"Tumatakas na ako ngayon, Mr. Alex."

Suicide.

Pangatlong deduksyon, Psychopath.

"Hindi mo man lang ako sinubukang labanan," ani ko, kung alam ko lang ay pantay lang kami ng katalinuhan. Baka pa nga mas matalino pa siya kaysa saakin.

Malalim at madilim na napatawa si Mr. Goliath sa sinabi ko.

"Una sa lahat, wala nang punto. Paniguradong parating na ang mga kasamahan mo para hulihin ako."

Napaubo si Mr. Goliath at tumikhim.

"Pangalawa, may singkwenta na ang edad ko," bahagya niya akong pinagmasdan, "Anong laban ko sa mas bata at isang NBI agent?"

Umigting ang panga ko at lumikha iyon ng tunog na parang ngumunguya ako ng ngipin.

Sa ginawa ko ay napatawa si Mr. Goliath.

"Habang may malay pa ako ay tanungin mo na ang mga bagay na gusto mong tanungin," nagsisimula nang mamungay ang kaniyang mga mata, "Yoong matino."

Pumasok sa isip ko na ano pang punto, baka hindi niya rin ako sagutin ng totoo.

Pero mahalaga na may statement siya.

"POI ka sa kaso ng The Bomber, pero ikaw ang Sketch Pad serial killer. Tama ba ang deduksyon ko?"

Tumango lang siya bilang sagot.

"Isang house husband ang Sketch Pad serial killer," sabi ko habang nilalaro ang mga labi ko, "At isang Museum Director ang The Bomber."

"Nakakatawa lang na baliktad ang pagkakadiskubre ng kasamahan mo," iling iling na sabi ni Mr. Goliath habang nakapikit, "Tama ang mga kinuha niyang piraso pero mali siya ng lagay."

Humugot ako ng isang malalim na hininga.

"Wala ba kayong kinalaman sa pagkamatay niya?"

Bumaba ang labi ni Mr. Goliath na tila wala siyang natatandaan sabay iling.

"Isa na kami sa pinaghihinalaan, kung papatayin ko pa siya ay mas lalong didiin."

Napadaing si Mr. Goliath na parang nakaramdam siya ng sakit sa loob ng kaniyang katawan, pero hindi rin kalauna'y napangiti siya.

"Pagsasabihan ko nga siya pag nagkita kami, hindi lahat ng gumagawa ng art ay kailangan nasa museo."

Noong una ay hindi ko nakuha pero nang mapagtanto ko na uminom siya ng lason ay parehas na sila ni Cash ng kalalagyan.

"Bakit naman kayo magkikita ni Cash?" tanong ko sakaniya habang nakakunot ang noo, kahit pa parehas sila na sa kabaong ang punta ay sigurado akong hindi sila parehas ng daan sa susunod na buhay.

"Hindi siya katulad mo."

Napatawa si Mr. Goliath sa sinabi ko pero nasundan na iyon ng lumalala niyang ubo, umigting ang panga ko at napaatras ng kaunti nang naglabas na siya ng puting likido sa bibig.

"Paano ka.... nakakasiguro?" makahulugan niyang sabi, halatang hirap na hirap.

"Anong ibig mong sabihin?"

Itinuro niya ang pader kung nasaan ang litrato ng anak niya.

"Noo..ng nakaraang....pumunta siya dito," umubo siya at napayukod, Hawak hawak ang sarili niyang leeg.

Napatayo na ako sa aking kinauupuan nang marinig ang mga sasakyan na pinadala ni Adam, naglakad ako patungo kay Mr. Goliath at kinuwelyuhan siya.

"Ano?" sabi ko na tila naghihintay ng susunod niyang sasabihin.

Jenny the Stripper ✔(Zodiac  Predators Series #2) [UNDER REVISION]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt