"Are you sure that the two of you just met each other earlier?"

"Yeah, isn't it too impossible na ganyan na agad kayong ka-close if kaninang umaga mo lang na-meet 'yang kaibigan namin, Erick?"

So i think ay nasagot ko na ang sarili kong tanong, andito sila para mag-imbestiga. Too many chismosa in the world but my friends are my favorite, kahit kakaunting impormasyon walang palya! Kumpleto, pwede nang maging isang ganap na spy! Bawasan nga lang yung kadaldalan.

"I don't know too," napakamot pa sa kanyang batok si Lloyd habang sinasagot ang tanong ng mga kaibigan kong echosera

"Let's go chismosas, mamaya na lang kayo mag-imbestiga dahil male-late tayo sa sunod na klase," palusot ko lamang naman talaga iyon though totoo naman na maaari kaming mahuli sa susunod na klase. It Feels awkward knowing na hindi makatakas si Lloyd sa tanong ng mga kaibigan ko.

Magsasalita pa sana ang dalawa nang hilahin ko ang mga ito ng pasimple at nginitian. Niyakag ko na din si Lloyd na walang kaalam-alam sa mga kaibigan ko. Alam kong gustong-gusto nang itanong ni Lloyd kung bakit ko ba hinila na lang bigla ang mga ito pero hindi na ako nag-abala pang sabihin sa kanya na maaari siyang magtanong dahil ayaw kong humaba pa ang usapan.

Marami pa namang mga susunod na araw at maaaring marami pa kaming malaman sa isa't-isa. Sa ngayon, mahalaga na ang may nakakausap siya sa unang araw niya sa paaralan at sapat na iyon. I opened the door nang makarating na kami sa classroom cause it's always close. Nadatnan ko ang mga kaklase kong natutulog habang ang iba naman ay busy sa pagtitipa sa kani-kanilang mga cellphone.

"Is there something?" out of nowhere ay nagtanong si Lloyd gamit ang normal niyang boses pero sapat na para marinig sa buong classroom.

Maraming mga babae ang tumingin at nagpa-cute pa bago sumagot. "Vacant daw, no classes cause of something urgent daw ahihihi"

"Feel free Erick"

Halos tumirik ang balahibo ko dahil sa pagiging pabebe ng mga kaklase ko! Yucks nakakadiri kayo guys.


*One week later*

Nakakainis dahil mas napaaga ang schedule namin ngayon kaya naman eto ako ngayon, napipilitang tumayo mula sa aking higaan kahit na ang aga-aga pa naman. Nag-toothbrush lamang ako at kahit na tinatamad ay naligo. Kagabi ko pang inayos ang mga gamit ko kaya naman alam kong handa na iyon, kinuha ko ang aking uniform na kagabi ko pa ding na-plantsa at isusuot na lamang ngayon.

Napadaan ako sa salamin kaya naman napatigil ako at napansin ang kuwintas ko na unti-unting nadami ang biyak. Napapaisip ako kung nagiging clumsy ba ako this past few days pero hindi naman kaya hindi ko din alam kung saan nagmumula ang mga iyon, napapaisip ako kung dahil ba sa pagiging malikot ko matulog nakukuha iyon.

Naglakad na ako palabas at binitbit ang aking bag at nabigla ako nang makita kong nasa baba na si Tita at nagluluto. Usually kase ay tulog pa talaga dapat siya ng ganitong oras.

"Good morning Jhazrell," nakangiting bati nito saakin

Ngumiti din ako dito at nagbeso bago tuluyang umupo sa upuan. "Good morning Tita, ano pong meron at ang aga niyo naman po yata bumangon?"

"Seryoso ka bang hindi mo alam kung anong meron ngayon?" bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala.

Napailing ako. "Hindi po talaga"

Phenomenal Fate Where stories live. Discover now