Reminders (Paalala):
Ang ilan sa kabanata po ng storyang ito ay kasalukuyan sumasa-ilalim sa edition pasensya na po pero maaari niyo rin pong ipagpagpatuloy ang pagbabasa.Kaunti lamang po ang portion na aking inedit upang mas malinaw ang pakikipagsaparan niyo sa kwento. Saka kaway2x naman po sa mga fan ng historical fiction dyan tulad ko, (Hello po.) Since I am also a super fan of Bb. Mia stories so nagdecide po ako na gumawa ng story na marahil naging inspiration ko while reading historical fictions stories.
Lahat po ng pictures na ginamit ay credited sa google , so thanks google at malaya akong nakapagresearch ng appropriate photos/videos. (Hindi ko na po kasi kayang isa-isahin pa at hindi ko po ina-angkin iyon..) Pictures/videos are all retrieve fr. the internet.
"This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual event is purely concidental."
"Plagiarism is a Crime"
>>>>>>>>>>***<<<<<<<<<<<
Ipinuwesto na ng isang lalaki ang kanyang baril at itoy nakatutok sa likod ni Nicholas. Bagamat malayo ito ngunit tanaw ko parin habang dali-dali akong tumatakbo patungo kay nicholas.
"Nicholaaaaaaas..."
"Hiiiiindi....hindi maaari.."
Yan ang sigaw ko. Isang napakalakas na putok ng isang baril ang nagpaluhod kay Nicholas.Bumagsak si Nicholas sa lupa at agad akong nagtungo sa kanya, at di ko na talaga kayang pigilin pa ang aking mata pumapatak na ang bawat luha sa aking mga mata. Pilit na kong pinipigilan ang pagdurugo sa kanyang dibdib, sumusuka narin si Nicholas habang habol-habol ang hininga, sumusuka narin siya ng dugo. Bagamat pinipilit niyang mag salita.
"Wag ka na munang magsasalita, pakiusap", humahagolgol na ako. Puno ng dugo ang aking mga kamay.
"Alam ko, na alam mong mahal kita, batid ko mang iilang beses ko lang nasabi iyon sa iyo." Tugon niya at sinasabi niya ang mga katagang iyon ng marahan at sinisikap niyang masabi ang lahat ng kanyang hangarin. Sumuka ulit siya ng dugo.
"Mamatay man ako, sana'y sapat na iyon para sa kabayaran na natamo ng pamilya mo." dagdag pa niya.
Pilit niyang inaabot ang aking mukha ng kanyang kanang kamay, kusa ko iyong inilapit upang hindi na siya mahirapan.
"Mahal na mahal na mahal Kita, My Angel" sabay ng bawat bigkas ng mga katagang ngayon ko lang narinig ang siyang huling hininga ni Nicholas.
Kasalukuyan kong tinatahak ang napahabang kalsada, puro galos ang katawan ko at pawang naliligo sa sariling dugo. Paika-ika kung lumakad, habol-habol bawat hininga, luha'y kusang umaagos at pusong tila nadudurog.
Hinahabol parin ako ng mga tulisan na sugo ng Pamilya Flores. Pinapaputukan nila ako ng kanilang dalang mga baril, tila nahihirapan din sila sa paghabol sa akin dahil sa masukal ang daan sa gubat patungo sa lagusan.
Hinang-hina na ang aking katawan, pilit na kumakapit sa bawat sangang aking maraanan. Kita ko na ang bundok ng lagusan. Dumidilim na ang aking paningin.
Naalala ko ang huling habilin niya.
"Huwag kang titigil kahit ano man ang mangyari, kailangan, alalahanin mo ang bawat pangako mo sa akin, pangako kong hahanapin kita hangang ikaw ay aking makita, Sam."
"Nawa'y magkita tayo." dugtong niya.
Sa huling sandali nabuhayan ako.
"Hinding-hindi kita bibiguin, Nich."
--------------***------------
#MeetMe(year2020)
Tuklasin ang totoong nagngangalang "Samantha Bella Villaruel"
YOU ARE READING
Meet Me (Year 2020)
General FictionHello Readers. I am very glad, and thankful po, that you are finally reading my very first story. I hope you'd like it. This is a story about living your Past to meet your Future. SAMANTHA BELLA VILLARUEL a.k.a ( E R O N N G K A L E B ) I am just an...
