Kabanata 5: Exorcist

9 3 0
                                    

Disclaimer: Ang mga larawang ginamit sa kabanata na ito ay hindi sa akin.

Enjoy.

******

3rd Person's PoV

August 17, 1918

Ang mga kababalaghang nagaganap sa Sitio Pulang Lupa ay nakarating na rin sa mga kalapit na barrio. At nang mabalitaan ng isang binatilyong nasa edad dalawampu't tatlo ang tungkol sa mga hindi maipaliwanag na pangyayari sa sitio ay sumilay ang isang ngiti mula rito. Isang ngiting nagpapahiwatig ng kasiyahan at pananabik.

"Hijo, hanggang dito na lang kita maihahatid", wika ng matandang lalaki habang minamaniobra ang kalabaw. "Manong sapat na po ito. Lalakadin ko na lang po ito tutal malapit na naman po", sagot naman ng binatilyo sabay abot ng isang fifty centavos silver coin. (A/N: 50 cents was issued by the US Administration in 1918. In December 22, 2010, 50 cents silver coin had a value of ₱2,640.00). Dahil walang maayos na daan sa mga liblib na lugar tulad ng Sitio, tanging mga kalabaw o di kaya naman ay kabayo ang ginagamit nila bilang transportasyon.

"Hijo, sukli mo oh", iaabot na sana ng matandang lalaki ang sukli nang tumanggi ang binatilyo. "Sige na po manong sa inyo na po ang sukli. Alam ko pong nahirapan kayo sa paghahatid dito sa akin", nakangiting tugon nito sa matandang lalaki. Wala namang nagawa ang huli at malugod itong tinanggap.

"Hijo, sigurado ka bang tutuloy ka pa sa Sitio Pulang Lupa", pag-iiba nito ng usapan. "May bali-balita kasing kumakalat ngayon na may kababalaghang nagaganap ngayon sa sitio", dagdag pa nito.

"Siyempre naman po manong", masayang tugon naman nito sabay nag-thumbs up pa. "Oh siya sige hijo, mag-iingat ka sa iyong patutunguhan at nawa'y gabayan ka ng nasa itaas", pagpaalam ng matandang lalaki. "Kayo din po manong. Salamat nga po pala sa paghahatid", tugon ng binatilyo.

Hindi pa man ganoong nakakalayo ang matandang lalaki ng tinawag ito ng binatilyo. "Manong, sa inyo na po yan, mabisang proteksiyon sa mga...alam niyo na", sabay hagis ng isang uri ng kwintas na may kakaibang desinyo. Bukal naman sa loob na tinanggap ng matanda ang bagay na iyon at tuluyan ng nilisan ang lugar.

"Si

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Si.tio. Pu.lang. Lu.pa", pagbasa ng binatilyo sa sirang karatula na gawa sa kahoy. Isang buntong hininga muna ang pinakawalan nito bago tuluyang binaybay ang daan patungo sa pakay nitong lugar suot ang isang nakapanindig balahibong ngiti.

*******

Ngayong dalwang araw na lang ang nalalabi sa kanila ay hindi alam ng pari at ng sakristan kung papaano sasabihin sa mga taga-sitio ang tungkol sa kanilang natuklasan. Maaari kasi itong magdulot ng panic at baka atakahin pa sa puso ang mga matatanda. Ngunit ganun pa ma'y naglakas ng loob ang dalawa na sabihin ang tungkol sa itim na buwan.

BEHEMOTH Where stories live. Discover now