Nagtawanan silang lahat dahil sa sinapit ni Green sa kamay ni Purple.

Lumapit naman si Black kay Grey at hinawakan nito ang balikat ng binata. Nanlaki naman ang mga mata niya nang mahawakan na basa ito. Bumalik siya sa sofa at kumuha ng extra t-shirt sa bag niya. Pagbalik niya, inabot niya ito kay Grey.

“Magbihis ka. Basa ka,” anang Black.

Kinapa ni Grey ang sarili. “Pero paano?” Tinanggap niya ang inabot na damit ni Black. “Thank you. Isauli ko lang ito sa susunod nating pagkikita.”

Tumayo si Grey at tumalikod kina Katleya. Kaharap niya ang binatang gumugulo sa kanyang katauhan. Dahan-dahan na naghubad si Grey. Bumungad sa mga mata ni Black ang maganda nitong katawan. Inagaw ba naman bigla ni Black ang damit na hawak ni Grey at siya na ang nagbihis dito.

“You are my bebe girl and I have a big responsibility to care of you,” giit ni Black.

“Kinilig ako sa laro mo,” walang ganang sagot ni Grey sabay upo. Hindi naman nakapagsalita si Black at nanatili lang na nakatayo.

Dahil hindi mapalagay si Blue sa nararamdaman niya, lumapit siya kay Katleya at niyakap ito patalikod kung saan ito nagluluto. Kinilig naman si Purple nang makita ito. Sinenyasan pa niya si Black na kunan ng litrato ang dalawa. Pero parang tulala ang kapatid niya at hindi siya napapansin kaya siya na ang kumuha ng picture ng dalawa.

“Ano’ng problema mo?” bulong ni Blue kay Katleya habang niyayakap ito.

“Wala,” mabilisang sagot ni Katleya.

“You’re lying. Your mouth can lie, but your eyes cannot. Tell me.”

Hinawakan ni Katleya ang mga kamay nito at hinaplos. “Nababasa mo ang nararamdaman ko. Tama ba?”

“Exactly,” sagot ni Blue.

“Alam mo rin ba na nadudurog ako dahil sa iyo?” Hinigpitan ni Blue ang pagyakap. Para kay Katleya ang paghigpit ng yakap ni Blue, ang sagot sa katanungan niya. Nagpipigil naman si Katleya sa luhang namumuo sa mga mata niya. “Pero bakit...?” mahina niyang tanong.

“Parang kapatid lang kita,” saad ng binata na lalong dumurog sa puso niya.

Hinarap ito ni Katleya. Nginitian niya ang kaibigan. Sobrang sakit para sa kanya na marinig iyon muli. Pero napagtanto niya na wala siyang karapatan na magalit kung ganoon lang ang naramdaman nito para sa kanya.

“Hindi mo rin naman ako mahal,” saad ni Blue.

Natahimik si Katleya nang masabi iyon ni Blue.

“You loved me with the idea of how I looked like. Nakikita mo lang si Pula sa akin.”

Napayuko si Katleya at hindi na sumagot. Pinatay na niya ang niluluto. Habang nakatalikod ang dalaga, muli itong niyakap ni Blue. Ipinatong ng binata ang baba niya sa balikat nito.

“I love you, best friend.”

Tumango ang dalaga. Hinarap niya ang mga kaibigan at kapatid.

“Kakain na tayo.” Tiningnan niya si Blue na nasa kanyang gilid. “Kumuha ka na ng mga plato.”

“Sige.”

Minuto ang lumipas, natapos na silang kumain. Pagkatapos, dumiretso sila sa sala at umupo sa sahig. Nag-inuman ang apat na mga lalaki habang sina Katleya at Purple ay masaya lang na tinitingnan sila. Sapat na sa kanila ang softdrinks na nasa mga baso nila.

“Ate, Kat, subukan niyong uminom kahit isang beses lang,” anang Black na namumula agad ang mukha. Katabi niya si Blue.

“Kaya nga. Sige na, Kat. Please,” hiling ni Blue.

FATED TO F*CK YOU✔Where stories live. Discover now