Page 9

44 4 0
                                    

ANONG GINAGAWA MO?

It all happened when I was in grade 5.

Nakangalumbaba ako habang nakatitig kay ma'am na nagsasalita sa harap. Bumuga ako ng hangin. Boring naman. Gusto ko na kumain.

Sino ba kasi pumatay kay Magellan?

"Ang temperatura ay tumutukoy sa nararanasang tindi ng init o lamig sa isang lugar. Kapag-"

"Kensly!" pabulong na sigaw ng katabi kong si Alexis.

Nang lingunin ko siya ay nangunot ang nuo ko dahil pinagpapawisan siya. Aligaga ang itsura niya habang sapo-sapo ang pang-upo niya.

"Bakit? Para kang tanga," bulong ko.

"Natatae ako. Samahan mo ko. Sige na!" pabulong na tugon niya.

Nakangiwing natawa ako. "Sige, sige tapos punta tayo canteen-"

"Kensly and Alexis, pwede niyo bang ikwento ang pinag-uusapan niyo?"

Napatigil kaming dalawa at tinignan ang isa't isa. Lahat ng mata ng aming mga kaklase ay nakatuon sa amin.

Nagulat si Alexis sa biglaang pagtayo ko. "Teacher, natatae-shit!" naputol ang pagsasalita ko nang kurutin ni Alexis ang pwet ko. "Sheet of paper, Teacher. Nanghihingi po si Alexis ng sheet of paper, Teacher."

Napuno ng nakakabinging katahimikan ang room. Hanggang sa unti-unti itong napuno ng tawanan.

"Teacher, May I go out? Thank you!" Putol ni Alexis.

Mabilis na hinila niya ako palabas ng room at tamad na nagpahila naman ako.

"Kainis ka. Pinahiya mo ako. Makakarma ka, Kensly!" aniya habang hila-hila ako.

Tamad na tinignan ko siya. "Lah, honesty is the best policy sabi ni teacher, 'di ba?"

Nang malapit na kami sa c.r ay inunahan niya ako. Narinig ko padabog na pagsara ng pinto ng cubicle. Halatang nakasilip na ang shooting star niya.

Lumipas ang sampung minuto ay hindi pa rin siya lumalabas ng banyo. Laki namang tubol 'yan.

"Hoy, ang tagal mo! Magrerecess na!" sigaw ko at kumatok-katok sa pinto ng pinasukan niyang cubicle.

Ngumisi ako at umalik-ik. "Sige ka. 'Pag 'di ka sumagot, bubuksan ko 'to!" sigaw ko at pinagdadabog ang pinto. "Hoy! Sisilip na lang ako-" napatigil ako ng makita ko ang sahig. "Ay, iw. Ayaw ko."

Humalakhak ako. "Pag bilang ko ng lima tapos hindi ka pa sumagot, sisipain ko 'tong pinto!" ani ko habang kumakatok.

Para tanga eh, 'no?

"Isa... Dalawa-" napatigil ako nang makarinig ako ng isang pagsabog-utot na lang.

"Yaks, tatlo!"

"Apat!"

"Lima!"

Pagkasipa ko ng pinto ay gulat na natawa ako. "Woah! Galing-"

"Kensly, anong ginagawa mo?" napatigil ako at malalaki ang mata ko nanglingunin ko sa gilid si Alexis.

Natutop ako sa kinatatayuan ko. "Anong ginawa mo jan? A-Akala ko..."

"Uhm, nandito ako sa isang cubicle. Nakatulog ako eh, hehe."

"Lah, gago. Sino yung nandito?!"

Naiiling na umatras si Alexis.

Pagbukas ko ng pinto na sinipa ko ay nanginig ang buong katawan ko nang makita ko ang principal namin na naka-upo sa inidoro, may hawak na dyaryo, may earphones sa tainga at matalim ang tingin.

"M-Mama-"

"Ms. Kensly Eleri, to the office now."

roses in her gardenWhere stories live. Discover now