Chapter Three

1K 35 15
                                    

Chapter Three

Shan's POV

Kinabukasan sabay ulit kaming pumasok ni Tristan at halatang naiinis siya dahil sa pagtawag ko sa kaniya ng Tan-Tan. Cute naman, 'di ba? Hihi!

"Huwag nga kasing Tan-Tan! Tristan! Tristan ang itawag mo sa 'kin!"

"Eh ang cute-cute kaya ng Tan-Tan," then I chuckled.

"Gwapo ako, hindi cute."

"Ah basta, ikaw na si Tan-Tan ko!"

"Ang kulit naman talaga!" sabi n'ya pero tinawanan ko lang siya.

Dahil sa RH 409 ang klase ko ngayon which is nasa 4th floor, pagod na pagod kaming nakarating do'n.

"Grabe! Nakakapagod 'tong ginagawa ko. Inihatid kita rito sa 4th floor 'tapos bababa rin naman ako agad. Kapagod, ah!" sabi sa 'kin ni Tristan.

"Eh sino ba naman kasing may sabi na ihatid mo pa ako? Kaya ko naman nang umakyat, 'no!"

"Hindi, ayos lang. Mas okay na 'yung sure ako na safe ka, baka mamaya madapa ka pa sa pag-akyat ng hagdan."

Pagkasabi n'ya no'n, biglang pumasok sa isip ko si Daine. Ewan ko kung bakit pero naalala ko 'yung pang-aasar n'ya sa 'kin ng clumsy at napangiti ako.

"Ba't naka-ngiti ka riyan? Mukha kang tanga. Alisin mo nga 'yang ngiti na 'yan! Nakakainis, eh."

"Arte mo, ah? Ang sabihin mo, nai-in love ka lang sa 'kin!"

Tumawa naman siya na parang nang-aasar. "Ako? As in ako na si Tristan Fernandez na hot na gwapo at gwapo na hot ay mai-in love sa 'yo? Imposible!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin at itinulak paalis. "Umalis ka na nga!"

"Oo na! Oo na!"

Pagkaalis ni Tristan, pumasok na rin ako sa classroom namin. Nando'n na rin 'yung tatlo kong kaibigan.

"Ang sweet naman ni Tristan! Talagang inihahatid ka pa n'ya rito," kinikilig na sabi ni Keana.

"Sweet? Yuck!" sabi naman ni Daena.

"Sweet si Tristan? Matikman nga," sabi naman ni Yumi.

Napailing na lang ako sa sinabi nilang tatlo. Mga babaeng 'to talaga.


"UNA NA KAMI sa 'yo, ah? Sunod ka na lang do'n!" paalam ng tatlo sa 'kin.

Naglakad na ako papunta sa Pacesetter Room, pinapatawag kasi kami ni Ate Ailene. Habang naglalakad naman ako, may humarang na tatlong babae sa harapan ko.

"Excuse me," sabi ko pero pilit nila akong hinaharangan.

"Sa tingin mo, saan ka pupunta?" sabi ng babaeng nasa gitna na parang clown sa kapal ng make-up, tawagin natin siyang clown girl.

"Sa Pacesetter Room."

"Not so fast girly," sabi ng babaeng nasa kaliwa ni clown girl. Ngumunguya siya ng chewing gum kaya tawagin natin siyang gum girl.

"May mga malalandi rin palang education students. Ang pagkakaalam ko sa isang education student ay karespe-respeto," sabi naman ng babaeng nasa kanan ni clown girl na sumobra sa blush on. Siya na si blush on girl.

"Ah-eh... Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasasabi n'yo. Kung pwede padaanin n'yo na ako? Hinahanap na kasi ako sa PR," sabi ko at sinubukan ulit na dumaan.

"Sorry, pero hindi ka namin padadaanin. Ang kapal ng mukha mong landiin si Tristan 'tapos ngayon pati si Daine?" sabi ni gum girl.

Nagulat naman ako sa sinabi n'ya. Nang mag-loading na sa isip ko 'yung sinabi n'ya, bigla akong natawa.

A Very Special EndingWhere stories live. Discover now