Kabanata 9: Selyo

11 3 0
                                    

Disclaimer: Ang mga larawang ginamit sa kabanata na ito ay hindi sa akin.

Enjoy reading.

******

3rd Person PoV

12:00 noon

Ang Sitio Pulang Lupa ay binalot ng pinaghalong pula at itim na liwanag na tila naging isang impyerno sa ibabaw ng lupa. Naging ganap na kasi ang pagtakip ng buwan sa araw, at ang resulta ay isang itim na araw. Ang bawat sinag nito ay tila pagkain para sa mga nilalang ng dilim at gayundin sa nilalang na nakatayo sa gitna ng pentagram, walang iba kundi ang demonyong si Behemoth. Matatalim na nakatitig sa tatlong taong naroroon ang mga pulang-pula nitong mata.

Nabaling ang kanilang atensiyon sa daan patungo sa simbahan nang makarinig sila ng malakas na tili.

"Geoff, nais kong bumalik ka sa simbahan at alamin ang mga kaganapan roon. Gayundi'y protektahan mo sila kahit buhay mo ang nakataya", sambit ni Miguel sa sakristan habang nakatuon ang atensiyon sa demonyo. Kinakabahan man ay mabilis itong tumalima sa pakiusap ng exorcist.

Habang si Father Gilbert ay napasapo sa kanyang ulo, at kalauna'y nawalan ng balanse at natumba. Muli na naman kasing bumulong ang mga boses sa kanyang isipan na hindi niya maintidihan. Mabilis itong tinulungan ni Miguel, ngunit napatda ito ng makita ang kanang mata nitong itim na itim.

"Father Gilbert, ayos lang po ba kayo?", nag-aalalang wika nito sa pari. Tumango naman ito bilang pag-sangayon ngunit muli na naman itong napadaing sa sakit.

"Ughhh! A-Ayoko, Ti-Tigilan niyo na a-ako. Ughh!", nahihirapang usal ni Father Gilbert.

Nang marinig iyon ni Miguel ay tumingin ito sa lokasyon ng succubus at tama ang hinala nito. Sinusubukang manipulahin ng succubus ang isipan ng pari. Mabilis niyang kinuha sa suot na bag ang isang anti-demon necklace. Isa itong silver necklace na may silver cross pendant na may pakpak.

Isinuot niya ito sa leeg ng pari at unti-unting gumaan ang pakiramdam nito base sa naging ekspresiyon ng huli

Oops! Această imagine nu respectă Ghidul de Conținut. Pentru a continua publicarea, te rugăm să înlături imaginea sau să încarci o altă imagine.

Isinuot niya ito sa leeg ng pari at unti-unting gumaan ang pakiramdam nito base sa naging ekspresiyon ng huli.

Ngunit nang ibaling ni Miguel ang paningin sa lugar na kinatatayuan ng demonyong si Behemoth ay naalarma ito. Nagpalinga-linga ito sa paligid dahil kahit ni anino nito ay hindi niya makita. Nakiramdam siya sa paligid at ilang sandali pa'y narinig niya ang takot na boses ng pari.

"Sa ng-ngalan ng A-Ama at ng A-Anak at ng Es-spiritu Sa-Santo. A-Amen", puno ng takot na dasal ng pari.

Mabilis ang naging pagharap ni Miguel upang tulungan ang paring dalwang dipa lang ang layo sa kanya. Ngunit bago pa man ito tuluyang makalapit sa pari ay tumilapon ito sa isang nitso. Ginamit kasi ni Behemoth ang buntot na tila isang troso sa lakas.

"Ugghh!", impit ni Miguel at kalauna'y napaubo ito ng mapupulang dugo. Pinilit nitong tumayo ngunit walang lakas ang tuhod nito. "Ta-Tayo, Ta-Tayo", paulit-ulit nitong sambit habang sinusuntok ang mga binti.

BEHEMOTH Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum