Philip "…………."

Lucky "……………"

Pagkatapos niyang magsalita ay hindi niya pinansin ang pagtahimik ng dalawa, inagaw niya ang cellphone kay Philip at nagsimulang maglaro uli.

The two remained dumb for quite sometime. They we're like struck by thunderbolt. They didn't ask him his opinion about that woman nor describe her beauty. For God's sake, ang pangalan ng dalaga ang tinatanong nila..

Si Philip ang agad na nakarecover at kinatok ang mesa ng upuan niya. "Nigel Herrera, what's your IQ?"

"180" kaswal na sagot niya

(A/N:: The highest IQ was 228, according to Guinness Book of Records, this score belongs to the ‘smartest' person in the world.
•High IQ: Any score over 140
•Genius IQ Score: 160 and up
•Unmeasurable Genius: Scores that are 200 and over)

Philip "And what's my question?"

"Her name"

Lucky "your answer?"

"Goddess"

Napatapik sa noo ang dalawa. Hindi malaman kung tatawa o maiinis sa sagot nito. Kung hindi lang nila kilala ang kaibigan ay maniniwala silang goddess ang pangalan ng dalaga, but he's Nigel. And if his name is Nigel, it means 'I don't know her name'

Philip "malala ka na Nigel. Magpachek-up ka na habang maaga pa. Ayaw naming mawalan ng kaibigan na adik sa stick-o"

He glance at the two dork "Her name is Lexie" kapagkuwan ay saad niya at di pinansin ang huling sinabi nito

"Shit! Are you trying to play mind games with us? Geez!" Reklamo ni Lucky

"I'm not. Now shut up, I'm going to lose again" he hissed. Ang pinakanakakainis para sa kanya ay kung naglalaro siya at may umaabala sa kanya.

"This man really, I'm going to get insane" bulong ni Philip. Mukhang nakalimutan ng dalawa na sinagot niya ang tanong nila sa pangalan ng dalaga.

Nagkibit balikat lamang siya. Hindi na niya kasalanan kung mababaliw ito.

LEXIE'S FACE REMAIN STOIC when her friend whine about how she answers the questions. Nahuhulaan na niyang hindi ito nag-aral kagabi kahit pa alam na may quiz sila. Hindi naman ito makakapagkopya sa kanya dahil sa one meter apart distance pag may quiz o exams.

Hindi siya genius pero may kataasan ang IQ niya at nagagawa pa naman niyang maipasa ang mga grado. Ang kaibigan naman niyang to ay hindi naman tanga, sadya lang talaga na tamad mag-aral at di pinapahalagahan ang pag-aaral.

"Don't whine, Kung hindi ba naman kase ang inuna mo ay ang pagsilay at pagstalk sa mukha ng retarded na crush mo, di sanay nakasagot ka ng maayos" paninisi niya dito

Mabilis na pinagtanggol nito ang sarili "uy!! Hindi ah, hindi talaga ako nakapag review kase di ko namalayang nakatulog ako"

Umarko ang kilay niya "sure! Don't take me as a fool, sa laki ng eyebags mo walang maniniwala sa dumb reason mo"

Sumimangot ang dalaga bago umirap sa kanya. "Kung di lang talaga kita kaibigan… hmp"

"Pero kaibigan mo ako" sansala niya

"Ah, whatever. Alis na at malelate ka sa part time mo" pagtataboy ni Janine kay Lexie na mukhang hindi na matagalan ang panunumpla nito sa kaibigan.

"Right!! See you later" mabilis na tumalikod siya at nagmamadaling pumunta sa Sweet JJ's Cafe.

Pagpasok niya ay agad niyang namataan sa counter ang pamilyar na pigura ng taong kilala niya. Kasama nito ang dalawang kaibigan nito na mukhang kinukulit ang kasamahan niyang nagpa-part time doon, si Claudine.

Hindi siya napansin ng tatlo dahil tahimik na pumasok siya sa isang pinto at nagsuot ng uniform bago lumabas ng counter.

Napatutok agad ang mata ng dalawang binata sa kanya at sabay pa na ngumiti. Maliban kay Nigel na hindi siya napansin dahil nakikipagflirt pa ito sa babaeng akala mo ay kinikiliti sa singit dahil sa pagpapacute nito. Lihim niyang pinaikot mata bago ngitian ang dalawa na kumaway sa kanya. Lumapit siya sa kanila.

Siniko ng isa si Nigel na bumaling ang mata sa kanya. His mouth perk up into a seductive smile. "Hey!"

Tumango siya bilang pagbati. "Anong order niyo?" Tanong na niya dahil sa tingin niya ay baka after a hundred of a thousand years bago tanungin ni Claudine ang order ng tatlo.

"Pwede bang ikaw na lang— ack!!!" Napangiwi si Philip at matalim na tinignan si Lucky na patay malisyang itinuro ang yogurt sa refrigerator sa may likod nila

"She's not for sale, Philip. Don't try to hit on her in front of tita Olivia. Mababand tayo dito ng isang taon. Sayang ang free cake." saway ni Nigel sa kaibigan and sweep his eyes on her.

Hindi nakaligtas sa mata ni Lexie ng pinadaanan nito ang nameplate niya. Minura niya ang lalaki sa kaibuturan niya.

"Katulad ng order ko last time" kaswal na bigkas ni Nigel na hinila ang dalawa. Tumaas ng bahagya ang kilay niya, parang hindi ito ang lalaking nakausap niya kagabi sa paraan ng pagkilos nito.

Philip "Teka lang, Lexie ang pangalan mo diba. Well you must feel gratified if I—"

Hinila na ito ni Nigel at nilinga siya nito at binigyan ng apologetic na ngiti bago naghanap ng mesa nila,. Saka lang napuna ni Lexie ang talim ng mata at hostility ng katrabaho sa kanya ng nakaupo ang tatlo sa may sulok ng cafe. Nilinga niya ito, she smile smugly bago inihanda ang order ng tatlo.

"Kung kumikilos ka na diyan, di sana ay ikaw ang maghahatid ng order nila. Hindi yung parang sinasaksak mo ako sa talim ng pagkakatingin mo sa akin" sarkastikong turan niya. "Kahit hindi serve your self ang ginagawa nila dito, maniniwala pa rin ako na kung hihingin nilang 'pagsilbihan' mo sila. willing ka" pinagdiinan niya ang isa sa salita sa sinabi niya.

Lalong nanlisik ang mata nito na parang kakatayin na siya. Bago pa siya nito sabunutan ay bumalik doon si Lucky at kinuha ang order nilang tatlo bago bumalik sa pwesto nila, hindi siguro nito makahintay na dadalhin nila sa mesa nila ang order nito.

Siya naman ay inabala ang sarili sa trabaho ngunit pasulyapsulyap pa rin siya sa grupo nina Nigel na agad siyang nahuhuli nito. At pag nangyayari yun ay kinikindatan siya. She's a woman with thick skinned so she doesn't feel embarrassed at all. Nginingitian pa niya ito in a very seductive way para lalong asarin ang katrabaho. Ginagaya niya ang ginagawa nitong pakikipagflirt sa babaeng ngayon ay sinasadyang inaapakan ang paa o masiko siya sa likod. Lalo tuloy niyang inaasar ang dalaga, and she will feel satisfied kung bigla na lang itong matutumba dahil sa galit sa kanya.

"Bitch! I know your kind, kunwari hindi interesado pero sa totoo lang ginagawa mo yan para magpapansin" matalim na bigkas ni Claudine

"When did I say I'm not interested with them. Practical lang akong tao. Hindi ko sinusugal ang puso ko sa mga lalaking hindi marunong magseryoso" kaswal na wika niya, na sa totoo lang ay kumukulo na ang dugo niya at gusto niyang ahitin lahat ang fake na kilay nito.

"Really?" She laugh sarcastically "ngunit sa tingin ko ganun ka—"

"Ituloy mo yan at tatapalan ko ng napkin yang bibig mo." Banta niya, Maya ay nagkibit balikat siya "and… hindi ko kasalanan kung nabaling agad ang mata niya sa akin. Mukha ka kasing bayaran diyan sa make-up mo" this is already fine for her to get revenge in stepping at her shoes.

Pumasok na siya sa kitchen at iniwan itong namumula ang mukha dahil sa galit.

………………

friendship series-2nd generation Under The Sheets (ON HOLD)Where stories live. Discover now