Kabanata 19: Antiquated Wooden Box

2 1 0
                                    

A/N: These are the answers for the difficult round of quiz bowl, though namention na ang mga ito sa previous chapter.
- Diffraction
- Faraday's Law of Induction
- Positron

Enjoy 😉

******

Matt's PoV

Ngayong sabado ang unang araw ng pag-aani dito sa linang at dahil nangako ako kay papa na tutulong ako sa pag-aani ay umuwi ako ngayong weekends. Unang aanihin ang mga talong (eggplant) tapos ay bawang at luya. Every after five days kung aninin ang talong habang isang beses lang pwede anihin ang luya at bawang. Katulong namin ang bunso kong kapatid na lalaki, ilang mga pinsan at magsasakang katulong ni papa sa pagsasaka.

"Mukha pong maganda at madami ang aanihin natin ngayong araw", baling ko kay papa habang umiinom ng tubig galing bukal. Kasalukuyan kasi kaming nagpapahinga sa maliit na kubong gawa sa kugon at palapa ng niyog. Medyo mataas na din kasi ang sikat ng araw kahit magaalas dies y media pa lang ng umaga. Nakapuno na rin kasi kami ng labinlimang buslo (malaking basket) na puno ng talong, luya at bawang.

"Maganda kasi ang naging patubig ngayong taon 'nak...", tugon naman ni Papa. "...tsaka simula nang ipasarado ang piggery sa kalapit nating barangay ay naging malinis na ang tubig sa ilog", dagdag pa nito.

Simula kasi nang magpatayo ng babuyan sa kabilang barangay ay naging madumi ang ilog. Doon kasi itinatapon ang lahat waste products ng piggery. And since sa ilog na iyon nanggagaling ang supply ng patubig sa linang kaya naapektuhan ang katulad naming umaasa sa ani. Kaya nagkaroon ng petisyong ipasara ang babuyan. Kasama ang ilang magsasakang apektado tulad namin ay sama-samang nagtungo sa barangay. Pitong buwan na ang nakakalipas ng tuluyang naipasara ang babuyan kaya unti-unting luminis ang tubig sa ilog.

Nang medyo kumulimlim na ay muli naming ipinagpatuloy ang pag-aani. Pagdating ng alas dose ng tanghali ay dumating ang dalwa kong kapatid na babae dala-dala ang aming pananghalian. Inihaw ng tilapia galing sa maliit naming palaisdaan, toyo na may hinog at hilaw na kamatis bilang sawsawan at ginataang kuhol (snail). Naglatag kami ng dalawang dahon ng saging sa lamesang gawa sa kawayan at doon inilagay ang aming pananghalian. Palaging ganuon sa linang, sama-sama kaming kumakain ng biyaya galing sa itaas. Simple lang kung tutuusin pero masaya.

"Ang sarap ng luto mo Mika ah", pagpuri ko sa kapatid kong babae habang nilalantakan ang pagkain. Kahit sina Mang Berto, Mang Kulas at mga pinsan ko'y  nasarapan din sa fresh inihaw na tilapia.

"Siyempre po, pangarap kong maging magaling na chef balang araw", nakangiting tugon nito habang  hinihigop ang laman ng kuhol. Slurpee.

Mag-aalas tres na ng hapon ng matapos namin ang pag-aani. Nakapuno kami ng 10 baskets ng talong, 6 baskets ng luya at bawang, sumatotal ay mayroon kaming 22 baskets na napuno. Matapos makapagmiryenda ng mainit na kapeng barako at home made maja blanca ay sinimulan na naming ibalot sa malalaking plastic ang aming naani. Mamayang alas cinco kasi dadating ang jeep na nirentahan ni papa na magdadala ng mga ito sa bagsakan ng gulay sa palengke bukas ng madaling araw. Kung tutuusin nakakapagod ang trabaho dito sa bukid, nakasalalay kasi sa sipag ng magsasaka ang kanilang kikitain sa pag-aani. Palaging sinasabi ng mga guro at mga pulitiko na hardwork pays success, pero bakit pagdating sa mga masisipag na magsasaka, laging underrated. Kadalasan binabarat pa ng mga buyers. Kaya talaga ako nagsisikap na maging doktor para hindi na maghirap pa si papa dito sa bukid.

"Natapos din sa wakas", pagod ngunit nakangiti kong sambit. Tumayo na ako at tinungo ang aming nagiisang kalabaw at pinakain ng bagong gapas na mga damo. Habang si papa naman ay may kausap sa de-keypad nitong cellphone, marahil ay ang driver ng jeep.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BEHEMOTH Where stories live. Discover now