Kabanata 2

36 4 0
                                    

"Walastic na hipon! Ang hardcore manampal. "reklamo ko habang hawak ko ang pisngi ko na namumula na yata.

"Hala ka ghurl, namumula na feslak mo, pagagalitan ka ni mudra mo. "Baklang sambit ni Keyla at tinusok tusok pa ang pisngi ko.

"Gago ka! Masakit na nga eh! Pinapalala mo pa! Nakakabanas ah!" naiirita kong sabi at tinampal ang daliri niya.

"Dapat kasi hinardcore mo na rin. Bobo mo kasi, umiiral na naman kabaitan mo." mataray namang sambit ni Kiana at inirapan ako.

Leche naman kasing Ivan lagi na lang akong nasasampal kong saan saan dahil akala nila ako ang babae niya. Nakakahalay ang putang ina! Sana pala hindi na ako nakipag selfie sa gagong yun! Ipakita ba naman yun sa babae niya kapag nanawa na siya. Ako tuloy nareresbakan.

Pasalamat siya at wala lagi si mama at papa kapag umuuwi ako dahil nasa trabaho na sila. Mag isa lang kasi akong anak at parehas call center ang mga magulang ko at pang gabi ang trabaho nila. Ala una pa lang ay wala na sila sa bahay dahil sa Taguig pa ang workplace nila tapos ang uwi naman nila alas kwatro ng madaling araw.

Matagal ko ng kaibigan si Ivan simula pa nong senior high kami, naghiwalay lang kami dahil nagtatake siya ng Doctor kaya mag kaiba kami ng building. Babaero ang gago at ako pa ang ginagamit para tantanan siya ng mga babae niya. Kahit ayaw ko siyang makita ay wala akong magagawa dahil magkaharap lang bahay namin.


"Anak ng pating naman oh! Ano na naman ba?" galit kong sigaw ng may tumamang bola ng basketball sa likod ko.

Tumayo ako at tinignan kong sino ng bumato at nakita ko yung lalaking taga FEU na nakaharap sa gawi namin.

"Problema mo? Huwag mong sabihing inagaw ko jowa mo! Hindi ako pumapatol sa babae!" nakakunot noo kong sambit doon sa lalaki na nakataas ang isang kilay sa akin.

"Sorry, nadulas lang yung bola sa kamay ko." rason nito sa akin at nagkibit balikat kaya nanliit ang mata ko. Jackpot to erp! Halatang rich kid ang gago.


"Trip mo ba ako huh? Sabihin mo lang. Hindi yung babatuhin mo pa ako ng bola. Baduy mong pumorma dude." maangas kong saad don sa lalaki.


"SK, baduy ka daw oh! Pakitaan mo ng ng da moves mo." kantyaw sa kanya nong lalaking nakatabi ko sa Jeep kanina. Pogi pala yun akala ko sa side view lang eh.

"Yes, I'm interested to you. Can I get your number, instead?" confident nitong sambit at medyo lumapit sa akin.


Wow bilis ni Kupal, Hindi halatang makapal ang mukha ah.

"Follow mo na lang ako sa Instagram kong interesado ka. Nandon hinahanap mo."nakangiti kong saad sa kanya.


"Sure, Architecture Student?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa puting blouse kong suot na may tatak na Architecture sa itaas ng kanang dibdib ko.

"Yeah, URS, 3rd year College. 20 yrs. old, Single."malandi kong saad at kinindatan siya at inabot ang kamay.


"Engineering, FEU, 4th year College, 21 yrs. old, Single."nakangisi nitong saad at nakipag shake hands na sa akin.

Putanginamers lambot ng kamay mga bakla! Buti na lang malambot din kamay ko kaya go lang makipag shakehands.

"Mga bobo, Name first muna dapat." singit ni Keyla sa may likuran ko kaya napairap na lang ako. Tss papansin.

"Steven Kyle Sandejas, your future boyfriend, kong papalarin."pakilala nito at may paghaplos pa sa kamay ko bago niya binitawan.

"Rose Marie Matayog. Kasing tayog ng pangarap mo. Ayoko sa rich kid pero sige exception ka. Ano bang gusto mo? Fling? Malanding Usapan? Boyfriend? Ayoko sa Fuck buddy dahil ayoko ng pre-marital sex pero kong mapilit ka, pag iisipan ko munang mabuti."


When Broken Souls MeetWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu