataas ang kaniyang buhok kaya naman agad akong nagtaka.

"May training ka?" tanong ko.

She shook her head and crossed her arms. "Akala ko mayroon!" nag-iwas siya ng tingin matapos niyang sabihin 'yon.

Tinawanan lang namin siya. Umupo ako sa sementong upuan na nakapalibot sa may talisay tree. Mayroon din 'yong mesa na puwedeng kainan o tambayan.

Tinabihan ako ng tahimik na Von. Hindi siya nanghihimasok sa usapan naming magkakaibigan. It was just a simple act of respect, but it still formed my lips a smile.

I looked at Vannah, she seemed so stress. Nabaling ang tingin ko sa kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng mesa. Mukhang... mamahalin. Hindi ko na lang iyon pinansin.

"Ayos ka lang?" I mouthed when our eyes met. I knew things were running in her head.

Kung ang iba ay mapapaniwala niyang ayos lang siya, puwes, ibahin niya ako. Sa tagal kong pagkakilala kay Vannah, kilala ko na siya sa paraan na alam ko. Sa mga kulay niyang pinakikita't pinababasa sa 'min.

She raised her thumb and forced herself to smile. Kuminang naman ang singsing na nasa palasingsingan niya kahit sa simpleng paggalaw niya lang.

I shook my head in disbelief. Alright, I won't force her to open up. I know time will come and she'll tell me what happened.

Arianne and Aya went inside the school canteen. Binulungan ko si Von at sinabing kauusapin ko lang ang kaibigan ko.

I went beside Vannah. She was just playing with her fingers, avoiding my gaze. I held her chin up kaya naman nagtama ang mga mata namin.

Nagpakawala siya nang malalim at mahabang buntong-hininga. "I-I'm fine." She held my hands and gently squeezed them. "You don't have to worry, okay? Kaya ko ang sarili ko." Her smile assured me that she can deal with her problems... alone.

Tanging tango na lang ang naisagot ko. Pagkabalik nina Aya at Arianne ay may dala na silang bacon-charon at saka nuggets.

I thanked them. We all ate first. Ang kadaldalan ng bunganga ni Arianne at Aya ay hindi natikom kahit na kumakain pa sila kaya naman natagalan sila sa pag-ubos ng mga pagkain nila!

"Nakabili na ako ng regalo kay Harvey," Arianne exclaimed. Bakas ang tuwa sa kaniyang mukha.

"Regalo kay Harvey?" Von's brows furrowed as he slowly chewed the food inside his mouth.

Through the Light and Dark (Saudade Series #1)Where stories live. Discover now