Page 1

161 9 0
                                    

TRAVEL


Kahit gaano man kalayo ang nilakbay ko alam kong sa puso mo pa rin ang huling destinasyon ko. Ang pag-ibig ang hangin, ako ang eroplanong papel at ikaw ang aking destinasyon.

———

Gumawa ako ng isang tula patungkol sa paglalakbay. Pangarap kong maging piloto at makabili ng sarili kong eroplano. Easy na lang kapag gusto ko bumili ng noodles sa Korea.

Nakasulat din dito ang paborito kong lugar at araw kung kailan ko gusto makita ang taong makapupulot nito—pati numero ko, syempre. Pinaghirapan ko ang tulang ito. Sana magustuhan niya.

At saka hindi lang iyon basta tula. Sakto ang sukat at tugma. Maganda ang paksa at malalim ang mga salita.

Tinupi-tupi ko ito hanggang sa naging eroplanong papel ito. Malawak na ngumiti ako at mabilis na hinalikan ito.

"Good luck!"

Mabilis na umakyat ako sa bubong namin. Sinalubong ako ng malamig at sariwang hangin. Pumikit ako at pinalipad ang hawak kong eroplanong papel. Malakas ang hangin kaya tinangay ito sa pinakamalayo. Nakangiting pinagmasdan ko iyon hanggang sa maglaho na iyon sa aking paningin.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang muntik na akong mahulog dahil may eroplanong papel ang bumagsak sa ulo ko. Nagsalubong ang mga kilay sa galit nang marinig ko ang mga halakhak ng mga mabango tropapits kuno.

Kapal talaga ng mga mababahong hiningang jejemon na ito.

"Hoy, Liel Liit! Tumangkad ka ah!" Panunuya nito at humagalpak sa tawa.

"Tanga! Bahay niyo tumangkad, hindi ikaw!"

"Mag gloxi ka na!"

Napa-irap na lang ako sa mga pinagsasabi nila. "Matangkad nga kayo, mababaho naman hininga niyo! Maiitim pa dilagid niyo!" Pagkasabi ko no'n ay kita ko ang mga alik-ik ng mga nanonood.

Napa-atras ako nang makita ko siyang dumampot ng bato pati mga kasama niya.

"Waaa! Mama, oh!" Sigaw ko na parang bata.

Ngunit bago pa man nila ito maibato sa akin ay natumba na sa lupa ang kanilang ninuno kuno. Takot na nagtakbuhan ang mga kasama niya papalayo.

"Ano? Mamato ka na naman, baho-hininga boy?" Nakangising tanong ni Jaze at pinatunog ang mga kamao niya.

Kahit kailan talaga pakilamero!

Kasama ni Jaze ang tropa niya. Hindi lang sila mga basta tropa tulad ng mga baho-hininga tropapits. Mga makikisig, gwapo at matatalino ang mga ito ang kaso maangas. Mga hambog!

Takot ang mga bata o kahit sino man dito pero ako? Mga ipis lang sa akin 'yan eh. Mga gwapong ipis, hehe.

"A-Alis n-na p-po, K-kuya Jaze," utal na sambit ni baho-hininga at kumaripas ng takbo.

Habang tumatakbo ito ay binato ito ng tsinelas ng isa sa mga tropa ni Jaze. Napa agik-gik na lang ako.

"Tama na 'yan!" Sigaw ko sa kanila.

Magulo rito sa lugar namin at sobrang ingay pero masaya naman. Nakasanayan ko na rin naman dito. Habang nakatulala ako ay humangin ng malakas at muntik ng tangayin ang eroplanong papel na nahulog sa ulo ko kanina. Mabilis na hinuli ko iyon at binuklat.

Let's travel togather.

Tanging nakalagay dito na ikinakunot ng noo ko. Bobo naman nagsulat nito mali spelling ng together. Natawa ako at inilagay sa bulsa ko.

roses in her gardenWhere stories live. Discover now