CH 05

1 0 0
                                    


Pang-ilang girlfriend na ba siya ni Top? Pangwalo?



Tumigil ako sa paglalakad. E, ano naman kung may girlfriend siya? Sa future pa naman kami! Hindi naman siya magseseryoso!



Pero paano kung seryosohin niya si Trace? Paano na ako? Tatanda na ba akong dalaga?



Tumingin ako sa salamin. Imposible. Bata pa lang kami, kilala ko na si Top. Mabilis siyang magsawa sa isang bagay. Katulad na lang nung robot niya.



Ilang minuto rin akong nakatitig sa salamin ng biglang may pumasok. And speaking of the devil.



Nginitian niya ako bago pumasok sa cubicle. Yun ba ang type ni Chris? Yung naka- make up? 


Tumingin ulit ako sa salamin. Wala man akong make-up ay malinis ang mukha ko. Wala ring lumilitaw na pimples. O baka naman may pimples ako na si Top lang ang nakakakita?



Hinawakan ko ang pisngi ko at nilakihan ang mata ko. Nakita kong bumukas ang pintuan ng cubicle, lumabas na si Trace.



Dumiretso siya papunta sa may tabi ko. Binuksan niya ang gripo at naghugas ng kamay. Baka isipin niyang tinitingnan ko siya kaya binuksan ko rin ang gripo at pinanood ang tubig na umaagos.



"You're Liza, right?"



Tumango ako ng hindi tumitingin sa kanya. Si Top lang ang pwedeng tumawag sa akin nun.



"You know Travis? He's my brother." 



Ano naman?



Hinintay ko siyang magsalita ulit pero tumahimik na siya. Sinarado ko ang gripo.



"Mauna na po ako."



Pero bago ako umalis ay nagsalita na siya, "you can come to our house anytime."



Lumabas na ako ng C.R. Bakit naman ako pupunta? Wait. Naglakad ako papunta sa may bench at umupo.



Nandun ba si Top sa bahay nila noong isang araw? 



Pinagmasdan ko ang mga bulaklak na sumasabay sa hangin. Si Top ang hangin at kami naman ang mga bulaklak. Hay.



"Kumain ka na?" may taong tumabi sa akin.



Mabuti nga at walang masyadong estudyanteng pumupunta rito kaya tahimik. Kahit ang mga isda na nasa fish pond ay tahimik lang habang naghihintay ng pagkain.



"Huy, Lilo."



"Why are you here?" 



"Nakita lang kita. Gusto mo?" Inabot niya sa akin ang may kagat niyang sandwich. 



"Kainin mo na. Nang-alok ka pa talaga."



"Gusto mong bilhan kita?"



Hindi ko siya pinansin. Alam kong pinagtatrabahuan niya ang bawat ginagastos niya, kaya huwag na lang. May mas importanteng bagay pa siyang mabibili.



"Nasan yung mga kasama mo sa F4?"



Ngumuya muna siya. "Nandun. Gusto mo silang makita?" 



Umiling ako. Bakit naman nasabi niya yun?



"Hmm, alam mo na?"



"Sa tingin mo?" Pinanood ko ang butterfly na dumapo sa bulaklak. Sa magandang bulaklak. Kailan ba nagkaroon ng pangit na bulaklak? Kapag lanta na siguro.



"Marami pa namang lalaki diyan," narinig kong tinutipi niya ang wrapper at nilagay sa plastic.




"Nag-iisa lang si Top."




"Kasi siya lang ang pinagtutuonan mo ng pansin. Nandito pa-"




"Si Top lang ang gusto ko."



Tumayo na ako at iniwan siya. 



Hindi niya naman alam ang nararamdaman ko. Wala siyang gusto sa isang tao. Hindi niya malalaman kung gaano kasakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 29, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

(HS #1) Chained HeartWhere stories live. Discover now