CH 04

1 0 0
                                    

Ladies and gentleman, I will never be a fan of the feeling-F4. Not now and not ever. 



I am a planet that revolves around the sun. Top is my sun. Siya ang nagbibigay liwanag sa mundo ko.



"Hoy, girl. Kalat na sa school na magkasama kayo ni bebe Seb," tukso ni Janna at sinundot ang bewang ko. 



Pinalo ko ang kamay niya. Ano naman?



"Hindi na ba pwedeng magkasama ang dalawang mag-schoolmate?" tanong ni Shaine at umirap.



"Lola Shaine, imposible na walang 'something' kapag magkasama ang dalawang mag-schoolmate na opposite sex." Sinabayan niya pa iyon ng hand gestures.



"Bahala ka, Janna. Ang malisyosa mo."



"Hmp."



Hinayaan ko na lang silang dalawa na mag-away. The conservative and the liberated. Sinong magwawagi?



Umingay na naman sa hallway. Hindi na ako lumingon dahil sabi ko nga, hindi ako fan. 



Nagpatuloy lang kami sa paglalakad, kaming dalawa lang pala ni Shaine dahil tumigil na si Janna.



"Ang hot talaga..."



Iyon ang huli kong narinig bago kami umakyat ng hagdan. Wala pang masyadong estudyante na dumadaan. Baka naipon doon sa first floor.



Nasa fourth floor ang room namin, sa third floor naman iyong sa third year.



"Good morning, Crest!" bati ni Eulli kay Shaine, Crescent Shaine kasi ang pangalan niya.



"Anong meron?" tanong ni Shaine ng makapasok kami sa loob ng room, kakaunti pa rin ang estudyante.



"Nothing. You should talk to the twins, you know," at tinuro niya ang buhok niya.



"Okay, Mr. President."



Umupo kami sa may unahan, dahil kami lang naman talaga ang umuupo doon. Hinihingal naman na umupo si Janna. Hinabol niya muna ang kanyang hininga bago nagsalita.

(HS #1) Chained HeartWhere stories live. Discover now