Kabanata 1

87 4 1
                                    

"Hoy ano na? Ang tagal mo naman diyan? Pa VIP ka ghurl? " narinig kong sigaw ng kaibigan kong si keyla na nakasilip sa pintuan ng clasroom namin.

"Saglit lang kasi hane? Kita mong nag aayos pa dito eh. " Reklamo ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.

Katatapos lang ng klase namin at ayun nagsi-unahang umalis ang mga kaklase ko at naiwan ako ditong mag isa.

"Leche, pa VIP ka talaga kahit kailan, dito mo pa yan inaayos eh pwede namang sa bahay niyo diba? " Naiinis nitong smbit at tinulungan na ako sa pagliligpit.

"Saan daw ba kasi tayo pupunta? " Tanong ko ng isukbit ko na ang bag ko sa akin at nauna na siyang lumabas. 

"Duh malamang sa tambayan" maarte nitong saad sa akin at umirap. Parang tanga lang.

"Bobo lang? Andami dami kaya nating tambayan. " saad ko naman at sinabayan siya sa paglalakad.

"Sa may Kubo tayo para fresh balita ko may mga gwapings don. " natutuwa niyang saad sa akin.

Kaya pala aura na aura siya. Hindi na siya nakasuot ng uniform at naka tshirt na ng puti at naka tuck in sa itim niyang maong na shorts at naka sapatos ng sneakers na puti. Kita tuloy maputi niyang hita at binti.

"Hindi naman halatang lalandi ka eh no? " Sarkastiko kong tanong sa kanya at umirap lang siya.

"Hoy ano? Ang bagal niyo naman? Daig niyo pa pagong ah! " naiinis na sigaw ng leader namin na si Kiana at salubong na ang kilay.

Isang grupo kami ng magkakaibigan at apat kami at siya ang tumatayong leader namin.Mahirap suyuin yan kapag nagtatampo. Laging may tuyo. Attitude siya sis.

"Aba huwag mo akong idamay, siya itong makupad eh." naiinis na namang saad ni Keyla at tinuro pa ako.

"Sorry boss,bakit miss mo na lamas ko? " Pagbibiro ko at tumawa na ikinasama ng mukha niya.

"Libog ka talaga Rose. Kakadiri ka." nandidiring singit ni Erika at tinalikuran kami.

"Mga mapanghusga, pare-parehas lang naman tayo. " Natatawa kong saad at nauna ng maglakad.

Waleya aba, ako lang yata ang naka uniform halatang pinagplanuhan nila to tapos d man lang nila ako sinabihan. Mga naka shorts pa ang mga gaga.

"Makalibog kayo sa akin eh ang haharot niyo naman. "

Hindi na nila ako pinansin at naglakad na. Mga attitude.

"Hoy mga tude tude. Kain muna tayo kwek kwek, gutom na ako. "Sigaw ko sa kanila dahil nilampasan nila yung kwek kwekan. Tude tude short for attitude.

"Magpapalibre ka na naman no? Ano lagi na lang walang pera? " mataray na husga sa akin ni Kiana at kumukuha na ng kwek kwek.

"Grabe ka, may pera naman ako no. Nagtitipid lang ako." Natatawa kong sagot at tumusok ng limang kwek kwek tsaka sinawsaw sa sweet and chili sauce.

"Anak ng! Bilisan niyo na diyan maghahapon na oh baka hinahanap na ako sa bahay. " reklamo naman ni Keyla at nakatingin pa sa relo niya na binili pa yata sa palengke.

Hindi kasi kami rich kids para mag gucci, versace at kung ano ano pang pangmayaman na gamit.

"Akala mo ikaw lang? Ulol, Strict din parents ko. "Saad ko naman sa kanya at tinapon na ang stick sa basurahan.

"Oh, edi tara na, Baka mamaya mag text na yung mga yun nakakahiya naman sa inyo. " mataray na saad ni Kiana at naglakad na.

"Tude tude na naman si sis." Natatawang saad ni keyla.

"Hayaan mo na, wala kasing jowa kaya ganyan. " sagot ni Erika at hinabol si Kiana.

Sila ang magkasundo at kami naman ni Keyla ang magkasundo. Pero lahat naman kami one for all, all for one. Mga kapuso to erp. Mga 5 years na rin kaming magkakasama at magkakaibigan. We aways flock together and fly together.

When Broken Souls MeetWhere stories live. Discover now